(Edited) Ten

4.5K 112 6
                                    

Shai's Point of View

"We don't want to be on the rank." Saad niya Shine. "Why?"

"Kasi, para sa mga famous at malalakas lang yun." Nakangiting nilingon nya ako. "Bakit, malalakas naman kayo ah?" Muling tanong ko na ikinatawa na naman niya. "Basta Shai. We don't fight for ranking, we fight if necessary." Okay okay. Tumango na lamang ako.

"By the way, what's your gang name?" Interested ako. Kasi, you know baka cool di ba? Ang cool kaya ng group nila. They don't fight just for fame nor to gain protection. Kasi nga di ba, pag nasa rank ka, hindi ka masyadong kakalabanin, right? Well, nababasa ko lang ang mga yan.

"We don't have a name."

"Oh? Bakit ulit?"

"Was it ne---

"WILL YOU SHUT THE FUCK UP!? BOTH OF YOU!?" Parehas kaming natahimik ni Shine sa biglang pag sigaw ni Shin.

Lagot na. Sumabog na ata to sa galit. Ikaw naman kasi Shai e, daldal mo. Tanong nang tanong. Ayan tuloy.

Umayos na lamang ako ng upo saka ko tiningnan ang paligid. Gosh! Bakit ngayon ko lang napansin 'tong dinadaanan namin?

Nasa high way kami. At may maraming nagtataasang building. Hindi ko alam kong saan kami papunta. Yung training ko!? Lagot ako nito kay kuya!

I was about to ask Shine kung saan kami papunta ng may napansin ako. Hindi ko tiningnan ang bandang 'yun.

Baka pag tumingin ako dun, malaman nyang napansin ko sya. Anong gagawin ko?? Hmm, think Shai! Think! Ano nga ba? Di rin pwedeng ako ang gagawa ng naisip ko, baka maunahan pa ako.

Alam kong sa akin naka-focus ang sniper na yan, kaya hindi nya mapapansin kung may gawin man ang mga kasama ko.

Pinakiramdaman ko muna siya. Anytime, may tatama sa aking maliit na red dot. At di nga ako nagkamali. Nakatutok ito sa sentido ko. Kahit di ko makita, ramdam kong uminit bigla ang bandang ito. I know, maliit lang 'to pero kahit papaano, kaya kong maramdaman yun kahit sobrang liit pa.

Sakto namang nag red light, nahinto kami. Ramdam kong kakalabitin na nya ang gatilyo ng armas nya.

"2'oclock, 100 meters away. Tan Condominium, roof top." Pagkasabi ko nun, biglang gumalaw si Shin, may kinuha sa ilalim ng upuan, nilagyan ng silencer, binaba ang bintana. Sabay sabay kaming napatingin sa gawing dun at nakita namin ang isang man-in-black na nalaglag mula sa itaas.

That was close.

"Woah! What the! Paanong...

"Napansin mo yun Shai?"

"Paano?"

Halos magkasabay na sabi nung tatlo, well except for Hiro na tulog and Shin na galit pa rin yata sa akin.

"Kasi, ako ang target nya at hindi ko alam kung bakit. Basta naramdaman ko lang na may maliit na dot ang nakatutok sa akin."

"Sabihin mo nga sa amin. Sino ka ba talaga? Bakit ka nila tinittira?"

Medyo, hindi ko alam kung ano 'tong emosyon na pinapakita ni Shin. Pinagdudahan ba ako nito? "Oo nga Shine. Itatanong ko sana sa'yo yan, kaso, baka ma-offend ka." Sabi ni Shine.

"Wag mong sabihing isa kang." Pambibitin ni Shinji.

"Assassin?" si Shiki.

"Mafia?" si Shinji.

"Gangster?" si Shine.

Medyo naguguluhan pa ako sa mga pinagsasabi nila. Parang sa mga movies and books ko lang nakikita't naririnig ang mga yan. Tapos ngayon, sinasabi nila sa akin na isa ako sa tatlong 'yan? Aba! Maganda sana yun kung totoo! Kaso hindi e. I'm just an ordinary teenager.

SHINEYA I: Her Identity (BOOK 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon