Web 3

215 4 0
                                    

Nasa hapag kainan ngayon si James habang kumakain ng hapunan sa kanilang bahay. Kasama niya ang kanyang mga magulang. Kagagaling lang ng mga ito sa kanilang mga trabaho.

"Kamusta anak ang unang araw mo sa bago mong school? Masaya ba? May mga naging bago ka bang kaibigan? Kwento ka naman. " wika ng kanyang ama.

"Oo nga anak kwentohan mo naman kami. " masayang sabi naman ng kanyang ina.

"A-eh.... Ammmm... Ok naman po masaya ako sa bago kong s-school. " may pag aalinlangang sagot ni James.  

Hindi masabi ni James ang totoong nangyari sa kanilang school dahil baka mag alala ang kanyang mga magulang kapag nalaman nila ito. Naisip niya rin na sayang naman ang nakuha niyang scholarship kung aalis siya dito at lilipat ng ibang school. Hindi nalang niya siguro papansinin ang mga nakikita niyang karahasan sa kanyang paaralan. Tutlal nandoon naman siya para mag aral at hindi para makisalamuha sa kanyang mga demonyong kaklase at schoolmates.

Kinagabihan ay halos hindi makatulog si James sa kakaisip sa nangyari kanina sa kanilang school. Kinakabahan siya na ewan na parang may masamang mangyayari. Sa kanyang kakaisip ay hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.

*******

Kinabukasan...

Naglalakad si James sa hallway papunta sa kanyang classroom. Habang naglalakad siya ay may mga nakasalubong siyang isang grupo ng kalalakihan. Humarang ito sa dinaraanan niya.

Biglang napahinto si James dahil dito. Agad siyang kinabahan at mukhang alam na niya kung anong mangyayari. Bumuntong hininga nalang siya upang pakalmahin ang kanyang sarili.

"Ngayon lang kita nakita dito ah? Transferee ka ba?! " maangas na tanong ng isang lalaki.

"A..... eh... Oo transferee nga ako dito." matipid at kinakabahan niyang sagot.

Biglang ngumisi ng mala demonyo ang lalaking nag tanong sa kanya. Lalong kinabahan si James ng makita niya ang reaksyon nito. Gusto na niyang umalis sa para makaiwas sa gulo pero tila hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya dahil sa sobrang takot.

Huminga ng malalim si James para pakalmahin ang sarili niya. Ng medyo nahimasmasan na siya ay akmang aalis na siya sa kanyang pwesto para maka punta na sa kanyang classroom pero walang ano anoy bigla siyang sinikmuraan ng lalaking kausap niya kanina.

Napaluhod si James sa sobrang sakit pero sinubukan niya paring tumayo. Ilang saglit pa ay isang malakas na sipa sa kanyang tagiliran ang kanyang natanggap.

Tuluyan na siyang napahiga sa sahig ng hallway dahil doon. Halos hindi na siya maka galaw dahil sa sobrang sakit. Narinig nalang niya na nagtatawanan ang mga lalaking ng bugbog sa kanya.

"O ano kaya mo pa bata?! Katiting palang yan sa mga mararanasan mo dito sa St. Alton University kaya goodluck nalang sayo at sana magtagal ka dito!! " sarkastikong wika ng lalaking sumuntok sa kanya.

Ilang saglit pa ay naramdaman nalang niyang nagsialisan na ang grupo ng mga kalalakihanng nangbugbog sa kanya. Kahit sobrang sakit ng katawan niya ay sinubukan niya paring tumayo at maglakad. Maraming dumadaang estudyante sa hallway at mga teachers pero ni isa sa mga ito ay walang nagtangkang tumulong sa kanya. Ni hindi nga siya tinitignan ng mga ito at ang iba pa ay binubunggo siya na animo'y walang nakikita.

Mangiyak ngiyak na si James habang pasuray suray na naglalakad sa hallway. Pinipigilan niyang tumulo ang kanyang mga luha dahil baka lalo siyang pag tripan ng mga estudyante sa St. Alton University kung makikita siya sa ganoong kalagayan at iisipin ng mga ito na mahina siya.

*********

Maagang umuwi si James mula sa kanyang paaralan dahil hindi na niya talaga kaya ang sakit ng kanyang katawan. Buti nalang at wala pa doon ang kanyang mga magulang dahil tiyak na mag aalala ang mga ito pag nakita siya sa ganoong kalagayan.

Agad siyang nahiga sa kanyang kama at nagpahinga. Dito na tuluyang bumuhos ang kanyang mga luha habang iniisip ang mga nangyari kanina. Gustong gusto na niyang umalis sa paaralang iyon pero hindi niya magawa dahil iniisip niya ang kanyang mga magulang.

Tiyak na lalong mahihirapan ang kanyang mga magulang kapag umalis siya sa St. Alton University dahil mawawala na ang kanyang scholarship at dahil dito ay malaking pera na naman ang kakailanganin para tustusan ang kanyang pag aaral.

"Kaya ko to, para sa mga magulang ko titiisin ko lahat ng paghihirap na mararanasan ko sa paaralang iyon, alam ko namang may dahilan ang lahat ng ito kung bakit nangyayari, hindi ako pababayaan ng diyos. " sabi niya sa kanyang isip.

Maya maya pa ay hindi niya namalayang nakatulog na pala siya mula sa kanyang malalim na iniisip.

Kinabukasan...

Lutang ang isip ni James habang nagkaklase ang kanilang guro sa kanilang silid. Gustuhin man niyang makinig sa mga itinuturo nito ay hindi niya magawa dahil hindi parin mabura sa kanyang isip ang mga nangyari kahapon. Iniisip din niya ang mga posibilidad na mga mangyayari sa susunod na araw.

Ilang saglit pa ay natapos nadin ang kanilang klase sa unang subject. Lumabas muna siya saglit upang pumunta sa cr habang wala pa susunod nilang subject teacher.

Ilang saglit pa ay natapos na siyang umihi at akmang lalabas na ng cr pero sa hindi malamang kadahilanan ay hindi niya mapihit ang pinto ng doorknob dahil mukhang naka lock ito. Sinubukan niya uling buksan pero ayaw talaga.

"Pssst! "

Nagulat si James ng may biglang sumagatsat sa kanya. Napalingon siya sa kanyang likod kung saan nanggagaling yung tunog at laking gulat niya sa kanyang nakita. Ang mga nakita niya ay walang iba kundi sina Black, Jhon, Charles at Kevin ang mga myembro ng GODS.

Halos tumalbog na ang kanyang puso dahil sa kaba. Naestatwa na siya sa kanyang kinatatayuan at halos hindi na siya maka galaw. Dumating na ang kinakatakutan niyang mangyari dito sa paaralan. Hindi niya alam ang kanyang gagawin, gustuhin man niyang tumakbo palayo ay hindi niya magawa dahil naka lock ang pinto.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko! Paano na yan anong gagawin ko! " bulong niya sa kanyang isip.

To be continued.........

DARK WEBWhere stories live. Discover now