Chapter 5

169 8 6
                                    

"It really bothers me. " back to loner mode na naman ako. You know? Talking with everything here inside my room.

Hindi lang ako mapalagay sa kinikilos si France kanina. And I know kinabahan sya pangti-trip ko kanina. Pero bakit naman sya kakabahan di ba? Malamang! Nagsinungaling na sya sakin. I know that he lied nung sabihin nya na never pa syang nagsinungaling sakin.

Gaya nga ng sinabi ko, ang taong nagsisinungaling ay hindi nag-eexist. Pero, bakit naman sakin pa sya nagsinungaling? Di ba bestfriend nya ako? Pero sa bagay hindi naman lahat ng bagay kailangan malaman. Lalo na at "bata" pa naman daw ako.

So I come up to a decision na wag na lang sabihin kay France ang mga activity ko nitong nakaraan. Wala lang. Di ko feel eh. Madali akong kausap.

Speaking of my activities, I wonder kung ano ba talaga ang laman nung letter na yun. Baka mamaya kung ano lang yun ah tapos ang OA lang si Ate Lui. Nako Ate Lui! Makukutusan kita.

**

Ilang araw ko na ding hinihintay ang sulat na yun. Hay, wala na ba akong ibang gagawin dito kundi tumunganga na lang buong araw?! Hindi ko alam kung vacation lang ako dito sa Philippines o for good na. Pero sana pumayag na sila na dito na ulit ako mag-aral.

Pero bago ako magka-ugat dito sa kwarto ko, buti na lang ay nasaved-by-a-call ako.

Because today is Pedia Day!

Ng triplets, hindi ako. Tinawagan ako ni Kuya kung gusto ko daw sumama. Syempre! Game ako dyan! Choosy pa ba ako? I-mimeet daw nila yung bagong pedia nung triplets dahil si Kuya Clifford na crush na crush ko na dapat pedia nung tatlo,  ay so busy na sa family life nya. Oo! My family na sya! Huhuhu. Anak pala nya ang isa ko pang pamangkin na si Toby Rone. Si Toby na anak-anakan ni Ate Lui, na inaalagaan namin dati. It hurts! It hurts you know!

So andito na kami ngayon sa Ospital waiting for the pedia, at habang binubugbog nitong tatlo yung malaking teddy bear na display dito sa kwarto.

"Sir, nandito na po ang bagong Pediatrician ng triplets nyo. " sabi nung nurse na nag-aassist samin kanina kasunod yung doctor na parang pamilyar yung mukha.

"Good Morning--Oh? Arch. Chuiczain! Nice to see you again! "  sabi nung Doctor.

"Dr. Marcelo? It's been a long time! " sabi ni Kuya sabay nakipagshake-hands dun sa Doctor. Kaya pala parang pamilyar. Sya nga pala yung kapatid ni France.

"Oo nga eh. Bumalik kasi kami ni France sa Korea and eto ako ngayon may asawa na. " sabi nya.

"Really?! Congratulations! Kamusta buhay may asawa? "

"Ok naman, hindi naman masyadong mahirap dahil wala pa kaming baby. For now, si France ang pinaka-alaga ng asawa ko. Speaking of France, di ba girl-este bestfriend nya yung little sis mo? Sya na ba yun?! " pagpinpoint sa akin ni Kuyang Pedia. Hay Salamat at napansin nyo din ako.

"Ah Opo. Ako nga po yun. "

"Shane ang name mo di ba?! Nagkita na ba kayo ni France?! Parang may sumpong kasi yun nung isang araw eh. " sabi nya. Yun siguro yung nakalimutan ko yung lakad namin.

"Opo, nagkita na kami nung isang araw. "

"Ah, look at you! Ang laki-laki mo na! Lalo ka naging cute. "

"Salamat po. "

"Hindi ko kasama si France ngayon. Sya na lang kasi ang inutusan kong sumundo sa asawa ko sa airport. Hindi na ako nakasama dahil ang dami kong appointments today. "

"Ayos din yung si Clifford ah. Mukhang iniwanan ka ng madaming trabaho. Nag-out of the country kasi ng di oras." sabi ni Kuya.

"Haha oo nga eh. May pagka-siraulo din yun isang yun. Di bale sanay na naman ako sa ganito. Hahaha. By the way, asan ang magiging patient ko? Si Shane ba? "

So Young (Slow Update)Where stories live. Discover now