Chapter 38 "Halo"

319K 9.6K 1.2K
                                    

a/n:Here's next!Short update nga lang.Dedicated to MekaylaSaphiraTan.Natuwa ako sa comment mo,miss.:)

Saisumi's POV

Hingal na hingal ako nung marating ko ang floor kung saan ko nakita ang taong pumana sakin.

Mula sa kinatatayuan ko,kita ko ang lugar kung nasaan ako kanina.Tamang-tama nga ang lugar na to para 

pagtangkaan ang lugar ko.Napangisi ako nung mapansin ko ang mga patak ng dugo sa sahig.

Tinamaan ko sya.

Sinundan ko ang mga patak ng dugo pero nawala din to nung malapit na ako sa hagdan.Mukhang naisipan nyang talian 

ang sugat nya.

Pero sino ba sya?Hindi ko alam kung lalaki ba sya o babae.

Isa ba sya sa Six Rings?

"Miss?"

Napalingon ako.Kumunot ang noo ko kasabay ng paniningkit ng mga mata ko

Si Gray Allison.

May dala syang bow at nakasuot sya ng jersey,wrist band sa magkabilang kamay at short.Anong ginagawa nya dito?

"Naliligaw ka ba?Bawal kasi ang hindi member ng science club sa floor na to."-Gray

"Eh anong ginagawa mo dito?"

"Ako?Ah.May ibinigay lang ako sa isa sa mga member."

Ngumiti sya sakin pero bumaba ang tingin nya sa sahig.

"Dugo..."-Gray

Muli na namang napakunot ang noo ko.Nakatulala lang sya sa mga patak ng dugo sa sahig habang ako,sinusuri ang 

kabuuan nya.

Wala akong makitang kahit anong bakas ng dugo o sugat sa katawan nya.

Imposibleng sya yun...

"Alis na ako"

Napaangat ang tingin nya sakin.Hindi ko na narinig yung sinabi nya dahil tumakbo na ako pababa ng hagdan.

Hahanapin ko na lang ang palasong ginamit kong panira sa kanya.Dahil wala iyon sa pinuntahan kong floor,siguradong 

nasa kanya pa yun.

Purple-Eyed Princess (Published Under Cloak Pop Fiction)Where stories live. Discover now