Chapter 12: Who's the enemy?

92 5 0
                                    

See the multimedia to know why France hates pink XD



Tahimik lang si Manang na parang may malalim na iniisip habang nakasilip sa bintana ng sasakyan at pinagmamasdan ang paligid. Gabi na rin ng umuwi sila galing sa celebration ng birthday ni Manang sa isang restaurant. Si Mia naman na kanina'y kasama nila, ay sinundo na ng asawa habang ang triplets naman ay mahimbing na natutulog sa tabi ni Rio.

"Manang, I know what you're thinking." pabirong sabi ni Rio. Napatingin naman si Manang sa kanya.

"Tagalog please?" pagbibiro ni Manang.

"Manang naman eh."

"Hahaha. Biro lang Hijo. Ang seryoso mo kasi eh."

"Seryoso Manang. Iniisip mo yung tungkol kay Mia di ba?!" seryoso ngang tanong ni Rio.

"Oh? Bigla kang nagtagalog?!" biro ulit ni Manang na parang iniiwasan ang tanong ni Rio.

"Manang! Iniiwasan mo naman yung tanong ko eh!" reklamo ni Rio na daig pa ang bata sa pagsimangot. Si Manang naman ay tuwang-tuwa habang pinagmamasdan ang alaga niya.

"Hay! May anak ka na't lahat ang isip bata mo pa rin! Kulang na lang maglupasay ka dyan!" Natatawa niyang sabi.

"Ikaw kasi eh! "

"Aba! Ako pa ang may kasalanan?!" nangingiting sabi ni Manang.

Maya-maya ay biglang natahimik si Manang. Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi niya at biglang naging seryoso. Lumapit siya kay Rio at kinuha ang kamay nito.

"Hijo," sambit ni Manang habang nakayuko lang at ni hindi man lang nag-abalang tumingin sa kanya. "Ako, na si Manang lang sa buhay ni Alluewi, hindi napigilang matuwa nang makita ang babaeng kamukhang-kamukha nya. Talagang nakakabuhay ng dugo. Paano pa kaya ang nararamdaman mo, na asawa niya?" dagdag pa ni Manang.

"Manang, kung sesermonan mo naman ako tungkol dyan-"

"Hindi ako nanenermon, nagtatanong ako." matipid na sagot ni Manang. Napabuntong-hininga si Rio para kumuha ng lakas ng loob para sagutin ang tanong ni Manang.

"Masaya,masayang-masaya." iniiwas naman ni Rio na makita ni Manang ang malungkot nyang mukha sa halip ay tumingin na lang ito sa labas kunwari'y tumatanaw. "Sa sobrang saya ko, hindi ko napigilang yakapin siya. Pero pagkabitaw ko sa yakap na yun, isa lang ang pilit kong isinasaksak sa isip ko. Na hindi sya si Iya, si Iya na asawa ko. Manang, hindi naman sa hindi ko iniwasang pumasok si Mia sa buhay natin. Dumating pa ako sa point na ipinagdamot ko ang mga anak ko kahit na siya ang nagligtas kay Hamish sa aksidente nitong nakaraan. Anong magagawa ko? Ngayon ko lang nakita ang triplets nang ganun kasaya. Sa ganito lang din ako makakatulong na punan ang kalungkutan ng asawa ng malapit kong kaibigan. Mas iisipin ko pa ba ang sarili ko?"

"Anong ibig mong sabihing punan ang kalungkutan nya? Mayroon naman siguro syang pamilyang susuporta sa kanya kung ano mang problema ang meron sya." ibinalik naman ni Rio ang tingin kay Manang upang magpaliwanag.

"Yun na nga Manang. Naikwento sakin ni Dr. Liam na ulila na si Mia at isa pa, hindi na sila pwedeng magkaanak."

"Ha? Bakit naman? Anong problema?" tanong ni Manang.

"Ang sabi lang sakin ni Doc, Mia encountered an accident two years ago at yun ang naging reason kung bakit hindi na pwedeng magdala ng baby si Mia."

"Nakakalungkot naman. Pero kahit na ganun anak, hindi mo naman obligasyon yun. "

"Mahirap maging malungkot Manang. Lalo na't yung lungkot na yun ay mananatili na sayo habang nabubuhay ka. Araw-araw mong naiisip na parang mawawalan ka na ng ganang mabuhay. Pero kung may isang lesson man ang itinuro sakin ng pagkawala ni Iya, yun ay may iba pang bagay na pwedeng magpasaya sayo. Hindi man nun matatanggal ang permanenteng kalungkutan, at least alam mo sa puso mo na pwede ka pa rin maging masaya. At yun yung gusto kong ma-experience ni Mia na ayaw kong ipagdamot. Sana naiintindihan niyo ako Manang."

So Young (Slow Update)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora