KABANATA XV

1.1K 63 1
                                    

'Miss na kita...'

Naaalala kong bigla ang liham na binigay sa akin ni Andres. Dali-dali kong hinanap iyon sa mga bulsa ng saya at sa wakas ay may nakapa akong papel sa loob nito. Napaupo ako sa kama at tinitigan ang papel. Hindi ko pa nababasa ang liham ay bigla na akong napaluha dahil nakita ko ang paunang sulat niya.

"Para sa aking pinakamamahal na si Viatiere, isang dalagang bulastog ngunit pusong mamon.."

Alam kong ang korny niyang pakinggan pero bakit ako natatamaan? Bakit ako nasasaktan?

"Mahal kong Viatiere,

Dalawang araw at dalawang oras na tayo'y nagkatagpo at oras ng ating pinagsamahan. Ngayon ang araw na papakawalan na kita sa mga bisig na nakakadena. Oh pag-ibig na kay bilis, tila parang bulang kay bilis maglaho. Ang masiglang bulaklak wari baga'y matagal nang yumao. Naninibugho, nagugulumihanan, hindi mapagtanto, hungkag na puso'y itahan. Sa iyong mga ngiti, pagkatao ko'y napupuno. Silakbo ng puso ko'y bumubugso. Sa iyong iyong hagikgik, mundo ko'y humihinto. Puso ko'y nabihag mo, hindi dahil sa ganda mo, kundi dahil sa kalooban mo. Salamat sa lahat, mula sa oras na tayo'y pinagtagpo hanggang ngayon na tayo'y magkakalayo. Alam kong aalis ka na kapag dumating na puntong naalala mo na ang lahat. Hinding hindi kita makakalimutan, pero sana bago ka mamaalam ay matalos mo rin ang nararamdaman ko para sa'yo. Iniirog kita, binibining Viatiere."

sfx: Nobela by Join the Club

~Ngumiti kahit na napipilitan, kahit pa sinasadiya~

Mabilis na umagos ang aking luha matapos kong basahin ang kaniyang liham. Nasasaktan ako, kinakabahan ako na baka hindi na kami muling magkikita pa.

~Mo akong masaktan paminsan-minsan bawat sandali nalang~

"Wari ko kung bakit hindi ka umilag sa karumatang bumubugso. At ngayo'y  umaasta kang isang mulalang magara"

Ito yun, yan yung una niyang sinabi sa akin nang una kaming magkita. Ang masungit na lalaking hindi ko inaakalang si Andres. Bigla kaming nagkatagpo sa maling panahon, maling lugar at maling pagkatao.

~Tulad mo ba akong nahihirapan, lalo't naiiisip ka~

"H-Hoy! Huwag mo nga akong halakhakan!"

"Babae, babae!"

"Anong nginingiti-ngiti mo riyan? Nandito na tayo"

"Diyos ko po!"

"Sa tanan ng buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng babaeng ang laswa kung humalakhak"

"Kaya naman Viatiere ang ngalan mo dahil utak biya ka. Ngayon ko lang napagtanto, paumanhin. Hindi dapat ako nakikipagtalo sa maliliit ang utak"

~Di ko na kaya pa na kalimutan, bawat sandali nalang~

Hindi ko maintindihan na kahit anong gawin ko, ang bigat bigat ng loob ko. Oo, sa dalawang araw na iyon ay hinding hindi ko makakalimutan ang pagsama mo sa akin. Ang dalawang araw na iyon ay katumbas ng isang taong pagkakaibigan. Ang iyong mga tinig na umaalingawngaw sa aking tenga. Ang iyong mga ngiting minsan ko lang makita at kapag namumula ang pisngi mo'y kabadong kabado ka.

~At aalis, magbabalik~

Pero sa oras na nakita kitang nahihirapan. Wala akong magawa. Ikaw na nagligtas sa akin mula sa aking kamatayan. Wala man lang akong nagawa upang pigilan ang sa iyo.

~At uuliting sabihing mamahalin ka't sambitin~

Ang sakit isipin.. Ang sakit makita.. Ang lahat.. Ang lahat ng ito ay magtatapos sa isang iglap. Sa isang ngiti, may luhang kapalit. Nakakaawa ka, naawa ako sa'yo bakit kailangang ganito ang sapitin mo Andres? Namatay ang iyong mga magulang, naghihirap ang iyong mga kapatid at pinipilit mong gawin ang lahat para mapakain sila. Ngayon ay kalunos-lunos pa ang sinapit mo nang dahil sakin? Nagaagawbuhay? Tapos ngayong malalaman kong mahal mo ako saka kita iiwan.. Bakit kailangan mong maranasan lahat ng ito, Andres! Bakit?

Reincarnated in 1880Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon