San Sevito University

490 14 0
                                    

San Sevito University
The Beginning

____________

PROLOGUE

Celine's Point of View


"Hey Franco, pinapatawag ka ni Adonis. Pumunta ka daw sa rooftop asap" sabi ng isa sa mga kaibigan ni Adonis-ang isa sa mga nantitrip akin sa school

Napabuntong hininga ako saka tumayo sa kinauupuan ko. Paniguradong pagtitripan nanaman nila ako at kukunin ang baon ko lagi naman silang ganyan

Natatakot akong lumaban dahil sinubukan ko na yon noon. Mas lumala lang lalo ang pangti trip nila sakin, sinasaktan na rin nila ako... Haysstt

Lumabas ako ng room at umakyat patungong rooftop. Inayos ko ang pagkakasuot ko ng salamin at hinigpitan ang pagkakahawak sa wallet ko.

Napatigil at napapikit ako ng may bumuhos sakin ng mabahong likido. Wala na akong extra clothes pa sa locker, paniguradong uuwi nanaman akong basa at mabaho dahil sa binuhos nila sakin

Nakarinig ako ng tawanan. Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko, wala akong magawa kundi magpatuloy papunta sa rooftop. Nang makarating ako ay bigla akong hinila sa braso ng isa nilang kaibigan at dinala patungo sa railings ng rooftop. Sabay buhos sakin ng malamig na tubig

"Ano? Nagustuhan mo ba ang paglalakbay patungo rito? CELINE.CLAIRE. FRANCO" may pang uuyam na sabi ni Joana---girlfriend ni Adonis. Ini-emphasize pa nito ang pangalan ko.

Sinamaan ko siya ng tingin saka binato sa kanila ang wallet ko. Pagod na pagod na akong maging bangko nila, na maging laruan nila. Ang gusto ko lang naman ay maging isang normal na estudyante, pero bakit hindi? Bakit ganito? Bakit ako yung napili nilang bully-hin?

Kinuha ni Joana ang wallet ko na binato ko sa kanya. Saka lumapit sa akin at isinampal sa mukha ko iyon. Napapikit ako dahil sa ginawa nya "aba aba, ayusin mo yang ugali mo Franco" aniya saka sinabunutan ako "baka nakakalimutan mong may atraso ka pa samin"

"Wala akong atraso sa inyo" diretsong sabi ko na masama ang tingin sa kanya "wala akong ginawang masama para ganituhin niyo ko"

Hinigpitan nya lalo ang pagkaka sabunot sa buhok ko "wala nga" aniya "pero ikaw ang gusto naming bully-hin eh, problema ba yon?" Saka nya ako hinila at tinulak sa pader

Ramdam na ramdam ko ang sakit ng katawan ko. Puro bugbog at pasa ang natamo ko simula pa nung magpasukan. Di ko alam kung nakaka survive pa ako rito

"Masyado ka kasing pasikat" aniya saka sinipa ako sa tiyan "matalino ka nga, pero looser ka pa rin. Ni hindi mo nga ako malabanan" saka sinipa ako ulit.

Napahiga na ako sa sahig dahil sa sobrang sakit. Tuloy tuloy lang sa pag agos ang luha ko, di ko na kaya.

Binato nya sa akin ang isang notebook, hindi ko naman makuha dahil masakit ang braso ko. Halos di na ako maka bangon sa pagkakaratay ko sa sahig.

Tumunog na ang bell, hudyat na magsisimula na ulit ang susunod naming klase. Umalis na ang grupo nina Joana, ako nalang ang natira rito sa rooftop.

Napapikit ako

'This is so unfair'

-------

This story is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are product of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental.

Ngayon palang sinasabi ko na sa inyo na maraming Typo and Wrong Grammars ang story ko, idagdag na din natin ang mga errors. sana maintindihan niyo. i'm not a pro,i'm just a beginner pero sisikapin kong tapusin ang buong story

First published
Date: December 6, 2019 (posted)
Time: 2:37 pm

------
Edited

Date: November 03, 2023
Time: 10:08 am

HAZELEVIIIII

San Sevito University ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon