Chapter 11: Jelly Gay, Creepy Mom, and Loving Nana

109 6 0
                                    

A/N: Pasensya na po ulit sa super duper late na UD. Haha dami lang inasikaso ni Authoress nyo nitong nakaraan. Daming plates and exam tapos sumali pa si Authoress sa singing contest XD 2nd lang kami nung duet partner ko XD Tapos may ginagawa kaming manga ng friend ko. Oh di ba? Buhay pa si Authoress! XD

Eto na po. Medyo hinabaan ko po ang UD na to (mahaba na para sakin to XD). Sana po magustuhan nyo. Comment kayo ah? Para ganahan ako :)

Before you read please see the Multimedia ^_^

**

Habang abalang basahin ang mga papeles sa kanyang office, ay nakatanggap si Rio ng isang tawag mula sa intercon galing kay Secretary Choi. Agad naman nyang pinindot ang isang button sa may telepono para kausapin ito.

"Master, Ms. Jarlo and Mr. Mendez were here."

"Let them in." itinabi niya muna ang mga papeles at naglakad malapit sa pinto para salubungin ang kanyang mga bisita.

Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto at bumungad sa kanya sila Saddie at Toffee na hinatid ni Secretary Choi.

"They're here Master." -Secretary Choi

"Thank You Mr. Choi. Pwede mo na kaming iwan." agad namang lumabas ang secretary pagkasabi nun ni Rio

"Good to see you lovebirds!" bati ni Rio sa MAGKASINTAHAN. (A/N: Ehem, sa mga di pa nakakabasa dyan ng Da Howl and Da Fussy Cat. XD)

"Good afternoon Arch. Chuiczain. It's good to see you too." bati naman ni Toffee sa kanya sabay offer ng kamay para makipagshake-hands na tinanggap din naman ni Rio.

"Hello Sir! Magandang hapon! Naabala po ba namin kayo?!" bati naman ni Saddie sa kanya.

"Hindi naman. Have a seat." pag-aalok ni Rio. Inaya niya muna ang dalawa na maupo sa may lounge.

" Namasyal kasi kami dito sa mall kaya naisipan ko na ding dumalaw dito. Nagbabakasakali lang sana ako Sir kung nandito yung mga cute kong pamangkin. Namimiss ko na sila eh. Ang kaso, mukhang wala pala sila dito." patungkol ni Saddie sa triplets na inaanak nya.

"Actually, you're in the right timing. They're on their way here together with Manang. Oo nga pala, you don't have to call me Sir when we're outside of the University, remember?"

"Oo nga pala! Sorry Rio?"

"Hmm. Much better. By the way, Congratulations to you two! Graduate na kayo! Few steps na lang at magiging totoong Architect and Engineer na kayong dalawa."

"Thank You Mr. Chuiczain." -Toffee

"Thank you Rio. Nga pala hindi ko na kayo nakita lately sa school ah. Nag-stop na po ba kayong magturo sa University?" tanong ni Saddie.

"Hindi pa. Hindi lang ako nag-turo this sem. Busy ako sa construction ng isang building dyan sa may Taguig. Kailangan ako sa site eh. I will not give up my teaching career because I'm gaining a lot of experiences." paliwanag ni Rio.

"Actually naging asset kayo ng school for the last 3 years. Maski yung ibang students galing sa mga bigating school nag-eenroll ng ibang subjects sa school para lang maging prof kayo." sabi naman ni Saddie.

"Haha. Wala akong alam about dyan. Pero kung totoo man yan, I'm flattered. Enough na tayo about sa school stuffs. Pag-usapan naman natin kayo. Kailan ang kasal?" Nagulat at napatulala na lang ang dalawa sa tanong ni Rio. "Haha bakit ganyan ang reaksyon niyo? Nagulat ko ba kayo sa tanong ko?! Wag nyo sabihing wala kayong balak magpakasal?"

"Ewan ko nga sa baklang yan! Tatlong taon na kami, pero parang wala akong balak pakasalan." hinanakit ni Saddie.

"Kaloka ka! Mag-aargue na naman ba tayo about this?! At isa pa, kakagraduate pa lang natin diba?" inis na sabi ni Toffee.

So Young (Slow Update)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin