Web 4

178 4 0
                                    

Dahan dahan lumapit si Black sa kanya hanggang tuluyan na silang magkaharap. Pinagpapawisan na sa kaba at takot si James ng mga oras na iyon, hindi niya malaman kung ano ang kanyang gagawin.

"A-ano pong k-kailangan niyo sa a-akin? P-parang awa niyo na po w-wag niyo po a-akong sasaktan! " nauutal na pagmamakaawa ni James.

"Ikaw naman masyado kang advance mag isip, wala pa nga kaming ginagawa sa yo eh, relax tignan mo yung itsura mo para ka nang basang sisiw pawis na pawis kana tsk tsk" nakangising wika ni Kevin.

Nanatiling walang kibo si James sa kanyang kinatatayuan, inaantay nalang niya ang mga susunod na mangyayari pero ganun pa man ay nananalangin siya na sana ay walang masamang mangyari sa kanya.

"Alam mo nakakabanas yang pagmumukha mo! Parang hindi mukha ng tao! Sa tuwing nakikita kita biglang kumukulo ang dugo ko! " maangas na sabi ni Black.

"Oo nga eh, kahit ako nababanas din pag nakikita kita! Ang sarap mong ilibing ng buhay alam mo ba yon! " sarkastikong wika naman ni Charles.

Napapikit nalang si James dahil sa sobrang takot, inaantay nalang niya na saktan siya ng mga ito para matapos na kesa sa ganitong sinasabihan siya ng masasakit na salita. Pinipigilan nalang niyang tumulo ang kanyang mga luha.

"O ano magsalita ka naman! Napipi ka na ba?! Gusto mong putulin na namin yang dila mo para maging makatotohanan na?! Hahaha!! " malademonyong tawa ni Kevin.

"O ano sagot!!! " sigaw ni Black sabay tulak sa kanya sa dibdib ng malakas dahilan upang mapaatras siya at mabundol sa kanyang likod si Jhon.

"What the fuck?!! " malakas na sigaw ni Jhon dahil sa pagkakabunggo sa kanya ni James at natapakan din ni James ang sapatos niya dahilan upang ito'y marumihan.

"Alam mo ang pinakaayaw ko sa lahat eh yung hinahawakan ako ng mga basurang kagaya mo! Tapos tinapakan at dinumihan mo pa ang sapatos ko! Alam mo bang mas mahal pa ito sa buhay mo?! Kahit isama mo pa ang buhay ng mga magulang mo eh hindi mo ito mababayaran!!! " nanggagalaiti sa galit na sigaw ni Jhon.

"P-pasensya na p-po.... P-pasensya na talaga. " paghingi ng paumanhin ni James sabay luhod sa kanyang harapan, agad din niyang kinuha ang kanyang panyo sa bulsa at nanginginig na ipinunas sa narumihang sapatos ni Jhon.

Habang pinupunasan ni James ang narumihang sapatos ni Jhon ay bigla siya nitong sinipa ng malakas sa mukha. Tumilapon si James at napahiga sa sahig. Hinawakan niya ang kanyang ilong at ng tignan niya ang kanyang kamay ay may nakita siyang dugo mula rito. Nagdudugo na pala ang kanyang ilong dahil sa malakas na pagsipa ni Jhon sa kanyang mukha.

"Yan ang nararapat sa'yong puta ka!!!" bulyaw ni Jhon sa kanya.

Di pa nakuntento si Jhon at sinipa niya ulit ito sa kanyang tagiliran. Agad napahiyaw si James sa sakit. Ilang saglit pa ay biglang lumapit si Charles sa kanya at hinatak siya patayo mula sa pagkakahawak ng kanyang kwelyo.

Ng tuluyan na siyang maitayo ni Charles ay bigla siya nitong inundayan ng malakas na suntok mula sa kanyang mukha. Agad natumba si James dahil sa suntok ni Charles sa kanya at napasuka din siya ng dugo.

"Siguro naman ngayon ay magtatanda ka ng hayop ka! Hindi lang yan ang aabutin sa susunod na painitin mo ulit ang mga ulo namin!!" banta ni Black sa kanya sabay tapik sa kanyang mukha.

"Hahaha!! Ang saya nito!! " wika ni Kevin habang kinukuhanan ng video sa kanyang phone ang mga pangyayari.

Ilang saglit pa ay napagdesisyunan ng umalis nina Black. Ngunit bago tuluyang umalis ay isang malakas na sipa ulit ang ibinigay sa kanya ni Jhon.

"Tara na! Ang lagkit lagkit ko na gusto ko ng maligo, nadumihan tuloy ako dahil sa hayop na yan!! " wika ni Jhon.

At tuluyan na nga silang lumabas ng CR habang naiwan ang kaawa awang si James na nakahiga sa sahig at namimilipit sa sakit. Gustuhin niya mang tumayo at humingi ng tulong ay hindi niya magawa dahil sa pinsalang natamo niya.

Maya maya pa ay unti unting nagdidilim ang paningin ni James hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng malay.

*******

Nagising si James at iminulat niya ang kanyang mga mata. Nakahiga siya sa kama habang may benda ang ibang mga bahagi ng kanyang katawan. Napagtanto niyang nasa clinic pala siya ng kanilang paaralan.

Hindi niya alam kung paano at kung sino ang nagdala sa kanya doon. Bigla na naman niyang naalala ang mga nangyari kanina. Hindi siya makapaniwalang nangyari ang mga iyon. Nag aalala din siya na kapag nakita siya ng mga magulang niya sa ganoong kalagayan ay siguradong mag aalala ang mga iyon.

Nag iisip siya ngayon ng idadahilan niya sa kanyang mga magulang kapag nakauwi na siya sa kanila. Hindi niya kayang itago ang mga pasa at galos sa kanyang buong katawan.

Ilang saglit pa ay pumasok na ang nurse sa kanyang silid. Hindi maipinta ang mukha nito habang papalapit sa kanya at halatang napipilitan lang na asikasuhin siya kahit malala ang mga sugat na tinamo niya dahil sa pangbubugbog.

"Hoy tumayo ka na diyan mukha namang ayos ka na eh! " masungit na utos ng nurse.

Nagulat si James sa inasal ng nurse at kahit sobrang sakit pa ng buong katawan niya ay pinilit niyang tumayo sa pagkakahiga.

"Kasalanan mo din naman kung bakit nangyari sayo yan! Inisin mo ba naman yung mga GODS lalo na si baby Jhon ko! Kung nandoon lang ako ay siguradong binugbog rin kita kaya sa susunod ay wag mo na ulit gagawin yon dahil ako na mismo ang makakalaban mo!!! " mataray na bulyaw sa kanya ng di kagandahang nurse.

"Bilisan mo umalis ka na nakakairita yang pagmumukha mo baka kung ano pang magawa ko sayo!! " sabi pa nito.

Agad namang bumaba ang kaawa awang si James sa kama at naglakad papunta sa pinto ng clinic. Pero hindi pa siya tuluyang makakalabas ay bigla siyang binundol ng nurse habang naglalakad ito.

Natumba si James habang napa aray dahil sa sakit ng pagkakatumba niya dahil natamaan ang kanyang mga sugat.

"Paharang harang ka kasi! Hahaha!!" nakakainsultong tawa ng nurse.

"Diyos ko ano ba tong napasukan kong school. " bulong niya sa kanyang isip.


To be continued..........

DARK WEBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon