Chapter 2

220 5 0
                                    

A/N: So bago nyo basahin tong chapter, balik muna kayo sa previous chapter "Announcement". Inedit ko po yun.

Pag nabasa nyo na, hmm. Wala! Basahin nyo na to kagad! XD

Dedicated to sayo kasi lagi mo akong kinukulit sa pag-UD ^_^ Ang cute lang ng tawag mo sakin "Authoress" :)

-Shane's POV-

"Mira, sa tingin mo may reason kung bakit ka napunta sakin? " para naman akong timang habang kinakausap ang mga bagay bagay dito sa room ko. No wonder that one day sumagot na sa akin to.

Wala naman kasing nakakaintindi sakin kundi ang bestfriend ko. Since nawalan kami ng communication noon ay laging ganito na lang ang ginagawa ko.

"At kung meron nga, ano naman yun? " If I will describe my room, this is not the usual room that a normal kid have. Imbis na dolls and stuffed toys ang inaatupag ko ay mahilig lang akong manood ng mga anime, at movies o di kaya ay lumabas at maggala ng hindi alam ng Mommy ko.

"Kung sinabi ko kaya kay Kuya na buntis si Ate Lui noon bago yung Business Party, siguro kalaro ko na ngayon si Baby Merida no? "

Kundi dahil sa pagkamiss ko sa no. 1 crush ko at sa pagkapilya ko noon ay hindi ko pa malalaman yun.

I missed him

Kuya Clifford! I want to see you!

Kasi tong Kuya Rio na to eh ayaw ako payagan pumunta sa Ospital.

I can smell an evil plan.

"Ah France! "

"Yes? "

"Tulungan mo naman akong hanapin yung isang pair ng hikaw ko."

"San ba nalaglag? "

"Lika ituturo ko sayo. "

Dinala ko sya dun sa may plant box at pinahanap yung earrings. Actually hindi naman talaga sya nawawala. Itinago ko lang.

I'm sorry France. Parang kagat lang to ng langgam.

"Sigurado ka bang nandito yun? "

"Oo dyan ako galing kanina eh. "

1, 2, 3 ..

"Aww.. " he said and then he start to lose his balance.

"France? anong nangyayari sayo? France! Manong! Help! "

@the Hospital

MISSION SUCCESS!

And now andito na ako sa Hospital kaharap si Kuya Clifford.

"Shane ikaw yung huling kasama nya kanina di ba? Ano bang nangyari? "

Kuya Clifford Why so Pogi?

"Shane? Shane? " Nakabalik lang ako sa senses ko nung winave nya yung kamay nya sa tapat ng mukha ko.

"Ah eh. Opo nagpapatulong lang po ako maghanap ng hikaw ko tapos bigla syang hinimatay. "

"Sobrang Pagod yan. Alam mo naman ang mga bata Clifford. Malilikot. " sabi nung isang Doctor na dumating.

"Oh Liam. Andyan ka na pala. "

"Yes may nurse kasi na nagsabi hinahanap mo daw ako. " sabi nung Doctor. Infairness ang pogi din nya.Bakit ang popogi ng Doctor dito.

"That kid! He fainted daw kanina Friend sya nitong cute girl na to. "

So Young (Slow Update)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt