Web 13

166 4 0
                                    

Kasalukuyang ipinagdiriwang ngayon ang kaarawan ni Veronica sa pinaka maganda nilang resort na pag mamayari ng kanyang ama. Imbitado lahat ng pinaka mayayamang tao sa pilipinas maging sa labas ng bansa.

Suot ni Veronica ang pinakamahal na gown dito sa Pilipinas maging ang pinakamahalaga na mga alahas. Gusto niyang ipamukha sa lahat ng tao ngayong gabi na siya ang pinakamagandang babae sa kanyang okasyon.

Naglipana ang mga photographer at tv reporter upang interviewhin siya na animo'y isang sikat na artista. Siya na yata ang pinakamasayang tao ngayong gabi.

******

Masayang nagkwekwentuhan ang GODS sa may bandang pool area ng resort. Ilang oras narin ang nakalipas ng matapos ang kanyang engrandeng kaarawan. Masaya siya sa mga natanggap niyang mga regalo mula sa dumalong mga bisita lalong lalo na  sa kanyang ama.

Ibinalita nito sa kanya na binura na niya sa mundo ang mga magulang ni James at laking tuwa niya ng malaman iyon. Pero ibinalita rin nito na nakita ng kanyang tauhan na buhay pa si James at nasa bahay nila ito.

Hindi na masyadong nabigla si Veronica ng ibalita sa kanya ito dahil matagal ng malakas ang kutob niyang buhay pa ito. Itinatak nalang ni Veronica sa kanyang isip na sisiguraduhin na niyang mapapatay ito kapag nag krus ulit ang kanilang mga landas pero sa ngayon ay magpapakasaya muna siya at nanamnamin ang sayang dulot ng kanyang kaarawan.

"Balita ko pala buhay pa yung James nayon!....... May sa pusa pala ang gagong yon! ' naiiling na sambit ni Kevin.

"Oo nga eh,..... .pero kanino yung nakita nating bangkay sa silid na ginamit natin? " curious na tanong ni Ashley.

"Hindi ko rin alam..........pero wag niyo ng pakaisipin yon ang mahalaga ay napatay na ni daddy ang mga magulang niya kaya siya nalang ang tatrabahuhin natin sa susunod! " nakangising turan ni Veronica.

"Excited na ako! Hindi na ako makapag antay! " nasasabik na sigaw ni Black.

"Pero ngayon ay sisiguruhin na nating hindi na siya muli pang makakaligtas! " mala demonyong wika ni Veronica.

Lingid sa kaalaman ng GODS ay may isang tao na kumukuha sa kanila ng video mula sa hindi kalayuan upang irecord ang kanilang mga pag-uusap.

"Siguradong malaking gulo ito pag nagkataon! Mukhang masaya at kapakapanabik ang magiging laro ng kamatayan!! Hahaha!! " wika ng isang taong naka hood sa kanyang isip.

*******

Halos hindi lumalabas ng bahay si James matapos ilibing ng kanyang mga magulang. Hindi din siya kumakain ng maayos at parating tulala sa kawalan. Binibigyan siya ng tulong ng mga kamag anak niya at mga pagkain araw araw pero madalas ay tinatanggihan niya lang ang mga ito at pinagtatabuyan.

Nilamon na siya ng matinding galit at poot na kanyang nararamdaman. Tanging sa isip niya lang sa mga oras na iyon ay hanapin ang pumatay sa kanyang mga magulang at maghiganti.

******

Isang linggo matapos ilibing ang kanyang mga magulang ay may natanggap siyang isang maliit na itim na kahon sa harap ng pinto ng kanilang bahay. Nagtaka siya kung saan o sino ang nagpadala nito sa kanya.

Sa kyuryosidad niya ay agad niya itong kinuha at ipinasok sa loob upang tignan kung anong laman. Matapos niyang buksan ito ay agad siyang nagtaka dahil isang usb lang ang laman ng naturang kahon.

Naisip niyang baka may nangtitrip lang sa kanya o mga walang magawang tao kaya siya ang napagdiskitahan. Pero iniisip niya ring baka may ibig sabihin ito at may malalim na dahilan ang nag padala nito.

Hindi na siya nagpaligoy ligoy pa at agad na niyang dinala ito sa kanyang kwarto upang isaksak sa kanyang laptop. Matapos niyang i connect ito sa kanyang laptop ay agad niyang sinilip ang mga files na naka save dito kung meron man.

Nakita niyang isang video files lang ang laman nito, sinubukan niyang hanapin pa ang iba pero wala na talaga. Napagdesisyunan na niyang buksan ito upang paroonin.

Laking gulat niya ng malaman niyang ang GODS ang mga tao sa naturang video. Hindi niya alam kung bakit kaya itinuloy nalang niya ang panonood nito.

Matapos niyang mapanood ang naturang video ay sukdulan ang galit at poot ang kanyang naramdaman. Nalaman niyang ang ama pala ni Veronica ang nagpapatay sa kanyang mga magulang at ito raw ay birthday gift sa kanya ng kanyang ama. Labis pa daw ang tuwa ni Veronica ng matanggap niya ang kanyang birthday gift sa kanyang ama at ito na raw ang isa sa pinaka magandang regalo na natanggap niya.

Nalaman din niyang isusunod na siya ng mga itong patayin. Tila naging isang taong demonyo si James ng malaman niya ang mga buong katotohanan. Gustong gusto na niyang nakapatay ng tao lalong lalo na ang ama ni Veronica at ang GODS.

Hindi na talaga siya ang dating James. Ibang tao na ito kung tutuusin.

"Humanda kayo!!! Iisa isahin ko kayong dadalhin sa impyerno at ipalalasap ang walang hanggang pagdurusa!!! Paulit ulit ko kayong papatayin hanggang sa kabilang buhay!!! " puno ng galit at paghihiganti niyang isinusumpa sa mga ito.



To be Continued.........



DARK WEBWhere stories live. Discover now