Chapter 8

161 6 4
                                    

"Hubert! Harris! Hamish! Come back here! " pilit tinawag ni Shane ang mga pamangkin ngunit hindi pa rin sila tumigil sa pagtakbo papunta sa mga nagkukumpulan para makita ang bagong dating na Fashion Designer ng Event. Kinikilabutan pa rin sya sa ikinikilos ng tatlo dahil walang tigil itong sumisigaw ng "Mama". Unti-unti namang nawala ang tatlo ng bigla itong sumingit sa mga nagsisiksikan para makita ang Fashion Designer papasok ng backstage.

Agad namang dumial si Shane sa kanyang telepono.

"Kuya Walter! Please help me. I've lost the triplets. We're here in in the Fashion Hall."

Pagkababa ng telepono ay muling sinubukan ni Shane na hanapin ang tatlo. Sa kanyang paghahanap ay bigla syang nakarinig ng isang malakas na tunog malapit sa backstage. Paglingon n'ya doon ay nakita na lang nya ang isang malaking tarpaulin na papabagsak na. Pumunta sya doon sa pagbabakasakali na nagawi ang triplets doon. Ngunit naglalakad pa lang sya ay may narinig na s'yang sigaw.

"Yung bata! Mababagsakan!"

Nagsilingunan ang lahat sa direksyon na 'yon. Napatakbo na din si Shane papunta doon.

Pero bago pa man sya makaabot ay biglang lumaki ang kumpulan kaya't hindi sya makaraan.

"Mama! Mama! Help us!" sigaw ng isa sa triplets. Naluha na si Shane sa sitwasyon nya ngayon. Wala syang magawa para sa triplets.

"Give way!" sigaw ng isang lalaki. Kasunod pa ng pagdating ng ilang guards na humawi sa mga taong nandoon. Paglingon ni Shane ay si Walter pala ang dumating.

Binigyang daan si Shane ng paghawi ng mga guards patungo sa pinagkakaguluhan ng mga tao.

Patakbo na syang pumunta para makita kung anong nangyari sa triplets nang bigla syang natigilan ng makita si Hamish na walang malay at nasa kandungan ng isang babae. Biglang lumakas ang tibok ng kanyang dibdib habang unti-unting lumalapit sa kanila.

Ayaw nya sanang umasa pero pamilyar sa kanya likuran pa lang ng babae. Kinusot-kusot pa nya ang mga mata para siguraduhing hindi sya namamalik-mata.

"Tita!" sigaw pa ng dalawa sa triplets. Agad silang lumapit kay Shane at sinalubong naman n'ya ito ng yakap ngunit hindi natanggal ang tingin nya sa babae.

Napalingon sa kanya ang babae. Nanlaki ang kanyang makita ang mukha nito.

Ngayon alam n'ya na kung bakit bigla na lang tumawag ng "Mama" ang triplets.

"A-ate Allue?"

Hindi na napansin ng babae ang sinabi ni Shane nang dahil sa pag-aalala kay Hamish.

"Excuse me. Are you related to them?" tanong ng babae kay Shane.

"Ah yes. I'm their auntie." sagot ni Shane na natitigilan pa nang dahil sa pangyayari.

"We have to bring him in the hospital. He fainted." patukoy ng babae kay Shane.

"Yes. Kuya Walter called an ambulance for sure."

**

Sa loob ng ambulansya ay patuloy pa rin ang pagtitig ni Shane sa babae.

"Mama, what happened to Hamish?" tanong ni Hubert.

"Mama, where are we going?" tanong naman ni Harris.

"Ah-eh. I'm sorry but I'm not your Ma--"

Bigla namang lumakas pa ang iyak ng dalawa sa triplets.

"Ah, Hubert? Hamish? They're not your Mo--" pagpapaliwanag sana ni Shane ng bigla syang pigilan ng babae.

"I-I think it's okay for now. If you don't mind?" tanong ng babae kay Shane.

"No. Not at all. Thank you."

"It's okay. I think we can't explain it to them right now."

**

"Doc, how is he?!" tanong ng babae sa Doctor na tumingin sa kanya.

"Minor injuries lang naman po. Nawalan lang sya ng malay dahil sa shock. But I suggest na iadmit sya today since we need to do some laboratory tests to make sure."

"Okay doc. Thank you very much." pasasalamat ng babae sa Doctor.

Pagkakausap ng babae sa doctor ay binalikan nya si Shane habang natutulog ang dalawa sa triplets sa kandungan nito. Si Shane naman ay napapatulala na lang sa pagod.

Lumapit sya sa kanila at bahagya umupo para makitang mabuti ang mga mukha nila.

"He'll be okay. The doctor advised to admit him. I think, you should rest too." sabay pat sa ulo ni Shane.

Bigla naman s'yang niyakap ni Shane.

"Thank you ate." at patuloy na umagos ang mga luha ni Shane.

"You're welcome. By the way what's your name?"

"I'm Shane Candice."

"Shane Candice? Suits you well." sabay ngiti kay Shane. "By the way, I'm Mia Park-Marcelo. Nice to meet you."

Natigilan naman si Shane sa narinig. "Mia Park? The fashion designer?"

"Ah yes. How'd you know about me?"

"I was there to watch the fashion show. Speaking of the fashion show, I'm really sorry."

"Don't worry. My secretary was there to continue the show. He'll take care of it."

"I'm really really sorry."

"It's okay. Right now all we have to do is to call you a guardian. It's important for them to know what happen to him. Maybe their Dad or Mom?"

"Their Mom was dead. I promised to their Dad that I'll take care of them today. But I failed."

"Aw. Don't worry. I'm sure that he'll understand. If you want, I can expain it to him."

**

Humahangos na dumating si Rio sa ospital. Naabutan lang nya si Shane na nakatayo sa labas ng kwarto na para bang naghihintay sa kanya.

"Kuya!"

"Shane! What happened?! How is he?!"

"He's fine--" hindi na pinatapos ni Rio si Shane sa pagsasalita at dali-dali s'yang pumasok sa kwarto.

"Kuya wait! I have to explain something! Kuya! muling sigaw ni Shane ngunit hindi na 'yon pinansin pa ni Rio.

Pagpasok n'ya sa loob ng kwarto ay nakita n'ya ang triplets na nakahiga sa hospital bed. Isa sa kanila ay nakaswero.

Natigilan sya ng makita ang babaeng nagbabantay sa kanila.

Nanlaki ang mga mata ni Rio nang makita ang mukha nito.

Ang babaeng pamilyar sa lahat.

"Iya?!"

-End of Chapter 8-

A/N: Heto na po yung Chapter na nawala few years ago. XD Pasensya na po sa mga nagbabasa nito dahil di ko agad napansin. Sa mga new readers, short update lang talaga 'to kaso hindi ko naman akalain na naging super short s'ya kasi hindi pala na-update ng maayos. Mejo hindi pa advance yung wattpad nung inupdate ko to kaya walang autosave. XD

Sana marami pa ring nagbabasa nito.

Lovelots and Godbless :*

So Young (Slow Update)Where stories live. Discover now