KABANATA IV

1.5K 82 2
                                    

"Nandyan ka lang pala ah!"

Nagulat ako dahil may biglang nagsalita sa likod ko. Sa sobrang gulat ay nasampal ko ito ng malakas.

"Aray!" daing nito sa sakit

Pffft, rinig na rinig ko yung tunog sa lakas ng sampal ko sa kanya. Nakita ko ang kaniyang paiyak na mukha at talagang pinipigilan kong tumawa.

"Bakit mo naman nagawa sakin iyon?" naka-nguso niyang sabi

"Kasi--haha.. Sorry naman" sabi ko at tinapik-tapik yung ulo niya

Sa posisyon namin ngayon ay para siyang batang nahulugan ng ice cream habang ako naman ang ate niyang nagpapatahan sa kaniya.

"Sori-sori ka diyan, hmmp!"

"Haha, tignan mo nga yung sarili mo. Kanina umaasta kang siga ngayon eh para kang maamong pusa. Bipolar ka ba?"

"Mas hindi kita maintindihan." nakayuko niyang sambit

'Huh? Ano nanaman bang problema nito?'

"Teka, ano----" di niya ako pinatapos nang pahiran niya ang mukha ko ng pintura.

'Ayos ah, ayos na ayos talaga.'

"Hahahaha, halina't magsimula nang gumawa ng mga ipambibili" nakangiti niyang sabi at biglang hinila yung tali sa bewang ko dahilan para masundan ko siya.

Tama naman ang ginawa niya para di kami magkahawak ng kamay pero MALI YUNG HIHILAHIN AKO SA SAYA KO! Abnormal ba to o talagang di lang nagiisip? Di nagtagal ay nandito nanaman kami sa silid kung saan ko siya hinagisan ng pintura. Masinsinan niyang ginagawa ang mga abanikong gawa sa papel at mga paper crane. Sinabi niya sakin na siya nalang daw ang gagawa nito dahil di ko raw alam kung papaano.

"Uy tignan mo sila oh, ang tamis nilang tignan"

"Oo nga hihi, parang mga magkatipan"

"Si kuya talaga, napakaswerte niya dahil maganda ang binibini"

'Sus, enebe! Wag nyo namang palakihin ang ulo ko jusko dai.'

"Kung sa bagay ay may pagka-karinyosa si ate Via at si kuya naman ay gwapo"

*pagka-karinyosa -pagkamalambing

"Hihi, sana sila ang magkatuluyan sa huli"

Ang dadaldal din pala ng mga kapatid nitong si Andres. Bubulong na nga lang eh yung rinig ko pa. Sarap pingutin. Kinikilabutan tuloy ako sa mga sinasabi nila. Tinignan ko si Andres at namumula siya.

"Naririnig ko kayo" inis kong wika at lumingon ako

Sinamaan ko ng tingin ang dalawa dahilan para matakot sila sakin at kumaripas ng takbo papalayo.

Tinignan ko ang gawa ni Andres at nakita ko na ang ganda nito. Di ko akalain na magagawa na ng mga sinaunang tao ang mga bagay na ito. Yung inaakala kong pamaymay na gawa sa papel na tinupi-tupi lang at ini-scotch tape sa dulo, hindi pala ganon. Ang ganda niya.

Sa sobrang bored ko ay kumuha ako ng piraso ng papel at kumuha ng gunting. Dahil masyadong busy si Andres, di niya ako napansin na gumagawa. Binilinan niya din ako na wag magaksaya ng papel at wag ito gagalawin dahil mahalaga daw ang bawat piraso nito. At dahil mabait ako, di ko siya susundin. May alam naman ako sa mga origami. Nagawa na namin yun nung Grade 8 ako at naaalala ko pa ang mga steps.

Tinupi ko ang papel at nagsimulang ihugis ito na parang butterfly. Naalala kong dito ako nahirapang gumawa dahil napakarami niyang steps kaya naman nakabisado ko.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Reincarnated in 1880Where stories live. Discover now