(Edited) Forty Nine

1.8K 42 0
                                    

Pa ikot ikot lang sina Shin at Craigh habang nanatili pa ring nakikipagtitigan sa isa't isa. Ayaw nilang mawalan ng kontak nito kaya lagi din itong alerto sa bawat galaw nila. Sa pamamagitan ng pagtitig sa mata ng kalaban ay makikita dito kung ano ang kasunod nyang galaw. Nakaapak si Craigh ng mga maliliit na bato kaya kaagad nya rin itong sinipa papunta sa direksyon ni Shin.

Panandaliang nagulat si Shin pero hindi nya hinayaang tamaan sya ng mga ito. Mabilis nya itong inilagan at ang iba pa ay pinagsasangga. Ngunit, kinuha naman ni Craigh ang pagkakataong yun para bigyan ng flying kick si Shin. Hindi iyon napaghandaan ni Shin kaya natamaan sya sa dibdib dahilan para matumba sya.

Nakatapak pa din ang kaliwang paa ni Craigh sa dibdib nito at diniinan pa na naging dahilan para mapapikit si Shin. Nakakapit lang si Shin sa binti ni Craigh para mapigilan ang pwersa nito. Ngunit sadyang malakas lang si Craigh kaya napa-ungol si Shin. Hindi din nagpapatalo ang binata at itinaas nya ang kaliwang paa para sipain si Craigh sa likod nito na agad ring nasangga ng kaliwang kamay.

Ganun din sa kabilang paa ni Shin nang magtangka ulit ito. Sinubukan ni Shin na suntukin ang paang nakapatong sa dibdib nya. Pinunterya nya ang buto nito at nagtagumpay naman sya. Lumuwag ang pagtapak ni Craigh dito kaya mas nilakasan pa nya ang pagsuntok hanggang sa salubungin na rin sya ng suntok nito sa mukha. Pero agad iniwas ni Shin ang mukha nya kaya yung lupa ang nasuntok ni Craigh. Gumulong si Shin sa kabila at mabilis na tumayo at sinalubong nya si Craigh ng isang malakas na suntok sa sikmura at sinundan ng pagtuhod na agad ding nasangga ni Craigh.

Binigyan ulit ni Shin ng isang upper cut si Craigh kaya bahagya pa itong napaatras. Habang tumatagal, pabilis nang pabilis ang galaw ni Shin at pulidong pulido din ito. Nagawa na nyang pantayan ang pwersa ni Craigh yun nga lang, unti unti syang kinakapus ng hininga. Subalit hindi nya hinahayaang may tatama pa ulit na suntok o sipa sa kanya.

Tumakbo si Shine papunta sa likod ni Edward habang busy ito sa pakikipag palitan ng suntok kay Shinji. Mabilis nyang pinulupot ang kanang braso sa leeg ni Edward habang pinagsusuntok din ni Shinji ang harapan nito. Pero hindi nya inaasahan ang sinabi Ng binata.

"Woah. Big boobs baby."

"Loko ka ah." Mas diniinan pa nya ang pagsakal nito dahilan para mapapikit na ito at pilit inaabot ng isang kamay ang buhok nya habang ang kabilang kamay din ay pinagsasangga ang mga suntok ni Shinji ganun din ang mga paa nyang sumasangga sa mga sipa nito.

Binilisan pa ni Shinji ang mga galaw nya kaya minsan ay tinatamaan nya ito. Tinuhod ni Shine ang likod ni Edward kaya hindi nito nasalo ang kamao ni Shinji na tumama sa mukha nya. Binitawan na din sya ni Shine at mabilis namang kumilos si Edward para sipaan sya nito sa likod. Hinihingal sya kaya natamaan sya nito sa puson. Napayuko pa sya sa sakit at bahagya pang napaubo.

Ngayon, si Hiro naman ang na out of balance at muntikan ng nahulog kundi lang nahawakan sya nito sa kamay ni Shiki at buong pwersang inangat. Kinuha din ito ng pagkakataon ni David upang bigyan ng fyling kick si Hiro pero mabilis na sinalo ito ni Shiki. Hinagis nya sa kabilang bahagi ang paang nasalo.

Nagulat si David sa ginawa ni Shiki at muntik pa syang tumama sa malaking sanga kung hindi lang mabilis nyang hinarang ang dalawang kamay at dito na rin kumuha ng pwersa para i-angat ang sarili sa ibabaw ng sanga. Nakaabang din si Hiro doon at mabilis na sinipa ang likod dahilan para muli itong mahulog. Tumalon si Hiro at hinawakan si David sa damit nito at sinuntok sa mukha.

Tumalon na din si Shiki pababa at nadatnan si David na nakahiga sa lupa habang nakasakay si Hiro sa tyan nito at nagpapaulan ng suntok. Pilit na pinagsasangga ni David ang mga suntok ni Hiro at minsan at natatamaan sya. Hindi napansin ni Hiro na nabutasan sya kaya naman agad syang natamaan sa panga dahilan para tumilapon sya sa gilid.

SHINEYA I: Her Identity (BOOK 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon