Chapter 42 "Unmasked"

317K 9.6K 853
                                    

Halo's POV

"Lady."

Walang kainte-interes na tawag ko sa pangalan nya.Tumalon sya pababa mula sa punong tinataguan nya.

Si Lady.Ang ikalimang miyembro ng grupo namin.Dahil sa suot nya ngayong V-neck na t-shirt na itim,kitang-kita ang tattoo nya sa ibabaw ng dibdib.Napairap na lang ako ng mapansin ko ang suot nyang pink na maskara.

Tss.Girly as ever.

"Pwede bang sumali?"-Lady

"Mapapatay ko na talaga si Hunter."

Mahinang usal ko.Sigurado akong sya ang nagpadala kay Lady dito.Ano bang akala nya sakin?Hindi ko kayang talunin si Saisumi ng mag-isa?Ang sarap talagang tadtarin ng saksak ng lalaking yun.Psh.

"Umalis ka na,Lady.Hindi kita kailangan dito."

"Wag ka ngang masyadong hard.Kitang-kita naman na nadedehado ka na."

Ang kapal!Ako?!Dehado?!Nagwawarm-up pa nga lang ako!

"*roll eyes*Whatever,Lady."

Saisumi's POV

Lady.

Yun ang narinig kong tinawag sa kanya ni Halo.Kahit na medyo madilim,kita ko pa rin ang tattoo nya sa bandang itaas ng dibdib nya.

Hindi ko inaasahan to.

Hindi ko inaasahan na makakaharap ko ang dalawang miyembro ng Six Rings ngayon.

"Sabi nga pala ni Hunter,sunduin kita pero dahil mukhang masayang kalaro si Miss Purple,pwede pa naman siguro tayong magtagal ng ilang saglit."

"Tsk.Iba talaga pag baliw sa pag-ibig.Lahat sinusunod mo kahit anong iutos sayo ni Hunter."

"Cut it off,girl.Sinabi ko na sayo,wala akong gusto kay Hunter.Kung tutuusi, mas gusto ko pa ang malokong si Cross kesa kay Hunter na walang ibang ginawa kundi ang ngumiti tapos seseryoso."

Sinasadya ba nilang iparinig sakin ang pinag-uusapan nila o hindi lang talaga nila ako napapansin?Tss.

Dahil tuloy lang sila sa pagkukwentuhan at naiinip na ako,naghagis ako ng kunai na dumaan sa gitna nila.

Sabay silang napatingin sakin.

"Mainipin pala sya,Halo."-Lady

"Wag kang makikielam."-Halo

"Asa ka naman!"

Purple-Eyed Princess (Published Under Cloak Pop Fiction)Where stories live. Discover now