Web 8

172 4 0
                                    

Natapos na ang huling araw ni James sa St. Alton University. Naging normal naman ang mga huling oras niya dito at walang nang bully sa kanya.

Inaayos na ni James ang kanyang mga gamit mula sa kanyang locker upang iuwi na ang mga ito. Bigla siyang natigilan ng may nakita siyang isang papel na nakatupi mula sa loob ng kanyang locker.

Agad niya itong kinuha at binuksan sa pagkakatupi. Nalaman niyang isa pala itong liham. Agad niyang binasa ang mga nakasulat dito.

Ang laman ng liham:

-Ikinalulungkot ko ang mga nangyari sayo James dito sa St. Alton University. Simula palang ay alam ko ng mangyayari ang lahat ng mga ito sa iyo pero wala man lang akong nagawa upang tulungan ka. Natatakot kasi akong makialam dahil baka pati ako ay madamay at mawalan ng trabaho. Oo alam ko duwag ako at isang walang kwentang guro dahil hindi man lang kita naipagtanggol, pasensya na talaga. Alam kong inosente ka sa mga ibinibintang sayo ni Veronica pero hindi ko silang magawang kalabanin. Sana maunawaan mo ako at pasensya na rin sa mga nangyari. Hindi mo deserved ang ganitong klaseng paaralan. Marami ka pang mahahanap na matitino at nababagay sayo. Hanggang dito nalang at muli ay humihingi ng tawad.

                                         -Ms. Santillian

Magkahalong tuwa at lungkot ang nadama ni James ng mabasa niya ang sulat ni Ms. Santillian dahil hindi niya inakalang may mabubuting tao pa pala na kagaya niya sa St. Alton University. Nalulungkot din siya dahil hindi na niya makikita si Ms. Santillian upang magpasalamat at makilala pa ng husto. Nauunawaan naman niya ito kung bakit hindi siya nagawa nitong ipagtanggol dahil parang isang napakakapal na pader na ang binangga mo pag nagkataon. Kahit siguro siya ay ganon din ang gagawin.

Ilang saglit pa ay napag desisyonan na niyang umuwi. Habang papalakad siya ng hallway ay tila kinakabahan siya na hindi niya mawari ang dahilan kung bakit. Ipinagsawalang bahala niya nalang ito at pilit inalis sa kanyang isip.

Nasa gate na siya ng school at akmang lalabas na mula dito. Pero bago tuluyang mangyari iyon ay may biglang tumama na isang matigas na bagay sa kanyang ulo. Unti unti siyang nanghina at tuluyang nawalan ng malay dahil sa malakas na pagkakahampas sa kanya.

******

Unti unting idinilat ni James ang kanyang mga mata ng magkaroon na siya ng malay. Kahit nanghihina pa ay sinubukang igalaw ni James ang kanyang ulo upang tignan ang kanyang paligid.

Napagtanto niyang nasa isang luma at bakanteng silid aralan siya ng kanilang paaralan. Nakita niya ang mga sira sirang mga upuan at lamesa na nagkalat sa silid. Sobrang dumi din ng loob na wari'y ilang taong hindi nalinisan.

Akmang tatayo na si James upang umalis ngunit tila hindi siya makagalaw sa kanyang kinauupuan. Napagtanto niyang nakatali pala ang buong katawan niya sa isang upuan. Pilit niyang sinusubukang makawala sa pagkakatali sa kanya ngunit bigo siya dahil napakahigpit ng mga lubid na nakapulupot sa kanyang mga kamay at paa.

Sobrang takot at kaba na ang nadarama ni James sa mga oras na yon. Sumigaw siya ng sumigaw upang humingi ng tulong pero tila walang nakakarinig sa kanya mula sa loob.

Pilit niyang inaalala ang mga nangyari bago siya napunta dito. Unti unti niyang naalala na papalabas na siya noon sa gate ng St. Alton University ng may biglang humampas sa kanyang ulo. Hindi niya alam kung bakit at kung sino ang may gawa noon.

Napaiyak nalang siya sa kanyang kinalalagyan dahil hindi niya malaman ang kanyang gagawin at naiisip niyang baka ito na ang kanyang katapusan.

Maraming tao dito sa eskwelahan ang may posibilidad na may gawa sa kanya nito pero isang grupo lang ang kanyang naiisip na may gawa sa kanya nito. Walang iba kundi ang GODS.

Hindi niya mawari kung ano bang mga naging kasalanan niya sa mga ito at kung bakit nila siya pinaparusahan ng husto. Wala nalang nagawa si James sa mga oras na iyon kundi ang magdasal na sana ay walang masamang mangyari sa kanya kahit tila malabong mangyari iyon.

Ilang saglit pa ay biglang bumukas ang pinto ng naturang silid. Laking tuwa ni James ng sa wakas ay may nakarinig sa kanya dahil sa pagsigaw niya kanina.

Ngunit ang tuwa na nadama niya ay mabilis na napalitan ng takot at pangamba ng tuluyan niyang masilayan kung sino ang mga pumasok. Tuluyan na siyang nawalan ng pag asa na makaligtas.

Ang mga nakita niyang pumasok sa silid na iyon ay walang iba kundi ang GODS. Tagatak na ang mga pawis na tumutulo sa kanyang buong katawan dahil sa sobrang takot at kaba.

"Kamusta James..... Na miss mo ba kami? " nakangising tanong ni Veronica.

"P-parang awa niyo na.... pakawalan niyo na ako..... w-wag niyo ak sasaktan p-pakiusap! " maluhaluhang pakiusap ni James.

"Ikaw naman... hindi panga tayo nagsisimula sa masayang laro natin umaayaw ka na kaagad, wag kang mag alala siguradong mag eenjoy ka sa lalaruin natin.......... yun nga lang ikaw ang taya! " wika ni Veronica.

"W-wag pakiusap..... pakawalan niyo na a-ako...... pangako h-hindi ako magsusumbong! " nagkukumahog na pagkumbinse niya.

"Hahahaha!!!.....nagpapatawa ka ba? Alam mo kahit makawala ka pa dito at magsumbong eh wala ring magagawa yan! Baka nakakalimutan mo kung sino kami at ang mga kaya naming gawin dahil sa lakas ng impluwensya ng mga pamilya namin! Hahaha! Kung gusto mo samahan ka pa namin sa mga pulis na magsumbong! " pagmamayabang na wika ni Veronica.

"Ano bang k-kasalanan ko sa inyo?.... bakit niyo a-ako ginaganito?! " nanginginig sa takot na tanong ni James.

"Gusto mong malaman?.... Simple lang........ Naaasiwa kami sa pagmumukha mo at nagkataong bored kami nitong mga nakaraang araw at ikaw ang napili naming paglaruan! " hindi makatwirang dahilan ni Veronica.

Hindi makapaniwala si James sa babaw ng mga dahilan nito. Hindi rin siya makapaniwalang may mga ganitong klaseng tao na nabubuhay sa mundo.

"O tama na yan! Simulan na natin ang kasiyahan naiinip na ako! " reklamo ni Black.

"Paano na to?..... Katapusan ko na ba?" bulong niya sa kanyang isip.



To be Continued..........




DARK WEBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon