"Ms. Fritzie Timothea from the other section got the highest score—I think you all know her, she's quite popular, you know, with her beauty, modesty, poise, and, now, intelligence. Given that she's just recently transferred, that kid is really impeccable." Announce ng teacher ko.

"Gosh! Ang perfect talaga ni Fritzie. Bagay sila ni Prince! A princess and a prince. Match made in heaven." Comment ng babae kong kaklase ko sa harap. Siniko sya ng babaeng katabi nya tsaka bahagyang itinuro ako gamit ang ulo nya pero nagkibit-balikat lang sya, "I didn't say anything wrong. That's my opinion. That's what I think." Inosente ang pagkakasabi nya pero rinig pa din ang pagmamaldita nya.

I tried, as in really tried, to ignore them, but her comment haunted me. I just can't get it off of my head.

"Gosh! Ang perfect talaga ni Fritzie. Bagay sila ni Prince! A princess and a prince. Match made in heaven."

 

 

Nagpaulit-ulit to sa utak ko, as if it was left on repeat. Hanggang sa wala na kong ibang naintindihan. Wala na kong ibang narinig kung hindi yung comment nyang paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko.

I was in a very sour mood nung pinuntahan ako ni Tristan nung uwian para ihatid. Pilit nya kong kinakausap pero umiilimg lang ako sa kanya. Ayoko syang kausapin. Secretly I am blaming him kung bakit ganun ang naging score ko sa quiz. Kung bakit ako napahiya. Kung bakit nalamangan ako ng Fritzie na yun.

Pinili na lang din nyang tumahimik at hindi nya na ko kinausap nung napansin nyang wala talaga ako sa mood. Wala na syang sinabi, tahimik na lang syang umakbay sakin na hindi ko naman pinigilan.

Covertly I had the urge to show the world that I am his girl and he is mine. I want to let them who owns him. And that is... me. Not her—not Fritzie. At kahit gaano pa sya ka-perfect hindi mapapasakanya si Tristan dahil akin sya. Akin lang.

People are still gape at him. That's not new. And that's exactly what I want. I want them to look at him and gape at him while I am in his arms to show them who he really wants. Ako ang gusto nya. Hindi sya. Gusto kong itanim yun sa utak ng mga taong nakapaligid sa amin. Gusto kong sabihin na kahit gaano nyo pa kagusto na maging silang dalawa, hindi yun mangyayari dahil ako ang gusto nya.

I looked at the gaping crowd, at napansin ko ang tumpok ng babae't lalaki na nagkakagulo sa upuan. No, hindi sila nag-aagawan sa upuan, kung hindi, may pinagkakaguluhan sila sa upuan.

Instinctively, napatingin ako sa pinagkakaguluhan nila at agad nag-init ang ulo ko ng nakita ko sya—si Fritzie. Nakangiti sya habang nakaupo at welcome na kinakausap ang mga taong nagkakagulo sa kanya. Bahagya din syang tumatawa sa mga sinasabi nila. And right then, gusto kong magwala.

Gusto kong kumprontahin bawat estudyanteng gusto sya.

What's special about her? Tao lang din sya. She's not perfect. She's not God. Bakit ba hindi nila makita yun?

"Hey. What's the matter? Kanina ka pa wala sa mood. Tell me." Pang-aamo ni Tristan pagkadating namin sa tapat ng kotse nya. Nasa labas na yung driver para pagbuksan kami ng pinto pero hindi sya nangialam sa pag-uusap namin ni Tristan. I glared at him, weighing my options. At alam ko hindi ko dapat sabihin sa kanya. "I might be able to do something about it." He persuaded.

But I knew better. Hindi ko dapat sabihin. He can't do anything about it. He can't fix it. Wala syang magagawa para  mawala lahat ng nararamdaman ko.

So I answered, "Nothing," in a hush tone.

Though I know that that nothing is actually something.

SapilitanOnde as histórias ganham vida. Descobre agora