Web 11

172 5 0
                                    

Isang gabi ay tila hindi dinadalaw ng antok si James. Tinignan niya ang orasan sa kanyang kwarto at nakita niyang mag-aalas tres na ng madaling-araw. Agad niyang naisipang mag browse muna sa kanyang laptop habang hindi pa siya dinadalaw ng antok.

Habang nag bobrowse siya ay may nadaanan siyang tila misteryosong website. May nakalagay na isang link doon. Agad niya itong pinindot at may lumabas na isang katanungan.

Handa ka bang sumali at pasukin ang aming mundo? Sabi sa naturang website. Nagtaka naman si James kung anong ibig sabihin non. Tila nagdadalawang isip siya kung pipindutin niya ang confirmation button o hindi.

Hahawakan na sana niya ulit ang mouse upang mag browse nalang ulit sa ibang website ngunit aksidente niyang napindot ang mouse at na-accept ang confirmation button. Sandaling nag load ang website at ilang saglit lang ay may lumabas na mga pictures at videos sa naturang website. Nanlaki ang mga mata niya sa mga nakita dahil sa gulat. Agag niyang hinawakan ang mouse para pindutin ang close button ng naturang website pero hindi niya ito masarado sa hindi niya malamang kadahilanan.

Biglang may lumitaw na isang taong naka hood at nakasuot ng puting maskra sa live video chat ng naturang website.

Once you enter, there's no way you to turn back.........

Labis na takot ang nadama ni James ng makita iyon. Agad niyang in-off ang kanyang laptop at sinara. Nagpasya nalang siyang matulog upang mabura sa kanyang isip ang nakakatakot na nangyari.

Pero lingid sa kanyang kaalaman ay biglang bumukas ang webcam ng kanyang laptop kahit ito ay naka off. Hindi ito alam ni James dahil mahimbing na siyang natutulog ng bumukas ito.

May isang nilalang na pinapanood siya habang natutulog mula sa webcam ng kanyang laptop. Mala demonyo itong nakangisi habang pinagmamasdan siya.

"Binabati kita dahil isa ka sa mga napili na lumahok sa isang patimpalak! " wika nito sa kanyang isip.

********

"Natapos mo na ba ang mga pinapagawa ko sayo?! " seryosong tanong ni Mr. Montenegro sa kanyang inupahang private detective.

Si Mr. Montenegro ay ang ama ni Veronica Montenegro. Isa ito sa pinakamayamang at dinala maimpluwensyang tao sa bansa. Lahat ng gusto nito ay nasusunod kahit halos imposible na itong mangyari. Dito nagmana ng ugali si Veronica katulad ng pagiging makasarili, mapanakit ng kapwa, walang respeto sa kapwa at marami pang ibang hindi kaaya-ayang mga ugali. Kaya't hindi na nakapagtataka kung bakit ganon si Veronica.

Iniabot ng private detective sa kanya ang isang envelope. Agad niyang binuksan ito at kinuha ang mga nilalaman. Mga litrato ng mag asawang Trinidad na mga magulang ni James ang nakalagay dito.

Pinagmasdan niyang mabuti ang itsura ng mga ito. Napangisi nalang siya bigla na tila nang iinsulto.

"May pinag manahan naman pala si James kaya mukhang basura ang itsura nito! " pang iinsulto niya sa mga ito.

"Ok....... Alam mo na siguro ang gagawin sa mga ito! " maotoridad niyang utos sa kanyang private detective.

Bukod sa pagiging private detective ay may iba din itong trabaho na hindi kaaya aya. Sa lahat ng mga naging private detective ni Mr. Montenegro ay ito ang pinakamagaling at pinaka pinagkakatiwalaan niya kaya ito ang parating kinukuha niya. Malaki rin ang mga nakukuhang bayad nito.

"Wag kayong mag alala boss ako ng bahala sa mga yan. " wika ng private detective na may halong mala demonyong ngiti.

"Mabuti naman...... Siguradong matutuwa si Veronica sa magiging birthday gift ko sa kanya! " masayang wika ni Mr. Montenegro habang nakatingin sa kawalan.

********

Ilang araw narin ang nakalipas matapos mangyari ang misteryosong karanasan ni James sa kanyang laptop. Pero hindi parin mawala sa isip niya ang mga nakita niyang nakakatakot na imahe na lumabas sa naturang website at ang mga iba pang nakakatakot na naranasan niya dito. Parang na troma na tuloy siya sa pag iinternet at halos hindi na niya mahawakan ang kanyang laptop.

Pero sa kabila ng takot at kaba na nararamdaman niya ay tila may bumubulong sa kanyang isip na puntahan ulit ang naturang website. Pero hindi na niya matandaan ang pangalan o pagkakatanda nito.

Habang lumilipas ang mga oras ay lalong tumitindi ang pagkagusto niyang i-browse ulit ito. Unti unti nang nababawasan ang takot na nararamdaman niya kaya lalong lumalakas ang kanyang loob na buksan ulit ang kanyang laptop.

Hindi na siya nakatiis at kinuha na niya ang kanyang laptop at inilapag sa lamesa sa kanilang kusina. Sinubukan niyang i-on ito pero hindi bumubukas. Ilang beses niyang sinubukang buksan pero ayaw talaga. Kinalikot na niya ang kanyang laptop at sinubukang pindot pindutin ang mga buton sa mga gilid nito pero ayaw talaga.

Tila nawalan na ng pag-asa si James at inisip niyang baka nasira na ang kanyang laptop. Nagtataka siya kung paanong nasira ito gayong bagong bili palang ito at higit sa lahat ay hindi ito peke. Wala rin siyang ginawang anumang bagay na ikasisira nito.

Nahihiya tuloy siya sa kanyang mga magulang dahil kabago bago palang ng kanyang laptop ay nasira na niya ito. Nalulungkot din siya dahil ilang taong pinag ipunan ito ng kanyang mga magulang at alam niya ang hirap na pinagdaanan ng mga ito maibili lang ito sa kanya. Naiinis tuloy siya sa kanyang sarili dahil dito.

Ilang saglit pa ay napagpasyahan niyang itabi nalang ito at sasabihin nalang niya sa kanyang mga magulang ang nangyari dito at para humingi narin ng tawad.

Pero akmang itatabi na niya ito sa cabinet sa kanyang kwarto ng biglang umilaw ang screen nito. Nagulat si James dahil dito pero may halong saya dahil nalaman niyang hindi pala nasira ito.

Ilang segundo pa ang nakalipas ng biglang may sumulpot na isang katanungan sa screen ng kanyang laptop.

"Handa ka bang pasukin ang aming misteryosong mundo at umanib sa amin? " sabi sa tanong sa kanyang laptop.

Agad niyang pinindot ang ok button dahil sobrang curious na siya sa mga susunod na mangyayari dito.

"Once you enter there's no way you to turn back, are you sure? " biglang sulpot ulit na tanong nito.

Nagdadalawang isip si James kung pipindutin niya ang confirmation button o kakanselahin nalang niya ito.

Ilang saglit pa ay napagdesisyunan nalang niyang i-accept ang confirmation button dahil iniisip niyang baka isa lamang itong online games o kung ano man.

Pagkapindot niya dito ay biglang lumabas ang loading sign at ilang saglit pa ay bumukas na ang naturang website.

Lumitaw sa screen ang taong naka hood na naka puting maskra na nakita niya dito ilang araw na ang nakalipas. Nakatitig lang ito sa kanya ng ilang segundo at laking gulat niya ng biglang mag laslas ito ng leeg sa harap niya.



To be continued..........

DARK WEBWhere stories live. Discover now