KABANATA XXIV

1.2K 67 5
                                    

Ilang linggo narin akong nag-aaral sa unibersidad na ito. Pagkatapos nang nangyaring gulo noon tungkol samin ni tiya Cassie ay hindi ko na nakita muli si Madre Soledad. Napalitan na ang madreng nagtuturo sa amin tungkol sa simbahan at masasabi kong hindi naman ito mahirap pakisamahan. Hindi siya masyadong strikto tulad ni Madre Soledad. Dahil doon, hindi na rin ako nagsalita pa ng taliwas sa relihiyon. Hindi ko maaaring baguhin ang kultura ng mga pIlipino sa panahon ng Espanyol. Nagpatuloy ang buhay ko mag-aaral at lagi na akong binabantayan ni Nicolas. Pagkatapos kong malaman na siya pala ang anak nang gobernador-heneral, ipinaliwanag sa akin ni ama na sa akin daw ang desisyon kung tuloy ang kasal o hindi. Gagalangin daw ni Nicolas ang aking desisyon.

Dumaan ang mga araw at naging mahigpit ang labanan sa klase ngunit hindi parin naiaalis ang pangalan ko sa unang ranggo dahil napeperfect ko daw ang bawat pagsusulit.  Nagbabalik sa kasalukuyan, ngayon ay nakikinig ako sa propesor ko sa literatura at siya'y may ibabalita sa amin.

"Mayroon akong ibabalita sa inyo. Bukas ay magkakaroon ng kompetisyon kung sino ang magwawagi sa paggawa ng tula. Ang lahat ng mag-aaral ng unibersidad ay malayang makilahok sa paligsahang ito." pagaanunsyo ni Ginoong Cueza

Nagtinginan ang aking mga kaklase ng may mga ngiti. Napagtanto ko na gusto nilang sumali sa paligsahan. Siguro dahil excited silang muling gumawa ng may kinalaman sa literatura. Puro kase oral recitation at rssay ang mga ginagawa namin. Kaya siguto sabik na sila bukas.

Maagang natapos ang klase at wala ngayong klase sa simbahan dahil huwebes ngayon at lunes, miyerkules at biyernes lang kami pumapasok sa kumbento upang mag-aral. Umupo ako sa study corner at napatulala sa bintana.

'Sasali kaya ako?'

Biglang pumasok sa isip ko ang sumali ngunit hindi ko alam kung ano ang dapat na nilalaman ng tula at kung may tugma o sukat ito. Marahil meron at kailangan kong magtanong sa isang tagapamahala upang malaman ko ang mga detalye ngunit tinatamad akong maglakad!

'Hays, eh kung hindi nalang kaya? Wala akong maisip na topic eh.'

Isinandal ko ang ulo ko sa mga braso ko na nakalapag sa mesa. Ilang minuto rin akong nakaganun at napagdesisyunan kong sumali, maglakad, at magtanong! Gora lang yan Catalina, fighting!

Umalis ako sa silid ko at nagsimulang lumabas sa dormitoryo. Lumakad ako papunta sa lugar kung saan  gaganapin ang paligsahan. Nakita kong busy sila sa pagdedesenyo habang ang iba naman ay busy sa pakikipagusap sa iba.

'Hays, paano na ako makakapagtanong nito?'

Nagulat ako nang may boses akong narinig mula sa aking likuran, lumingon ako at nakita ko si Nicolas na nakatingin sa entabladong kanilang inaayos.

"Nais mo rin bang sumali?" tanong niya

Bigla naman akong nahiya dahil sa sinabi niya. Baka kasi akalalain niyang sumosobra na ako at lahat nalang ata nang contest ay sinalihan ko na.

"Ah.. eh.. Hindi, nakita ko lang na inaayos nila ito kaya naman pumunta ako rito upang tignan." palusot ko

Humagikgik siya ng kaunti at tumingin sakin.

"Sayang naman, sa aking pagkakaalam ay mahilig gumawa ng tula si binibining Catalina." sagot niya

'Oh talaga? Mahilig gumawa ng tula si Catalina?'

"Hindi naman mahirap ang paligsahan dahil malaya kang sumulat ng tula. Walang itong sukat ngunit kailangan ng tugma sapagkat kung walang tugma, hindi ito isang tula." Dagdag nito

"Talaga?" gulat long sagot

Pinigilan niyang tumawa at bigla naman akong nahiya. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at medyo lumayo.

Reincarnated in 1880Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora