(Edited) Thirty

3K 72 0
                                    

Third Person's Point of View

Palakad lakad si Mayumi, ang tita ni Shai sa harapan ni Kaname na kulang nalang ay lalabas ang napakaraming usok sa ilong. Nababahala ito sa kung ano mang mangyari. Kasalukuyan kasi silang nasa loob ng control room at kitang kita nila ang lahat ng pangyayari kani kanina lang. Kaya ito sya, hindi magkanda-ugaga at panay ang sulyap sa monitor habang palakad lakad ito.

Hindi na napigilan ni Kaname dahil kanina pa sya hilong hilo sa ginagawa ng tita nya. "Tita! Fvck! Umupo ka nga! Ako ang nahihilo sa'yo eh!" Ramdam mo ang iritasyon sa boses ng binata kasabay doon ang pag hablot ng kaliwang kamay ng tita nya at pina upo ito sa gilid.

"Shit! Zero! Ano ba kasing pumasok sa kokote ng babaeng yun ha?!" Todo pigil ang ginawa ni Mayumi para kumalma ng konti. Pero nawala din ang ginawang pag effort para kumalma nang sumagot ito sa kanya.

"H-hindi ko po alam. Walang nakaka-alam kung paano tumakbo ang utak nung pamangkin nyung yun." Hindi maiwasang magkanda utal utal sya sa pag sagot ng tanong ni Mayumi. Subalit totoo naman ang sinabi nya.

"Ayusin mo ang sagot mo baka mapatay kita ng wala sa oras! Nyeta!" Napahilamos ng mukha si Kaname sa inasal ng tita nya. At bakas naman sa mukha ni Zero ang takot.

Tumayo si Mayumi at mabilis na kumaripas ng takbo palabas ng silid na yun. Sinundan naman ito ng dalawa.

Nadatnan nilang nasa underground parking lot ito at may hinihintay na darating. Limang segundo lang magkasunod na lumitaw ang anim na sasakyan.

Mabilis itong nilapitan ni Mayumi ang sasakyang kulay purple at kinatok ito ng ilang beses. Bumaba ang babaeng may kulay purple na buhok at nginitian lang nito ang nasa harap nya.

"Hi tita! Surprise?" Lalong kumukulo ang dugo ni Mayumi nang makita ang mukha nito. Ang mapang asar na mukha ng babaeng kaharap nya. Ang babaeng pamangkin nya.

"What have you done Shineya?!" Nakapamewang nitong tanong sa babaeng kaharap nya. "You almost killed them!" Halo halong frustration at takot na makikita mo sa itsura ni Mayumi.

"ALMOST tita. ALMOST. And correction, I'm not the one who shoot them. Hahaha tita naman. Isn't it fun?" Tinapik pa nito ang balikat ni Mayumi at pumasok ulit sa loob ng sasakyan para buhatin si Shai.

"BOYS! DALHIN SILA SA LAB!" Utos nito sa mga tauhan nila at muling naglakad papunta sa elevator habang buhat buhat ang walang malay paring Shai. Pumasok din ang mga tauhan sa isang malapad na hallway sa gilid ng elevator dala nito ang mga katawan nina Shine.

Nagbuntong hininga lamang si Mayumi habang umiling iling naman sina Kaname at Zero sa inasal ni Shineya.

Pumasok na din ito sa loob ng elevator at hindi talaga nila mapigilang tingnan ang babaeng kulay purple ang buhok.

"Alam kong maganda ako kaya tigilan nyo na ako sa mga mapanuring tingin nyo." Walang gana nitong saad sa tatlo. Umiwas na lamang sila ng tingin.

"Seriously Shineya, anong pumasok sa utak mo't ginawa mo yun ha?" Kunot noong tanong ni Mayumi sa dalaga.

"Para may thrill. Hahaha." At tumawa ulit ito ng malademonyong tawa na umalingawngaw sa loob ng elevator. Sabay sabay namang napalunok ang mga kasama nito at tinakpan pa ni Zero ang dalawang tenga nya gamit ang magkabilang kamay nito.

"Aish! JZ! Tigilan mo nga yang nakakakilabot na tawa mo. Kung di ko lang alam na recorded lang yan, iisipin ko talagang nababaliw kana."

Ngunit tiningnan lang sya ng masama ng dalaga habang tumatawa pa rin ang isang maliit na speaker sa bandang dibdib nya kahit hindi na bumubuka ang bibig nito. Sa sobrang liit nito di mo mapapansing ito lang pala ang tumatawa.

Umirap lang ang dalaga sabay nag hand gesture at huminto ang tawa. "Ang o-oa nyo talaga. Tss!" At nauna na itong lumabas pagkabukas ng elevator.

Ngunit sa kabilang banda ng manila. Busyng busy sa paghahanda ang Black Society Gang para sa nalalapit na labanan ng unknown gang.

"King, ready na ang lahat." Balita ni Ji sa leader nila. Nakatayo lang si King sa balcony ng bahay at nakaharap sa mga nagtataasang punong kahoy sa unahan. "Good."

Sa labas ng bahay slash hide out ng gang ay makikita ang isang taong palihim na nakikipag-usap sa cellphone.

"Boss, isesend ko lang sa inyo ang location kung saan magaganap ang labanan ng gang namin at gang na kinabibilangan ng hinahanap natin." Pabulong nyang sabi habang tumingin tingin pa sa paligid.

"Good. Ikaw na ang bahala dakpin sya at magpapadala din ako ng tauhan para kung sakali may aberya. Sige ibabalita ko muna to sa nakakataas."

Tumango lang ito at binaba ang cellphone. Ngunit ang hindi nya alam ay may isang tao rin palang nanunuod sa kanya malapit lang ito sa kanitatayuan nya. Nakatalikod ito sa kanya habang nakasandal sa isang poste. Naririnig nito ang lahat ng sinabi ng lalaki.

Papalayo na ang lalaki sa pwesto nya kaya mabilis itong lumabas sa pinagtaguan at binaril ang lalaki. May silencer ang baril kaya walang tunog ito.

Hinawakan nito ang kaliwang tenga at nagsalita. "Done."

Sabi nito sa sarili habang nasa tenga pa rin ang kaliwang kamay.

"Good. Now, you know what to do." Ito lang ang nakuhang sagot nya mula sa hearing device na suot suot nya at tumango ito.

Lumapit ito sa lalaking binaril nya, buti nalang at wala pang kumalat na dugo sa lupa. Binuhat nya ito papunta sa isang bangin na nasa likod lang bahay malapit sa gubat saka hinulog.

Tiningnan nito ang sarili at nang makitang may dugo sa white v-neck na suot ay walang pasubiling hinubad ito at tinapon ang damit sa bangin.

Tumalikod ito habang kinuha ang extra shirt na nasa likod ng pantalon at sinuot ito saka muling naglakad.

Ngunit bago pa ito maisuot ng tuluyan, kapansin pansin dito ang isang maliit na tattoo na nasa kaliwang banda ng likod nya mga limang pulgada malapit sa kilikili nito.

A symbol of a black beak.

Edited

SHINEYA I: Her Identity (BOOK 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon