Chapter 10: The Who?

92 7 4
                                    

A/N: Sorry po at natagalan ang update. Sana po ay patuloy niyo paring suportahan ang "So Young". Happy 1000+ reads! :)

"Ui Sorry na!" pilit na hinabol ni France si Shane na galit pa rin sa ginawa niya. "Tss. Parang nung isang araw lang ako yung nagtatampo, ngayon siya naman? Tampo kagad? Mga babae nga naman." bulong nya sa sarili.

"Just a sorry?! You kissed me without my permission!" galit na sigaw ni Shane at patuloy silang naghabulan sa hallway ng ospital.

"Oh sige magpapaalam na ako sa susunod." mahinahong sagot ni France matapos niyang hawakan ang kamay ni Shane para huminto ito sa paglalakad.

"That's not what I mean!" bigla namang tinanggal ni Shane ang kamay sa pagkakahawak ni France.

"Haha ang cute mo magalit."

"Tss."

"Wag ka na mainis. Oh heto, ganti na!" sabi ni France sabay lahad ng pisngi na nagpapahiwatig na gantihan niya ng kiss.

"In your dreams!" naglakad na muli palayo si Shane

"Ui! sorry na nga- a-aw!" bigla na lang napatigil si France sa paglalakad at napahawak sa dibdib na parang may iniindang sakit dito.

"Nako France! Benta na sakin yan!" sabi ni Shane na ni hindi man lang nilingon si France at nagpatuloy siya sa paglalakad.

"Nurse! yung bata! Parang hindi makahinga!" sigaw ng isang babaeng napadaan na dali-daling tumakbo patungo sa direksyon kung nasaan si France. Biglang kinabahan si Shane kaya naman tumakbo rin ito pabalik kay France.

"France! Anong nangyayari sayo?! Ui!"

"Ah! Hi-hindi-"

"Anong hindi?! France! Magsali-" biglang yumakap kay Shane si France kaya't natigilan siya.

"Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo tinatanggap yung apologize ko."

"Teka ano nang nangyayari?!" tanong ng babae na tumulong kay France.

"Ah ate okay na ako. Nandito na kasi ang dahilan ng paghinga ko." banat ni France na hindi pa rin bumibitaw sa pagkakayakap.

"Oh come on! That's so corny! Let go of me!" pagpupumiglas ni Shane.

"How about a no?!"

"Hay nako kayo talagang mga kabataan! Mauubos ang nerbyos ko sa inyo! Hala, mauna na nga ako."

"Wahaha. Pasensya na na po sa abala. Ingat po kayo. " bilin ni France sa babaeng naglalakad palayo.

"Bitawan mo na nga ako! Isa!" sigaw ni Shane.

"Ilang beses ko bang sasabihin na wag mo akong bilangan? marunong din ako nyan kahit up to one-million pa!" pang-iinis ni France.

"I don't care."

"Tsk, bakit ang hirap mong suyuin? Ano ba? Baka gusto mo pang ibili kita ng Mcdo Fries katulad ng commercial?"

"Mcdo Fries? Duh? I'm not your girlfriend! Those kids in commercial were couple!"

"We will be a couple someday!"

"Asa! Bitaw na!"

"The two magic word?!"

"No!"

"A Study in Scarlet, The Sign of Four, Adventures of Sherlock Holmes, Memoirs of Sherlock Holmes, and The Return of Sherlock Holmes all of that were in "Sherlock Holmes The Complete Novels and Stories Volume 1" by Sir Athur Conan Doyle and I found it in a Strawberry Shortcake backpack."

So Young (Slow Update)Where stories live. Discover now