Web 19

159 4 0
                                    

Biglang bumukas ang pinto ng silid at pumasok ang mga naka surgery mask na estudyante. May kasama silang isang professor na gumagabay sa kanila habang papasok.

Lumapit ang mga ito sa kanya upang suriin siya. Napansin niyang may mga dala itong surgery tools at matatalim na bagay. Pinagpapawisan na siya sa sobrang kaba. Naaalala niya ang ganitong eksena dahil minsan na niyang naranasang mag autopsy ng patay para sa kanilang science class pero iba na ang kaso ngayon dahil mukhang siya ang subject ngayon at gagawin nila ito habang may malay siya.

"Ok Charles I want you to meet my personal medical students, wag kang mag alala dahil sisilipin at kukunin lang naman nila ang utak mo habang ikaw ay gising para gawing souvenir sa kanilang science lab! Hahahaha!! " wika ni James na parang nasisiraan ng bait.

"Wag!...... Pakiusap!! " bulyaw ni Charles.

Ilang saglit pa ay may itinapat na ilaw sa kanyang bandang ulunan. Pagkatapos ay itinali ang kanyang ulo sa magkabilang dulo ng lamesa para hindi siya gaanong makagalaw.

"Wag kang kabahan Charles parang kagat lang yan ng buwaya..... ay este langgam pala! Hahaha!! " pangaasar ni James.

Biglang may inilabas na maliit na lagari ang professor mula sa kanyang likuran at unti unting lumapit sa kanya.

Agad nitong itinapat ang lagari sa kanyang ulo at dahan dahang sinimulang hiwain ito.

Ramdam ni Charles ang bawat pagbaon at paghiwa ng matatalim na bakal sa kanyang ulo. Halos mabaliw na siya sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.

Habang nilalagari ang kanyang ulo ay nagtatalsikan ang mga dugo mula rito at rinig din ang bawat pagkiskis ng bakal sa kanyang bungo.

Enjoy na enjoy si James sa kanyang napapanood dahil hilig niya talaga ang mga slasher movies pero iba ngayon dahil totoong eksena ang kanyang pinapanood kaya lalo siyang nasasabik paroonin ito.

"Aaaaaahhhh!! Tamaaaa naaaaa!!! " sigaw ni Charles dahil sa sobrang sakit.

Ilang saglit pa ay unti unti ng nabibiyak ang kanyang ulo at lalong rumagasa ang mga dugong umaagos dito. Tumitirik na ang mga mata ni Charles habang nangingisay ang buo niyang katawan.

Nilagari pa nila ng nilagari ang ulo nito hanggang sa tuluyan ng mabiyak ang kalahati ng bungo nito. Kita na ang kabuuan ng kanyang utak ng matanggal ang kalahati ng kanyang ulo.

Pero kahit ganon ay nananatili paring gising si Charles buhay. Habol habol nito ang kanyang hininga habang nangingisay.

Walang ano anoy biglang kumuha ng isang maliit na kutsilyo ang professor at agad hiniwa sa gilid ang kanyang utak. Sumisirit pa ang mga dugo nito habang hinihiwa.

Pagkatapos hiwain ito ay agad hinawakan ng professor ang utak ni Charles sa magkabilang dulo at agad hinatak ng dahan dahan.

Kita pa ang mga ugat na nakakabit sa utak nito na unti unting napuputol dahil sa pagkakahatak. Ilang segundo lang ay tuluyan ng nakuha ang utak ni Charles sa kanyang ulo.

Dahil dito ay tuluyan ng binawian ng buhay si Charles habang sumusuka ng dugo at nananatiling dilat ang mata.

Agad inilagay ng professor ang utak ni Charles sa isang garapon na may lamang formalin at isinilid sa isang kahon. Nag tumbs up pa ito sa camera kung saan nanonood si James na senyales na mission accomplish.

Lalong dumami ang mga online viewers ni James sa kanyang kapakapanabik na palabas. Ang mga iba pa dito ay nag cocomment sa kanya ng mga positive feedbacks.

Kumpara sa unang dalawang rounds ng laro ni James ay di hamak na mas mataas ang puntos na ibinigay sa kanya ngayon kaya paniguradong malaking pera na naman ang kanyang matatanggap.

"Hayyys.... Isang laro na naman ang natapos! " nakangiting wika ni James sa harap ng kanyang laptop.

*******

Kasalukuyang naghahapunan sina Veronica at ang kanyang mga kaibigan sa kanyang mansion. Nakaupo sila sa harap ng lamesa habang inaantay ang kanilang pagkain.

"Guys hindi ko ma contact si Charles, ilang beses ko na siyang tinatawagan o tine-text pero hindi parin siya sumasagot, masama na ang kutob ko!" alalang wika ni Ashley.

"Wag ka ngang mag-isip ng kung ano ano diyan..... Walang mangyayaring masama kay Charles matalino yon kaya niya ang sarili niya. " pagpapakalma sa kanya ni Jhon.

"P-pero...... Paano kung siya na ang sumunod na pinatay " kinakabahang tanong ulit ni Ashley.

"Paranoid ka lang....... Relax! " wika ni Black.

Ilang saglit lang ay biglang tumunog ang phone ni Ashley. Tinignan niya kung sino ito at laking saya niya ng malamang si Charles ito.

Charles: andito na ako, sorry kung natagalan ako.... Medyo sumakit kasi ang ulo ko kaya nagpahinga muna ako sandali.

Pagkabasa ni Ashley nito ay tuluyan ng nawala ang kaba niya.

"See..... Sabi ko naman sayo he's safe kaya there's nothing to worry about. " kampanteng wika ni Jhon.

Napatango nalang si Ashley sa sinabi nito. Maya maya pa ay dumating na ang kanilang hapunan, isa isang inilapag ito sa lamesa.

"Teka antayin muna natin si Charles bago tayo kumain. " pigil sa kanila ni Veronica.

Tinext agad ni Veronica si Charles kung nasaan na ba siya at agad naman itong nag reply sa kanya.

Charles: andito na ako kararating ko lang.

Nagtaka naman si Veronica dahil wala naman siyang nakikitang Charles sa paligid. Iginala pa niya ang kanyang paningin at baka sakaling pinaprank lang sila nito.

Charles: andito ako sa harapan niyo, wag mo akong hanapin sa paligid.

Napatingin naman si Veronica sa kanyang harapan, wala naman siyang nakikita kundi puro pagkain at isang malaking plato na may takip.

Biglang kinabahan si Veronica sa hindi niya malamang dahilan habang nakatitig siya sa malaking plato na may takip.

Dahan dahan niyang inilapit ang kanyang kamay dito upang silipin kung ano ang laman, ng mahawakan na niya ito ay agad niya itong binuksan at laking gulat at takot nila ng malaman kung ano ito.

Walang iba kundi ang ulo ni Charles na wala ng utak. Inaagnas na ito at puro uod at insekto ang gumagapang sa buong mukha nito.

"Aaaaaaaaahhhhh!!! " malakas na tili ni Ashley ng makita ito.

Napasuka naman sina Black at Jhon habang si Veronica ay tila hindi na makagalaw sa kanyang kinauupuan. Unti unting tumulo ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata.

"This can't be happening! " bulong ni Veronica sa kanyang sarili.



To be Continued.......

DARK WEBHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin