Chapter 16 "Club"

610K 12.8K 3.5K
                                    

Saisumi's POV

Alastres na ng umaga at ngayon pa lang ako nakauwi ng bahay.

Hindi pa ako bumubusina pero pinagbuksan na ako ni Manong guard.

Huminto ulit ako sa harap nya at binuksan yung bintana tutal hinubad ko na rin naman yung maskara ko.

"Manong,si Shun?"

"Naku,Ma'am!Ano pong nangyari sa kanang mata nyo?!"

Napahawak ako sa bandang pisngi ko.

May dugo pa rin.Kanina ko pa pinupunasan to pero ayaw tumigil ng pagdudugo.

Mukhang malalim yata ang pagkakahiwa sakin.

"Wag nyo na lang pong pansinin.Nasan na po ulit si Shun?"

"Kaninang ala-una pa po dumating si Sir.Mukhang pagod nga po eh kasi po nagpasundo na lang."

Owww...kawawa naman ang kambal ko.

Siguro naman tulog na sya ngayon at hindi na mapapansin ang pagdating ko.

"Ah...Ma'am...itatanong ko lang po.Napapadalas po ata yung pag-uwi nyo ng madaling araw?"

"May sleep over po kami ng mga kaklase ko eh.Nauna lang po akong umuwi.."

"Ahhh...."

"Sige,Manong."

Pinaandar ko na ulit yung kotse ko papuntang garahe.

Isinukbit ko na ulit sa balikat ko yung katana ko pagkababa ko ng kotse.

Okay.....dating gawi.

Umakyat ako sa puno na malapit sa veranda ng kwarto ko.

Pumasok na ako sa pinto ng veranda ng tahimik.

"Sayang naman yung pinto sa harap kung dyan ka lagi dadaan."

Nagulat ako nung biglang bumukas yung lampshade sa side table.

Ay Lintik!Anong ginagawa nya dito?!

"San ka galing?"

Sabi nya ng hindi tumitingin sakin.

"Sa park."

"Ng gantong oras?"

"Nakatulogako."

"Ha!Sinong maniniwala sayo?"

"Okay fine.Sa Underground.-________-"

Napatingin sya sakin.

"Galing ka sa---Oh sh*t!Ano nangyari dyan sa mata mo?!Ano yan?!"

Muli kong hinawakan ang pisngi ko.

"Sugat.Obvious ba?"

"Langya,Hime!Alam kong sugat yan!Ang tanong ko,anong nangyari dyan?!"

"Nahiwa kanina."

"Bakit parang wala lang sayo?!"

Bumangon sya sa kama ko at lumapit sakin.

"Hindi naman masakit."

Hinawakan nya ako sa pisngi at tinignan yung sugat ko.

"Pucha.Eh ang lalim nito!Sinong may gawa nito?!Sisiguraduhin kong bulag ang dalawang mata nya pag nakita ko sya!"

"Shun---"

"George!George!"

Tawag ni Shun kay Butler George.

George lang talaga tawag nya kay Butler.Hayaan nyo na.Sya yung amo eh.-_____-

"GEORGE!!!ANO BA?!"

Purple-Eyed Princess (Published Under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon