Web 16

171 5 0
                                    

Kasalukuyang nasa St. Alton University ngayon ang GODS. Nasa rooftop sila ng paaralan upang tumambay. Hindi naman issue kung pumasok sila sa klase o hindi dahil fix na ang kanilang grado.

"Hays!!.... Hindi ko ma contact sila Daddy at mommy nasan na kaya sila?! " iritableng atungol ni Veronica.

"Hindi ka na nasanay sa mga magulang mo, parati namang busy ang mga yon! " maarteng turan ni Ashley.

"Sabagay" wika ni Veronica sabay buntong hininga ng malalim.

Maya maya pa ay biglang may nag send ng email kay Veronica sa kanyang phone. Agad niyang sinilip ito at nakita niyang may isang video file ang naka attach dito.

Na curious siya kaya agad niyang binuksan ito. Nabigla siya ng makita niyang ang Daddy niya sa Naturang video. Maya maya pa ay nasaksihan na niya ang buong eksena sa video kung saan pinahirapan ng husto ang kanyang mga magulang hanggang sa sila'y paslangin.

Tulala si Veronica habang pinanonood ang video at maya maya pa ay tumulo na ang kanyang mga luha. Nagulat din ang mga kaibigan niya sa napanood.

"Aaaaaahhhh!!!.... Hindi yan totoo!!! " pagwawala ni Veronica sabay bato ng kanyang phone.

"Relax Veronica baka prank lang yan!" pagpapakalma ni Black.

"Prank?!!..... Prank ba ang tawag mo don?!! ....tanga ka ba?!!.... Kahit sinong taong manood non ay sasabihing totoo iyon..... Tanga nalang ang nagsasabing hindi!!... Kahit ipasuri pa natin yan sa mga eksperto ay ganon din ang sasabihin nila!!! " bulyaw ni Veronica kay Black.

Hindi nalang nakaimik si Black sa bulyaw ni Veronica dahil tiyak na mag aaway lang sila pag pinatulan niya pa ito.

"Bro...... Sa tingin ko totoo nga ang lahat ng eksena sa Video..... Alam ko yon dahil video editor din ako. " wika ni Kevin.

"Kaya pala hindi ko ma contact sina Daddy!...... Yun pala ay dahil patay na sila! " wika ni Veronica sabay hagulgol ng iyak.

"Wag kang mag alala Veronica dahil hahanapin natin ang may gawa nito at pagbabayarin natin siya ng malaki! " nanonoot sa galit na wika ni Black.

"Kung sino man siya ay magbabayad siya ng malaki!!... Magtutuos kami sa impyerno!!! " nanlilisik na matang banta ni Veronica.

Ilang saglit pa ay biglang may nag send sa kanila ng isang text message. Binasa agad nila ito at laking gulat nila ng malaman kung ano ang nakasulat.

"Nasorpresa ba kayo sa isinend kong video?.... Belated gift ko yan kay Veronica sana ay nagustuhan niyo!.... Wag kayong mag alala dahil kayo na ang susunod kaya maghanda na kayo!!! Hahahaha!! " sabi sa naturang text message.

Hindi nila malaman kung ano ang mararamdaman nila ng mabasa nila iyon. Magkahalong takot, kaba at galit ang nararamdaman nila. Pero mas nangingibabaw ang takot na nararamdaman nila.

*******

Halos dalawang araw na ang nakalipas ng mapanood nila ang karumal-dumal na pagpatay sa mga magulang ni Veronica. Kasalukuyang ang tito muna niya ang namamahala ng kanilang kompanya. Nagtataka na ito kung nasaan ang kanyang mga magulang maging ang mga empleyado at mga business partners ng kanilang mga magulang. Idinadahilan nalang niya na nag out of town ang mga ito upang magbakasyon at hindi lang daw ito nagpasabi sa kanila dahil ayaw nilang maistorbo. Hindi pinaalam ni Veronica ang totoong nangyari dahil ayaw niyang pagkaguluhan sila ng media at baka maging mitya pa ito ng pagbagsak ng kanilang kompanya. Gusto niyang siya nalang ang lumutas ng krimen at ng kanyang mga kaibigan.

Papauwi na ang kanyang mga kaibigan matapos pagusapan kung paano nila hahanapin ang labi ng kanyang mga magulang at kung paano matutuloy ang may gawa noon.

"O sige mauna na kami Veronica magkita kita nalang tayo bukas sa school. " paalam ni Ashley.

Tumango nalang si Veronica bilang tugon at agad ng pumasok sa kanilang mansion.

Kanya kanya na silang pumasok sa kani-kanilang mga kotse at tuluyan ng umalis.

Kasalukuyang nagmamaneho si Kevin mag isa sa kanyang kotse habang nagso-sound trip. Wala siyang pakialam kung naiingayan ang mga motorista sa kanyang paligid basta gagawin niya kung ano ang gusto niya.

Maya maya pa ay biglang tumirik ang kanyang minamanehong sasakyan. Nagpagewang gewang pa ito sa daan bago tuluyang huminto, buti nalang ay nagkataong siya lang ang motorista sa naturang kalsada kundi ay baka naaksidente pa siya. Napamura pa siya sa inis dahil sa pagkabigla.

"Ano kayang problema ng hinayupak na kotseng to?!! " bulyaw niya sabay hampas sa manibela.

Walang gana siyang bumaba ng kanyang kotse upang silipin kung anong problema nito. Pagbaba niya dito ay agad niyang sinilip ang mga gulong ng kanyang kotse at agad niyang nakita na flat ang gulong sa likuran ng kanyang kotse.

Nilapitan niya pa ito upang tignan at laking gulat niya na may nakabaon ditong isang matalim na bagay. Kung titignan ang bagay na nakatusok sa kanyang gulong ay mukha itong Shuriken na katulad ng armas ng mga ninja.

"Anak ng!!!...... Sinong tarantado ang may gawa nito!!! " inis niyang sigaw.

"Hoy!!!.... Kung sino man kayong mga demonyo kayo may gawa nito ay lumabas kayo diyan!!!... Harapin niyo ako hindi ako natatakot sa inyo mga gago!!! " bulyaw ni Kevin sa gitna ng kalsada.

Tanging ihip lang ng hangin at tunog ng mga kuliglig ang kanyang narinig. Wala ni isang tao ang lumabas mula sa madilim na paligid, halos maghahating gabi na.

"Mga duwag!!!.... Sige lang wag kayong pahuli sa akin dahil sisiguraduhin kong hindi na kayo sisikatan ng araw mga gago kayo!!! " pagwawala niya sa gitna ng daan.

Ilang saglit pa ay wala paring lumabas na tao kaya sumuko nalang siya at nagdesisyong tumawag nalang ng mag aayos ng gulong ng kanyang kotse.

Akmang pabalik na siya ng kanyang kotse upang kunin ang kanyang phone ng biglang may nakita siyang isang tao na nakatayo sa bubong ng kanyang kotse. Nakasuot ito ng ninja outfit at may hawak na shuriken sa kanyang mga kamay. Hindi rin niya ito makilala dahil natatakpan din ang mukha nito.

"Hoy ikaw hayop ka bumaba ka diyan harapin mo ako!!... Pagbabayarin kita sa ginawa mo sa kotse ko!!! " sigaw ni Kevin dito kahit ang totoo ay halos maihi na siya sa sobrang takot.

Walang ano anoy biglang lumundag ang nilalang na ito mula sa bubong ng kotse. Biglang napaatras si Kevin dahil dito. Nawala ang tapang niya kanina na parang bula.

Dahan dahan humahakbang papalapit ang nilalang na ito sa kanya. Nilamon na siya ng takot at kaba dahil dito.

"Chill b-bro...... M-masyado ka namang seryoso...... Joke lang lahat ng mga sinabi ko kanina....... Nasa WoW Mali ka..... Hehehe..... " pagpapalusot ni Kevin dito.

Ilang saglit pa ay biglang may itinuro ang nilalang na ito mula sa kanyang likuran. Nagtaka naman si Kevin dahil dito kaya lumingon siya sa kanyang likuran.

Laking gulat ni Kevin ng may makita siyang isang taong naka Hello kitty mask sa kanyang likuran. Agad siya nitong hinampas ng baseball bat sa kanyang mukha dahilan upang siya'y bumagsak sa sahig at tuluyang mawalan ng malay.



To be Continued.......

DARK WEBWhere stories live. Discover now