KABANATA XXIV

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ah... Pasensya na" pahabol ko

"Wala naman iyon, huwag mo nang isipin. "

Ngumiti ako sa kaniya at ganun din siya sakin.

"Nga pala Catalina, sana kahit nalaman mong ako ang anak nang gobernador-heneral, nawa'y di magbago ang ating samahan" malungkot niyang usal

Nagulat siya nang hawakan ko siya sa braso. Humarap siy sakin at tumitig sa mga mata ko.

"Huwag kang mag-alala, hindi ako magbabago"

Agad naman siyang tumalikod kaya nagtaka ako.

"Ah, may nakalimutan pala akong g-gawin. S-Sigr ah, mauuna n-na ako" utal niyang saad at saka tumakbo papalayo

Napakamot ako sa ulo ko sa pagtataka.

'Anong nangyari dun?'

Umalis na ako sa lugar na iyon at napagdesisyunan kong magmuni-muni muna upang makahanap ng pwedeng maging paksa ng gagawin kong tula. Sa paglalakad ay nakita ko si Rizal na may ibang babaeng kasama. Napa-face palm nalang ako habang nagpailing-iling sa kaniya.

Bakit ganun? Akala ko ba siya ang bayaning kailangang titingalain ng lahat pagdating ng panahon? Bakit wala pa siyang ginagawang paraan ngayon? Bakit parang paeasy-easy lang siya at take note, nambababae pa! Hindi ko alam kung bakit naiinis ako ngayon. Bakit ako apektadong walang ginagawang paraan si Rizal upang ipaglaban ang bansa. Totoo nga bang mahal niya ang bansang Pilipinas? Oh sinungaling ang kasaysayan at sinabi lang na siya'y makabayan?

Mukhang kakalabas lamang nila sa isang restaurant at hinalikan pa ni Rizal sa kamay yung babae at ito'y umalis. Naiwan si Rizal at laking gulat niya nang masilayan niya ako sa harap niya. Hindi niya ako pinansin at nagsimulang maglakad.

"Hoy" pagtawag ko

Nilagpasan niya ako at agad akong napalingon.

'Aba't!'

Sa sobrang inis ko ay napapadyak ako sa sahig at sinigaw ang palayaw niya.

"Pepe!" sigaw ko

Gulat niyang lumingon sa akin at sa tingin ko ay dahil alam ko ang palayaw niya.

"Nadidismaya ako sa'yo. Ang akala ko isa kang bayaning maaasahan ng lahat pero mali ang inakala ko, imposibleng maging bayani ang isang babaero" tugon ko

Agad akong tumakbo papalayo at iniwan siya doon. Kahit na alam kong bawal tumakbo ng mga babae eh wala na akong pakialam. Dumiretso ako sa aking silid. Kinalikot ko ang mga bagahe ko at nakita ko ang rosas na ibinigay ni Andres. Bigla akong natigilan nang makita ito. Dahan-dahan ko itong kinuha habang ngumiti ng mapait.

'Ano na kayang ginagawa ni Andres ngayon? Maayos kaya ang kalagayan niya? Sana naman ay maayos na ang buhay nila nina Ciriaco. Namimiss ko na sila. Ilang buwan na rin ang nakalipas nang makasama ko sila.'

Marahan kong iniuntog ang aking noo sa mesa habang iniisip ang maaring gawing tula. Agad kong naalala ang ginawa kong tula noong nag-aaral pa ako. Sa asignaturang Filipino ay pinagawa kami ng tula na aming gagawing bookmark. Bigla namang pumasok sa isip ko ang mga salitang ginamit ko doon. Kaagad ko munang isinulat ang mga natatandaan ko at binagong muli ang nilikha kong tula.

Lumuluhang kalangitan,
Sumisigaw na ulan
Nangangalit na kidlat
Na ayaw nang tumahan

Kasabay nito ay ako
Ako na tumatangis dahil sa'yo
Ako na nanlulumo sa pagalis mo
Oo, heto ako, unting unting naglalaho

Reincarnated in 1880Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon