KABANATA XXIII

1K 65 4
                                    

"Catalina, Catalina!"

Bigla naman akong nagulantang sa pagsigaw ng isang babae mula sa aking pintuan ang ito'y malakas na kinakalampag. Kasulukuyan akong nag-aaral tungkol sa agham at pilosopiya nang bigla akong nagulat dito. Agad naman akong tumayo at tumakbo papuntang pintuan. Dahil alam kong mahalaga ang balitang ito, walang pag-aatubiling binuksan ko ang pinto at bumungad sakin si Fiona na hingal na hingal at mukhang nababagabag.

"Anong nangyare Fiona?" nag-aalala kong tanong


"S-Si tiya Cassandra! Siya'y hinuli at ngayon ay nasa labas siya at kinakaladkad palabas ng mga gwardya sibil!" natatarantang wika niya

"Ano?!" sigaw ko

Napahawak ako sa aking buhok at marahang  sinabunutan ang aking sarili. Napapailing iling ako talagang natataranta na ako!

"Maghunos dili ka, Catalina. Halika't puntahan natin sila at baka makumbinsi natin ang mga opisyal na siya'y pakawalan!" sigaw niya

"Sige!" sagot ko

Nakapaa akong tumakbo pababa ng pasilyo at mabilis kaming nakarating sa harap ng unibersidad. Natanaw namin ang tumpukan ng mga tao at mga ilang mga nakaunipormeng mga lalaki. Kaagad kaming tumakbo papunta roon at laking gulat ko nang masilayan ko ang tiya Cassie ko na nakaluhod sa mainit na sahig. Umiiyak siya at nagmamakaawa sa mga gwardya na pakawalan siya.



"Kasalanan ito ng iyong bastardang pamangkin!"

Napalingon ako sa sumigaw at nakita ko si Madre Soledad na nakatayo at nakaharap kay tiya Cassie.

'Ano? Ibig sabihin ay ako ang may kasalanan nito? Napakasama ko, kung hindi lang sana ako nagmagaling noong nasa klase ako ni Madre Soledad, sana hindi ito nangyare.'

Inihanda ko ang sarili ko para pumunta kung saan si tiya Cassie at napansin ako ni Fiona.

"Catalina, huwag!" sigaw nito pero bago pa man ako mapigilan ay agad na akong lumuhod sa mga tao na nandoon.

Nagulat ang mga tao dahil sa ginawa ko. Lumakad ako habang lumuluhod sa humahawak sa tiya ko upang magmakaawang bitawan na siya.

"Parang awa niyo na, bitawan niyo ang aking tiyahin, hindi siya ang may kasalanan. Madre Soledad, tatanggapin ko ang lahat ng parusa na maaari mong ibigay sa akin. Walang kasalan ang tiya ko sa aking kaalibughoan" pagmamakaawa ko

Nagsimulang nagbulungan ang mga tao at nagtinginan sa isa't isa ang mga opisyales sa aking sinabi. Binitawan nila si tiya Cassie at agad noya akong sinalubong ng yakap.

"Catalina!!" pagtawa niya

Nagkayapan kami at dahil doon, nagsimula akong maiyak. Nagsisisi ako sa aking kabulastugan. Ni hindi ko naisip na may ibang maaapektuhan sa aking mga ikinikilos.

"Patawad tiya... Patawad at nadamay ka sa aking maling ginawa. Nangako ako sa'yo na tutulungan kita balang araw  ngunit ngayon ay ibinababa pa kita. Patawad tiya.." wika ko habang umiiyak

Hinaplos niya ang aking buhok at tinapik tapik ito.

"Catalina, hindi mo dapat ginawa ang mga bagay na iyon. Alam kong naiinggit lamang sa iyo ang ibang mga magtutudlo sa iyong labis na kaalaman. Catalina, hanga ako sa iyong katapangan" sagot ni tiya

Natigil ang aming paguusap dahil may humatak sa aking tiya papalayo. Ang mga kamay naming magkahawak kanina ay pilit na pinaghihiwalay hanggang sa ito ay naputol.  Humarap ako kay Madre Soledad at siya'y nakangisi sa akin at inihampas hampas ang patpat niya sa kaniyang palad.


Reincarnated in 1880Where stories live. Discover now