Chapter 18: Soon

70 4 9
                                    

***

"Okay ka lang Tol? Masakit ba?" tanong ni Westley habang isa-isang hinuhubad ang mga damit na ginamit n'ya sa pagdidisguise. Kakarating lang nya sa kotse dahil hinintay pa nilang makaalis si Mia.

"Syempre naman masakit! Pero tolerable naman. Teka, paano ka nakapagdisguise kaagad?" tanong ni Gray.

"Ako pa? Nangulimbat ako ng damit kung kani-kanino para lang masagip ka. Loko ka."

"Eh yung nag-hangul ka kanina?" muli n'yang tanong.

"English-Korean Dictionary app! Nagdownload ako in case of emergency." pagpapaliwanag pa ni Westley. Matapos mahubad ang mga pinang-disguise n'ya ay agad nitong kinuha ang kanyang phone. "Wait lang." sabay dial.

"Hello? She's on the way. Please do your job correctly." sabi ni Westley sa kausap n'ya sa phone. Binaba n'ya na ito kaagad pagkasabi n'on at ipinagpatuloy ang pag-aalis ng props.

"Who's that?" tanong ulit ni Gray.

"'Yung mga hinire ko na bumangga kay Mia. Hindi 'yung bangga sa kotse ah. Bangga as in---hmm. Basta! Para hindi ka paghinalaan na ikaw yung nagpalit sa mga papel. "

"Okay gets ko. E bakit naman kailangan pang pagpalitin? Pwede namang ibigay na lang kaagad yung maling info di ba?"

Bigla naman tinignan ng masama ni Westley si Gray. "Ano ba 'yun? Walang ka-thrill thrill. Mas masaya 'yung ganito na medyo komplikado para masaya! Isa pa, kung ibinigay na'tin yung maling information kay Mia, si Mr. Jung ang maituturong may kasalanan. Mas okay nang wala s'yang masisisi para i-take n'ya lahat ng responsibility dahil 'yun naman talaga ang main goal na'tin."

"Goal natin na konsensyahin s'ya gan'un ba?"

"Tumpak! Nadale mo rin Tol! Hay, kung ganyan ka lang palagi mag-isip e di sana madali ang buhay natin." masaya pang sabi ni Westley. "Woooh! Nae-excite na 'ko sa mga mangyayari! Manong *Ahjussi! Drive na! May kailangan pa tayong puntahan."

Agad na pinaandar ng driver ang kotse. Nangingiti naman si Westley habang tumatanaw sa bintana at iniisip ang mga bagay na umaayon lahat sa plano. Ngunit,

naging seryoso ang kanyang mga mata nang makita ang isang lalaki na nadaanan ng sasakyan nila.

"Wait. Itigil mo muna ang sasakyan Manong," pagpigil ni Westley. "I-atras mo pabalik hanggang d'un sa lalaking nakatayo sa likod." pagpapatuloy n'ya. Agad naman 'yung ginawa ng driver nila. Muli n'yang tiningnan ang lalaki para siguraduhin ang nakita n'ya.

"Heh, eto ang mas exciting." bulong ni Westley.

Laking-gulat naman ni Gray nang makita ang lalaki. "'Yan 'yung Dr. Marcelo di ba? Asawa ni Ms. Park?"

"Dito ka lang ha? Kakausapin ko lang s'ya." agad na bumaba si Westley ng sasakyan.

Inabutang nakatulala ni Westley si Dr. Marcelo. Hindi man lang ito nag-abalang lingunin s'ya.

"What are you doing here?" tanong ni Dr. Marcelo habang nanatili sa pwesto n'ya.

"Heh, it seems that everybody here were asking like they've bought this country." pagbibiro ni Westley.

"Wala ako'ng panahon makipaglaro sa'yo Mr. Rosales."

"Hahahaha. Hi--hindi ko alam marunong ka pa lang mag-joke Dr. Marcelo." naluluha na kakatawa si Westley pero seryoso pa rin ang doktor. Bahagya naman s'yang lumapit dito para bulungan. "Bakit mo inumpisahan kung ayaw mo din mo naman maglaro? Madugas ka ah. Hindi porket maibabalik na namin ang panyo sa base, bigla ka na lang aayaw."

So Young (Slow Update)Where stories live. Discover now