Chapter 40 "Dark Purple (part 2)"

300K 9.1K 1.3K
                                    

Saisumi's POV

Nandito lang yun eh...Sigurado ako...Dito ko lang nilagay yun...

Nasan na yun.....?!

"Argh....."

"V?"

Napalingon ako sa may pintuan.Literal akong napatalon sa gulat nung makita kong nakadapa si Mom sa sahig ng kwarto ko!

"Mom!Anong ginagawa mo dyan?!"

"Ang lambot pala ng carpet mo dito,Baby V.Ang sarap matulog.....!"

Napahampas na lang ako sa noo ko.

"Kung gusto nyo yung carpet,dalhin nyo na."

Tinalikuran ko na lang sya at ipinagpatuloy yung ginagawa ko kanina.

Langya.Hindi ko talaga mahanap.

"May hinahanap ka ba,V?"

Teka.Si Mom.Baka alam nya kung nasan yun.

Nilingon ko ulit sya.Naka-indian sit na sya ngayon at nagkakamot ng ulo.

"Mom,alam mo ba kung nasan yung maskara ko?"

Napahinto sya sa pagkamot sa ulo nya at inosenteng napatingin sakin.

Tss.....alam ko na yang mga tingin na yan.

"Nawawala yung maskara mo,V?"

Sabi ko nga.Hindi nya alam.-____-

"Baby V!Naiwala mo?!Kelan pa?!"

"Ewan ko.Ngayon ko lang napansin."

"Waaaaahhhhh!!!!V!!!!Hindi mo ba alam na para sa tulad mong nagtatago ng identity---"

"---ang maskara ang pinakamahalaga.Oo,alam ko."

Nahagilap ng mata ko ang papel na nakita ko sa may bintana ko.

"Ano ng gagawin natin nyan,V?!"

"Hindi ko alam."

Kahapon lang...pinasok ng kung sino ang kwarto ko at nakuha nya pang mag-iwan ng note sa bintana ko na parang naghahamon.Ngayon naman.....nawawala ang maskara ko?

Hindi kaya.....sya ang kumuha?

Ken's POV

"Takbo,Nicka!"

"A-ano?!"

Sinubukan akong sipain ni Purple (o kung si Purple nga to) sa mukha pero naiharang ko ang braso ko.Ibinaba nya ang paa nya at umikot kasabay ng kunai na hawak nya.

Muli na naman akong napaatras.

"Hindi natin kailangang maglaban,Purple!"

"Hindi mo naman kailangang lumaban,White."

Pinaikot nya sa kamay nya ang kunai at tumakbo papunta sakin.She tried to stab me but I dodged.

Hinila ko ang kamay nya na may hawak na kunai tsaka ko ito pinilipit para mabitawan nya.Pagkalapat na pagkalapat pa lang ng kunai sa sahig ay agad ko itong sinipa palayo.

Pinatid ko yung isa nyang paa kaya napaluhod sya.Inikot ko papunta sa likod nya ang kamay nyang hawak ko tsaka ko ipinulupot ang isa ko pang braso sa leeg nya.Napahawak sya sa braso ko gamit ang isa nya pang kamay.

"Ano bang kailangan mo kay Nicka?Bakit ganto ka kadesperado na isama sya?"

"Namiss ko lang si Nicka,Ken."

Yumuko sya ng bahagya.Akala ko,tumigil na sya pero bumwelo lang pala sya para iuntog ang ulo nya sa mukha ko.

Nabitawan ko sya.

Purple-Eyed Princess (Published Under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon