Chapter 45 "Teardrops"

325K 9.9K 2.3K
                                    

a/n:This is the last time I'll update,guys.Finally,I already finished it.Gusto ko sanang idedicate to sa tatlong taong nagbigay sakin ng cap.Patricia Aplaon,Charlotte Romanes and Ezra Tenorio.Arigatou!

Saisumi's POV

"Sinungaling."

Tinabig ko ang kamay nyang nakahawak sa baba ko.

Anong gusto nyang palabasin?Pinatay ko ang kalahati nya?Sino?Si Khai?Ano bang klaseng biro to?

"Ang hirap tumanggap ng pagkakasala,hindi ba?"-Cloud

May humawak sa magkabilang braso ko.Si Melissa at Gray.Pilit nilang iniharap ang mukha ko sa lapida na nahawakan ko kanina.

Nanlaban ako pero parang tinakasan ako ng lakas ko nung mabasa ko ang nakasulat sa lapida.

"Kalahating taon syang nagdusa bago nya wakasan ang buhay nya.Alam mo ba kung anong masakit dun.....?Nagpakamatay sya ng dahil sa isang walang kwentang tao.....Namatay sya....dahil sayo."

Hindi ko na namalayan ang biglang pagtulo ng mga luha ko.Paulit-ulit akong umiling.

Mali ang nababasa ko.Hindi totoo to.H-hindi kay Khai ang puntod na to....

'Sumi.....'

"Hindi!"

Binitawan ako nila Gray at Melissa.

"Hindi mo matanggap?Nasasaktan ka?Dapat lang yan sayo,Saisumi.Pinatay mo si Skhai.Kinuha mo samin ang isa sa mga leader namin."-Zia

Tinakpan ko ang dalawang tenga ko.Puro sila mga sinungaling!Buhay pa si Khai....

'Lagi lang akong nandito para sayo,Sumi.....'

Napahampas ako sa lapida.

Pati ba ikaw,Khai....?Nagsinungaling ka rin ba sakin nung sinabi mo yan.....?

"Naaalala mo ba ang huling salitang sinabi mo sa kanya nung araw na yun,Saisumi?"-Cloud

'Layuan mo na ako,Khai.'

"Hindi mo man lang ba naisip kung anong mararamdaman nya nung sinabi mo yun?Nung iniwan mo sya?Ha!Wala kang kwenta."-Cloud

Hindi ako makahinga sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko kaya hindi makadaloy ng maayos ang hangin.

Ang sakit sa dibdib.....Sobrang bigat sa pakiramdam.....

'Gusto mo bang Sai na lang din ang itawag ko sayo para magka-rhyme tayo ng nickname?Sai.....Khai.....Khai....Sai.....Yiiiieee!!Bagay!'

Purple-Eyed Princess (Published Under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon