Web 5

180 3 0
                                    

Nakauwi na si James galing school. Ngayon ay hindi niya alam kung ano ang idadahilan niya sa mga magulang niya pag nakita ang itsura niya.

"Andito na po ako. " nakayukong sabi ni James habang dumadaan sa sala.

Agad siyang nagmano sa kanyang mga magulang na nanonood ng TV sa kanilang sala. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga ito dahil ayaw niyang makita ang mga pasa at sugat sa kanyang katawan ngunit nabigo siya dahil agad hinawakan ng kanyang ina ang kanyang kamay dahil napansin nito ang mga sugat niya mula rito.

"O anong nangyari sa kamay mo bakit ang daming sugat? " alalang tanong ng kanyang ina.

Agad napaangat ang mukha ni James upang tignan ang kanyang mga magulang at bigla niyang naalala na may mga pasa pala sa kanyang mukha. Huli na ang lahat upang iiwas niya ito dahil paniguradong nakita na nila ito.

"Diyos ko ano bang nangyari sayong bata ka bakit ang dami mong pasa at sugat sa mukha at katawan? " kinakabahang tanong ng kanyang ina.

'Saan galing yang mga sugat mo? May nang away ba sa'yo sa school? Ano sabihin mo para ma ireport natin yan sa school principal niyo at para managot ang may mga gawa niyan sayo! " halos galit na sabi ng kanyang ama.

"A.... eh... H-hindi po ito galing sa school...... K-kasi po kanina eh...... May mga tambay a-akong nakasalubong sa daan, gusto po nilang kunin ang mga gamit at pera ko pero ayaw ko pong pumayag kaya ang nangyari eh nanlaban ako hanggang sa mabugbog po nila ako..... Buti na nga lang po eh hindi nila nakuha ang mga gamit at pera ko dahil saktong may dumating po na mga pulis at agad po silang nagtakbuhan. " mahabang palusot na sabi ni James.

"Ano ka ba naman anak! Sana hindi kana nanlaban at ibinigay mo nalang ang mga gamit mo! Paano kung may nangyari sayong masama? Hindi namin kakayanin ng tatay mo kapag nagkataon. " maluha luhang wika ng kanyang ina.

"Tama ang nanay mo anak, sana ibinigay mo nalang ang gusto nila para hindi ka na nabugbog, pwede pa namang mapalitan ang mga gamit mo kapag nakuha nila pero ikaw kapag nawala ka eh hindi ka na namin makikita kahit kailan. " dugtong ng kanyang ama.

"Pasensya na po talaga hindi na po mauulit, wag na po kayong mag alala ok naman po ako eh. " nahihiyang pag hingi ng tawad ni James.

Ilang araw ding hindi nakapasok si James dahil sa sama ng pagkakabugbog sa kanya. Kung siya lang ang masusunod ay hinding hindi na siya babalik sa paaralang iyon ngunit sa tuwing maaalala niya ang kanyang mga magulang na hirap sa kani kanilang trabaho ay bigla siyang nag dadalawang isip.

******

Papasok na si James sa kanyang paaralan pagkatapos ng halos isang linggong pag liban dito. Medyo humilom narin ang mga sugat sa kanyang katawan at nanunumbalik narin ang kanyang lakas. Susubukan nalang niyang iwasan at hindi pansinin ang kanyang mga kaklase lalong lalo na ang GODS.

*******

Nag eenjoy ang GODS sa panonood ng video kung saan binubugbog nina Black si James na kinunan pa ni Kevin sa kanyang phone. Tawang tawa sina Ashley at Kevin sa panonood nito habang ang iba naman ay pangiti ngiti lang.

"Sayang wala kami diyan ni Veronica para napanood namin ng live ang show at baka nakisali narin kami sa laro niyo hahaha!! " tuwang tuwang sambit ni Ashley.

Nag sho-shopping kasi sina Veronica at Ashley nung mga panahong ginagawa nila iyan. Nagyaya kasi si Veronica na lumabas dahil bored na ito sa kanilang school kaya naisipan nilang maglibang.

"That's all?! " biglang wika ni Veronica ng matapos na ang video na pinapanood nila.

Napatingin naman ang mga kaibigan niya sa kanya ng may halong pagtataka.

"Bakit Veronica may problema ba? Hindi ka ba nag enjoy sa pinanood natin? " curious na tanong ni Kevin.

"Oo hindi ako nag enjoy, na bored lang ako sa pinanood natin!... Yun lang ang ginawa niyo sa kanya?!.... Ano nagiging mabait na ba kayo?!" iritang reklamo ni Veronica.

"Bakit ano bang mali? Napaka intense kaya ng mga eksena nag enjoy nga ko eh. " protestang tugon ni Ashley.

"Kulang yan! Ang gusto kong mangyari eh yung halos patayin niyo na siya sa bugbog yung magmamakaawa siyang patayin niyo nalang siya dahil sa hindi niya na kaya ang sakit! O mas maganda nga eh kung tinuluyan niyo na siya, yun ang may thrill at intense hindi katulad nung ginawa niyo kanina para lang kayong gumagawa ng school play! " tirik matang paliwanag ni Veronica.

"Relax masyado ka namang nagmamadali, syempre uunti untiin natin ang pag patay sa kanya, pangit naman kung natuluyan siya agad edi wala na tayong pag lalaruan, darating din tayo sa gusto mong mangyari kaya chill ka lang diyan." kalmado at kampanteng wika ni Black.

Na realise ni Veronica na tama nga ang mga sinabi ni Black. Magiging boring kung mamamatay agad ang bida sa storya kaya pumayag nalang ito sa mga gustong mangyari ng kanyang mga kaibigan. Lihim siyang napangiti dahil dito.

*******

Naging maayos naman ang pagbalik ni James sa paaralan. Himalang walang nanggulo o nanakit sa kanya buong araw sa eskwelahan. Laking pagpapasalamat niya dahil dito.

Iniisip niyang tumigil o nagsawa na siguro ang mga estudyante ng St. Alton University sa pambubully sa kanya. Parang nabunutan siya ng tinik habang naiisip yon.

"Hay..... sana matuloy tuloy na ito, dininig na siguro ng diyos ang mga dasal ko, thank god. " masayang wika niya sa isip.

Ngunit lingid sa kaalaman niya ay may mga nakamasid sa kanyang mga mata. Matatalim itong nakamasid sa kanya habang sinusundan siya ng tingin na akala mo'y mga mata ng demonyo.

"Sige pakasaya ka lang sa mga huling araw mo, dahil nalalapit na ang impyernong mararanasan mo dito sa ibabaw ng mundo! " nakangising bulong ng isang nilalang.


To be continued.........

DARK WEBWhere stories live. Discover now