"I love you my wife. So much. You're my life." Mas lalo akong naluha. Konting salita lang ni Zander, ng asawa ko, nawawala na lahat ng pagdududa sa isip ko.

"I love you too, hubby. Sobra-sobra. Takot na takot ako... Akala ko, mawawala k-kana sa akin." Dahil sa pag-iyak ko, nautal ako.

"Shh. Stop crying now." Hinalikan niya ang pisngi kong basa-basang ng luha. "Umiiyak din ang mga babies natin. It kills me more everytime i see you crying. Walang-wala sa tama ng baril ang sakit na nararamdaman ko tuwing umiiyak ka. Parang pinipiga ang puso ko."

I smiled at him. Naglapat ang aming mga ilong at ito'y aming pinaglaruan.

Dumating na ang pagkain namin. Nakaupo kami ngayon sa sofa ng kwartong ito. Naghahanda ako ng pagkain samantalang si hubby ay nagsasalang ng movie.

"What do you want to watch, wife?" Tanong niya.

"Avengers or any superpower movies will do." I answered. Hindi ko siya nililingon dahil busy ako sa pag-aayos ng pagkain namin.

"Okay..."

Nang matapos na ay sakto namang tapos narin siya. Maingat siyang lumapit sa akin.

"Done preparing?" Nakangiti akong tumango.

"Yup."

Hindi niya inaasahan ang pagsubo ko nang pagkain sa kaniya. Dahil nakatingin siya sa TV kaya natapon sa suot niyang lab gown ang soup.

"Ay!" Kaagad akong tumayo at naghanap ng tissue.

"It's okay, wife. I'll just remove this thing." At walang preno-preno niyang hinubad ang lab gown niya at naiwan nalang ang boxers niya.

"What the fvck, hubby!?" Kaagad siyang nag-angat ng tingin sa akin at sinamaan ako ng tingin.

"Why the fvck are you cursing, wifey?" Pagalit niyang tanong.

Oo nga pala, ayaw niyang nagmumura ako.

"Sa tingin mo makakakain ako ng maayos niyan!? You're flexing your abs!" Ang galit niyang ekspresyon ay unti-unting nawala hanggang sa tumawa siya.

"HAHAHAHAHA! Oh, wife! You're so cute, damn it." Inirapan ko na lamang siya.

"Come here, wifey. Come on, i'm hungry too." Pinaypayan ko ang sarili ko.

"Na s-stress ako sayo, alam mo 'yon?" Ngumisi siya sa akin at agad na hinawakan ang tiyan ko.

"Come here my preggy mommy. I'm going to show my abs to our babies." Hindi na ako sumagot o nag protesta pa. Pero iniiwasan ko talagang mapatingin sa maganda niyang katawan. Especially sa abs niya! Damn.

Bakit ba ngayon pa ako nahihiya? Ngayon pa na may tatlo na kaming anak!?

Umupo ako sa tabi niya. Ramdam na ramdam ko ang titig niya habang nagsasandok muli ako ng pagkain.

"Staring is rude, Mister." Inilapit ko sa bunganga niya ang kutsara. Nakangisi niya naman itong isinubo. Mas lalo akong napasimangot.

Kumain din ako ng soup.

"Come on, wifey..."

"Tigilan mo ako, Anderson ha. Kakain ka ng mag-isa riyan, tamo." Masungit kong sabi.

Hinawakan niya ang kamay ko. "I'm just kidding, i'm sorry. Ang bilis naman mapikon ng buntis ko. Hmm." Nilapit niya ang mukha niya sa leeg ko.

Mabilis naman na humupa ang inis ko. Tinignan ko si Zander at bumuntong hininga.

Inalis niya ang mga hibla ng buhok ko na humaharang sa mukha ko.

"Don't be shy, wifey. I'm all yours. My body, my mind, my heart and my soul. It's all yours. Ngayon ka pa ba nahihiya, eh may tatlo na tayong anak?" Nanlaki ang mga mata ko. Nakangiti niya kong hinalikan.

Mask Off, Rosegun.Where stories live. Discover now