KABANATA XIII

1K 60 1
                                    

'Salamat at naging maayos na rin ang lahat'

Napatingin ako sa itaas at napapikit. Biglang gumaan ang pakiramdam ko. Siguro na rin dahil ngumingiti ang totoong Catalina sa puso ko ngayon. Sa wakas ay natupad niya na ang pangarap niya, ang magkaayos sila ng kaniyang ama.

Tumayo na kami mula sa pagkakaluhod.

"Argh!"

Nabasag ang eksena naming mag-ama nang bigla naming narinig na dumadaing si Nicolas.

"Nicolas" sigaw ko at agad akong tumakbo sa kinaroroonan nito

Siya ngayon ay namimilipit sa sakit marahil ay naimpeksyon na rin ang kaniyang sugat dahil matagal itong na-expose sa labas.

"Anong nangyari?" nababalisang tanong ni ama nang makarating siya sa harap ni Nicolas

Nakita niya ang sugat nito sa likod at napa-takip siya sa kaniyang big sa nakita niya

"Sino ang lapastangang gumawa sa iyo nito?!" galit na sigaw ni ama

Bigla naman akong binagabag ng kaba at tensyon dahil sa takot. Paano kung may nagtaksil at sinumbong akong bigla? Hindi.. Hindi maaari! Kung kailan magkaayos na kami ni ama ay walang sinomang makakasira nito!

Bigla akong naging kalmado nang biglang may humila sa saya ko. Nakita ko si Nicolas na hawak hawak ito at ngumiti siya sa akin at binigyan ng its-ok look. Huminga ako ng malalim nang malaman kong kailangan kong magtiwala kay Nicolas

Biglang may dumating na gwardya at lumuhod sa harap namin ni ama.

"Mahal na hukom, sa aming paglalakbay tungo sa paghahanap sa binibini ay may mga bandidong grupo po ang sumugod sa amin. Ilan sa mga kasamahan namin ang nasawi. Ang ilan ay sugatan rin kaya naman nahirapan kaming ibalik ang binibini. Hindi po namin kilala ang mga bandido ngunit dahil marami sila, wala po kaming laban. Nabihag po ang heneral at dalawang beses hinagupit. Sa huli po ay naging matagumpay po ang pagliligtas sa binibini" kwento ng gwardya

'Ano ba namang klaseng palusot iyan? haha, pero infairness convincing sila.'

"Kailangan nating mahanap ang mga taong gumawa nito! Sabihin mo kung saang lugar nila nadakip ang anak ko, kailangang mapatay ang gumawa niyan sa heneral!"

Napa-lunok laway ako at ang mga gwardyang kasama ko kanina. Paano kung magpaimbestiga? Paano kung malaman nilang ako ang gumawa noon?

Dali-dali kong hinawakan ang kamay ng ama ko. Kailangang hindi niya munang isipin kung sino ang gumawa nito. Kailangang ilibang ko siya sa ibang mga bagay.

"Ama, mabuti pang dalhin muna natin ang heneral sa pagamutan. Marahil naimpeksyon na ang kaniyang mga sugat at baka lalo itong maging malubha." wika ko

Tumungo si ama sa pag-sangayon.

"Kayo, dalhin ninyo ang heneral sa pagamutan, madali!" utos ni ama

Bigla niyang sinabunutan ang kaniyang mga buhok. Ang mga mata niya at balisa at para bang may bumabagabag sa kaniya.

"Kailangang mahanap ang gumawa nito kay Nicolas! Magagalit ang kaniyang ama sa akin.. La mierda! (Kainis!)" sambit ni ama

"Ama sino po ba ang ama ni Nicolas?" tanong ko

Biglang natigilan si ama nang marinig ang tanong ko. Lumapit siya sa akin at tinapik ang aking ulo.

"Anak, hindi mo na kailangang malaman ang mga bagay na iyon. Inutusan ko na ang ilan sa mga katulong upang linisin ka at bigyan ka ng maayos na damit. Magpahinga ka na pagkatapos. Baka mas lumala ang kalagayan mo, lalo na't hindi ka maaaring mapagod." sambit ni ama

Reincarnated in 1880Where stories live. Discover now