HALLOWEEN SPECIAL

1K 50 8
                                    

Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay namin at nagcostume bilang si Harley Quin. Wala lang ang cute lang kase. Ngayon ay hinihintay ko na dumating sina Andres, Nicolas, Ruiz at Fiona dahil magtetreat or trick kami sa mga kalapit bahay ng mansyon. Pinahintulutan naman ako ni ama dahil may dalawa akong kasamang heneral.

Maya-maya'y napalingon na ako nang may tumawag sa pangalan ko.

"Biya!!" nakita ko naman si Andres na tumatakbo papunta rito. Naka-costume siya ng Frankenstein at ang cute niyaaa!

"Catalina!!" nakita ko rin si Nicolas na tumatakbo kasabay ni Andres. Naka-costume siya ng vampire at ang hot niyaaa!

"Victoria!" sigaw ni Ruiz sa kalayuan. Naka-costume siya ng mummy at naka-topless siya! Enebe guys, bat ganito ang costume niyo sa Halloween?

Nagulat sila sa itinawag ni Ruiz sa akin at binigyan nila si Ruiz ng who-is-Victoria look. Aba, kasalanan ko bang iba iba ang tawag niyo sakin?

Nagpabilisan sila sa pagtakbo para makarating sa akin. Natakpan ng alikabok ang buong paligid nang tumigil sila sa harap ko.


"Ako ang nauna!" sigaw ni Andres

Humakbang si Ruiz ang tinapatan ang ulo ni Andres.

"Hindi ako ang nauna!" pasigaw na sagot nito

Binatukan ni Nicolas ang dalawa at inis siyang tinignan ng mga ito.

"Ano ba!" sigaw ni Andres

"Hindi kita inaano diyan Nicolas!" pagrereklamo ni Ruiz

"Huwag na kayong magtalo at ako naman talaga ang nauna!" tugon ni Nicolas

"Anong sinabi mo!"

"Bawiin mo, ako ang nauna!"

At nagaway away na nga ang mga baklang to harap ko. Wait... Bakit may nasesense akong isang nakakatakot na aura. Don't tell me....

Pagkalingon ko ay nakita ko si Fiona naka-costume na Joker na may itim na usok sa kaniya. Naku patay kayo..

Lumapit si Fiona ng dahan-dahan sa kanila.

"Teka, bakit kinukutuban ako ng hindi maganda?" tanong ni Andres

"Nakakaramdam ako ng masamang espiritu" dagdag ni Nicolas

"Uy wag kayong ganyan at kinikilabutan na ako" nanginginig na tugon ni Ruiz habang kinikiskis ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mga braso

"ANONG SINABI NIYO?!" galit na sigaw ni Fiona

"Waahhhh!" sigaw nila

Agad namang pinagpapalo ni Fiona ang tatlo ng kaniyang abaniko at habang ako naman ay tawa ng tawa sa mga kalokohan nila. Tumigil na si Fiona at tumingin sakin. Ang kaniyang galit na ekspresyon ay naging ngiti.

"Catalinaaaa!" sigaw nito habang tumatakbo papunta sa akin

Niyakap niya ako ng mahigpit at ganun din ako sa kaniya.

"Catalina magka-terno tayo. Ako si Joker at ikaw naman si Harley Quin yieeee" masayang sambit niya

"Hala oo nga.." gulat kong wika

Agad naman tumayo ang tatlo at pumunta na sa direksyon namin. Lahat sila ay tumingin sa akin at naghihintay akong magsalita

"Ganito, pupuntahan natin ang mga bahay na kalapit ng mansyon. Isisigaw niyo lang na Treat or Trick at alam na nila ang gagawin, maliwanag?" panuto ko

"Opo!" sabay sabay nilang sagot

Napuno ang paligid ng mga nakakatakot na display at dahil pinauso ko ang Halloween sa kanila, tinangkilik na nila ito Ang alam ko ay mga 1900's pa nagsimula ang Trick or Treat pero dahil gusto ko ngayon, inimpluwensyahan ko na sila.

Kumatok kami sa mga bahay at tinakot namin sila. Imbis na matakot ay natatawa sila samin. Banaman eh nagtatawanan sila kapag bumubukas ang pinto. Parang mga timang lang eh.

Halos napuntahan na namin ang mga bahay dito at puno natin ang aming mga lalagyan. Buti pa sila namimigay sa panahon ko eh konti nalang ang nagtitrick or treat at mga namimigay. Nakakalungkot lang.

Tumigil naman kami sa isang nakakatakot na bahay. Grabe.. naeexcite naman akong pumasok sa bahay na yun, well mahilig ako sa mga horror movies at lagi kong gustong pumunta sa mga horror exhibits pero so sad wala akong pera.

Lalakad na sana ako nang pigilan ako ni Andres.

"Huwag.."

Nagulat naman ako sa itsura ni Andres. Mas nakakatakot pa siya eh! Inalis ko ang kamay niya sakin.

"Bahala kayo kung ayaw niyo akong samahan. Basta ako papasok" sabi ko at padabog na naglakad papunta sa nakakatakot na bahay

Hehehe~~ Ang balak ko ay pagkapasok ko ay magtatago ako sa pintuan at gugulatin ko sila pagkapasok nila. Bwahahaha-evil laugh yan

Pumasok na ako sa loob at umistop doon. Nang marinig ko na ang kanilang pagyapak ay inihanda ko na ang aking sarili. Narinig kong tumigil na sila sa harap ng pintuan. Eto na guyssss!

"Bulaga!!" sigaw ko sa kanila nang papasok na sila sa bahay

"Aaaaaaahhhhh!" malakas na tili ni Andres

'Oh my gosh, hindi ko to ineexpect kay Andres! Confirmed'

"Maria! Patawarin mo ako!" paiyak na sigaw ni Ruiz with matching pa-krus sign pa

'Maria nanaman! Jusko po, Ruiz nagsisimula na akong magtaka kung sino talaga si Maria'

"Putang*naaaaaaaaaaaa!" sigaw ni Nicolas habang umiiyak na at namumula. Take note, patalon talon pa siya Hahahahahahaha

'Nicolas! Kailan ka natutong magmura langya kaaaa, hahahaha'


"Papaaaaaaaaaaaa, huhuhu, Papaaaaaaa ayoko naaa" nakakarinding iyak ni Fiona

Pagkatapos ng gulat na gulat na ekspresyon nila ay tumakbo na sila papalayo.

"Pfft--HAHAHAHAHHA" inilabas ko lahat ng tawa at talaga namang sumakit na ang tiyan ko sa kakatawa.

Natigilan ako sa pagtawa nang may biglang kumalabit sakin. Napatili ako at binuksan ko ang ilaw ng bahay. Nakita ko namang may mga taong nakapiring at nakabusal at nakatali sa upuan.

Titili na sana ako nang may tumakip sa bibig ko.

"Shhh..." Tumingin ako sa kaniya at nakita ko si Nicolas

Huh? Bakit siya nandito. At ang mga nakatali sa upuan... Hindi, hindi ako nagkakamali! Sila ay sina Andres, Ruiz at Fiona.

Ang ibig sabihin...ang mga kasama ko kanina ay.. ibang mga nilalang!

Ps. Hindi daw titili si Andres ng ganun!

Reincarnated in 1880Where stories live. Discover now