Chapter 1: Sabi Nila

Start from the beginning
                                    

Ang Guest of Honor sa aming Commencement Exercises ay ang news anchor ng Rated K na si Ms. Korina Sanchez ng ABS-CBN. Pinakanatatandaan ko sa kanya ay iyong nagtanong siya sa amin kung, "Handa na ba kayo... sa haharaping mga pagbabago sa inyong buhay?"

Ngumiti lang daw ang papa ko, panatag sa paniniwalang makakayanan ko ang mga pagbabagong darating. Pero iyong mama ko, seryoso, umasang ang mga pagbabagong yaon ay papabor sa kanya.

Elementary nang pangalawang beses kong maranasang tumanggap ng diploma sa Brentwood Academy--- puting coupon bond pa rin, nakarolyong tinalian ng red bias tape pa rin. Bawat pangalan ng graduates ay binanggit ng aming cute pa rin na teacher na si Mrs. Karla Marie Viruete-Verdin. Buntis siya sa pagkakataong ito. "Jasper Ray Zamora Montelibano, our Valedictorian this year."

Kinausap muna ako ni Mam Korina habang papalapit ako sa kanya sa entablado. "Nice finishing, Jazz."

"Paano niyo po nalaman ang nickname ko, ma'am?" inosenteng tanong ko.

"Sabi ng Papa Rico mo. Ibinida ka niya sa amin sa newsroom ng Visayan Daily noong ipinasyal niya kami roon kamakailan lang. May ipinabasa pa niya siya sa akin na news report eh. Pinagpapraktisan mo raw. Proud na proud siya sa iyo."

"Noong araw na binigyan niyo po ako ng bagong tsinelas?"

"Yeah, that day."

"Salamat po, Ma'am Korina," nakangiti kong pagtugon.

"Walang anuman, hijo." Iniabot niya sa akin ang diploma pagkahinto ko sa harap niya. "Like father, like son."

***** ***** ***** ***** ***** ***** ***** ***** ***** *****

12 years old ako nang mag-1st Year. Ganoon pa rin naman hanggang ako'y naging kinse anyos: basa, bilang, sulat, kanta, laro, at sayaw, araw-araw, gabi-gabi, pero hindi nakakasawa. Mahuhusay ang turo ng aking mga guro. Iba-iba ang estilo para hindi nakakabagot. English at Araling Panlipunan ang pinakapaborito kong mga asignatura sa Mandaue City National High School. Kada taon, nag-uwi ako ng karangalan sa aming public school mula sa mga sinalihan kong Jazz Chant, Spelling Bee, Essay Writing, General Information Quiz Bee, Bible Quiz, at Science Fair. Ang bago sa akin ay ang napabilang ako sa The Bayside View, ang official school paper ng aming paaralan. Lagi akong naisasali noon sa mga press conferences mula school level hanggang national level. Dumaan ako mula sa pinakamababang posisyon hanggang sa maging editor-in-chief ako ng TBV.

Sa sobrang busy ko sa school, hindi ako nagkaroon ng girlfriend. Crushes lang, pero hanggang doon lang iyon. Ayokong masagabal ako sa aking pag-aaral dahil gusto ko na, balang-araw, ay maranasan ko iyong mga kinuwento ni Mr. Everardo Lerma. Actually, iyon na rin ang mga naobserbahan ko kay Papa Rico mula nang i-expose niya ako sa kanyang working environment. Na-enjoy ko na ring matikman ang mga ganoong pribilehiyo ng pagiging news writer. May mga nakipagkaibigan at nakipaglaro sa akin dahil nais nilang matuto mula sa aking mga pinaggagagawa sa aming mga klase. May mga ibang kaeskwela pero na, dahil pa rin sa inggit, binu-bully nila ako. Hindi ako iyakin, pero hindi rin ako basagulero. Ako pa rin iyong tipong naghahamon ng pruweba mula sa kanila. "Ebidensya?" ang madalas kong linya. Madalas panalo ako kahit sa pustahan.

Kung noong kindergarten hanggang elementary ay sa Sherlock Holmes ako nakinig, nitong high school ko ay may nagregalo sa akin ng The Adventures of Tintin--- isang set ng DVD episodes ng animated series, at isang set ng 24 comic books na sinulat ni Hergé. Nakadikit sa comic book box iyong Christmas gift tag na Be inspired. Pinanood at binasa ko ang mga niregalo ng kaibigan ni Papa Rico na taga-London. Tunay nga, na-inspire ako sa mga naging adventures ng young reporter ng Belgium. Gusto kong maging kagaya niya.

Nagtapos ako sa high school with flying colors.

Ang Guest of Honor sa aming Commencement Exercises ay si Mandaue City Mayor Hernando Quitlong. Pinakanatatandaan ko sa kanya ay iyong nagtanong siya sa amin kung, "Desidido na ba kayo sa daang nais niyong tahakin sa buhay na ito?" Saka siya lumitanya ng ilang linya mula sa tula ni Robert Frost na The Road Not Taken.

The Montelibano JournalWhere stories live. Discover now