Chapter 22 "The Battle"

417K 12.2K 1.3K
                                    

a/n:zakuraGurl,para sayo to.^^

Liryu's POV

"ANO?!?!?!"-Louie/Ken

"Lalaban tayo?!"-Ken

"Sa isang illegal battle?!"-Louie

"Oo."

Iritang sagot ko sa kanila.

Kailangan bang sumigaw?Tss.Gusto yatang makatikim ng sapak ng dalawang to.

"Bakit mo tinanggap?!Suicide yun,Liryu!SUICIDE!!!"-Louie

"Bakit ba ganyan ka mag-react?Natatakot ka ba?C'mon,Louie!Tatlong gang lang sila."-Ako

"Yun na nga eh!TATLO sila!Hindi mo man lang ba naisip kung ilang tao meron sa bawat gang?!"-Louie

"Naka-oo na ako.Wala ng bawian."-Ako

"Argh."-Louie

"Kung ayaw nyo,edi WAG!Ako na lang  mag-isa.Psh!"-Ako

"Sasama ako."-Mirco

"Oy!Ako din!"-Ken

"So ano to?!Pinapamukha nyo ba sakin na kailangan kong isipin na isa tayong gang kaya dapat walang iwanan?!Well...congrats!Nagtagumpay kayong ipamukha sakin yan!Sasama na ako.-___________-"-Louie

"Tss...sasama lang,ang dami pang sinabi.*sigh*Oh pano?!Mamayang alas-onse.Sa gate tayo nitong school magkikita-kita.Walang malelate,Ken!"-Ako

"*pabulong*Napagbintangan na naman ako."-Ken

"Totoo naman.Tsk."-Louie

"Edi ako na!Ako na ang laging late!Tss!"-Ken

"Tama na yan.Sa ngayon,kailangan nyo munang isipin kung anong pwedeng mangyari mamaya.Maging alerto kayo."-Ako

"Yes boss!"-Ken

"*sigh*Ano pa nga ba?Kung alam lang natin kung paano mako-contact si Purple...makakasama sana sya satin."-Louie

"Well then...it's a good luck."-Mirco

------------------------------------------------------------------------------------------------------

Eksaktong alas-onse ng gabi,nakarating kami sa lugar na napag-usapan.

Napakagat ako sa ibabang labi ko nung makita ko kung gaano sila kadami.Sigurado ba silang tatlong gang lang to?

At teka.Sobra-sobrang kadugaan na yata to.Bakit lahat sila may dalang kanya-kanyang armas?

"Wala to sa usapan."-Ako

"Wala naman tayong napag-usapan tungkol sa mga gantong bagay kaya walang rules na dapat sundin,Dark."-Demon

"Tss."-Ako

Tumingin sya sa relong suot nya.

"Oras na..."-Demon

May isang lalaki ang nagtapat ng hawak nyang baril sa itaas at pinaputok ito.

Yun ang naging hudyat ng mga kasama nya para sumugod.

Sinuntok ko diretso sa mukha ang lalaking unang nakalapit sakin.Bumagsak sya dahil lang sa isang suntok.

"Tsk.Mahina."-Ako

Sinipa ko pataas yung bakal na dala-dala nya.Pagkasambot ko nun,mabilis ko yun na inihampas sa leeg ng lalaking hahampasin din sana ako ng baseball bat.

Napamura ako nung maramdaman kong may matulis na bagay na bumaon sa kaliwang balikat ko.

Agad kong hinugot ang patalim mula sa balikat ko at mabilis ko yun na inihagis sa lalaking sa tingin ko ay ang sumaksak sakin.

Purple-Eyed Princess (Published Under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon