PROLOGUE

944 13 0
                                    

Si James ay isang mabait at mapagmahal na anak sa kanyang mga magulang. Matalino at masipag na mag-aaral din siya sa kanilang paaralan. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay tila isang impyerno ang dinaranas niya araw araw sa kanilang paaralan.

Walang araw siyang hindi na bubully sa kanilang paaralan. Hindi niya alam ang rason kung bakit ginagawa sa kanya iyon. Sinubukan niyang magpakatatag at tiisin ang lahat ng mga paghihirap niya sa paaralang iyon alang alang sa kanyang mga magulang. Hindi niya sinasabi sa kanyang mga magulang ang dinaranas niya sa kanyang paaralan dahil ayaw niyang mag-alala ang mga ito.

Mahirap lang ang kanilang pamilya. Nagtitinda lang ng gulay sa palengke ang kanyang nanay at construction worker naman ang kanyang tatay. Hindi nila kayang tustusan ang pag-aaral ni James. Mabuti nalang at matalino ang anak nila kaya nakakuha ito ng scholarship sa kanilang paaralan kaya nakakalibre siya ng tuition fee dito.

Isang araw ay umabot na sa sukdulan ang pang bubully sa kanya ng kanyang mga kaklase lalo na ang grupo nina Veronica. Sapilitan siyang pinapasok sa loob ng luma at bakanteng silid ng kanilang paaralan. Doon siya pinahirapan ng husto ng mga ito at binugbog hanggang sa mawalan siya ng malay.

Nagising si James at minulat niya ang kanyang mga mata. Iginala niya ang kanyang paningin at nakita niyang nasa loob siya ng isang puting silid. Nakita niya ang kanyang mga magulang na papalapit sa kanya habang umiiyak. Agad siyang niyakap ng mahigpit ng mga ito.

Makalipas ang halos dalawang linggo ay unti unti na siyang nakakarecover mula sa matinding pagkakabugbog sa kanya. Habang nakahiga siya sa kanyang kama ay biglang pumasok ang kanyang mga magulang sa kanyang silid. May dala silang tila isang loptop. Masaya ang kanyang mga magulang na iniabot ito sa kanya. Nagtaka siya kung saan galing ang naturang loptop.

Matagal na daw pinagipunan ng kanyang mga magulang ito para sa kanyang pag-aaral at para narin may paglibangan siya. Masayang masaya si James nang makuha niya ang loptop. Talagang mahal na mahal talaga siya ng kanyang mga magulang. Agad niyang niyakap ang mga ito ng mahigpit bilang pasasalamat.

Isang gabi ay tila hindi dinadalaw ng antok si James. Tinignan niya ang orasan sa kanyang kwarto at nakita niyang mag-aalas tres na ng madaling-araw. Agad niyang naisipang mag browse muna sa kanyang loptop habang hindi pa siya dinadalaw ng antok.

Habang nag bobrowse siya ay may nadaanan siyang tila misteryosong website. May nakalagay na isang link doon. Agad niya itong pinindot at may lumabas na isang katanungan.

Handa ka bang sumali at pasukin ang aming mundo? Sabi sa naturang website. Nagtaka naman si James kung anong ibig sabihin non. Tila nagdadalawang isip siya kung pipindutin niya ang confirmation button o hindi.

Hahawakan na sana niya ulit ang mouse upang mag browse nalang ulit sa ibang website ngunit aksidente niyang napindot ang mouse at na-accept ang confirmation button. Sandaling nag load ang website at ilang saglit lang ay may lumabas na mga pictures at videos sa naturang website. Nanlaki ang mga mata niya sa mga nakita dahil sa gulat. Agag niyang hinawakan ang mouse para pindutin ang close button ng naturang website pero hindi niya ito masarado sa hindi niya malamang kadahilanan.

Biglang may lumitaw na isang taong naka hood at nakasuot ng puting maskra sa live video chat ng naturang website.

Once you enter, there's no way you to turn back.........

DARK WEBWhere stories live. Discover now