(Edited) Forty Five

2.2K 54 0
                                    

"Anyway, thanks for saving us again. And like I said before, we are ready to do anything as a sign of gratitude." Ngumiti ng matamis si Miyu sa kausap tanda ng pagiging seryoso nya.

"Sure, just be ready. Always." Ngumiti din si Shineya kahit hindi ito nakikita at agad nagpaalam sa tatlo.

Nang isarado na nya ang pinto ay narinig nilang sabay na tumili na may kasama pang talon ang dalawa na agad ding sinuway ni Miyu.

"Ikaw?!" Sigaw ni Shinji habang nakaturo ang kutsara kay Shineya at sa kaliwa naman ang tinidor.

"Ikaw Shineya?!" Sunod ding sigaw ni Shine habang umaayos ng upo.

"Ang Legendary Racer na sinasabi ng #1 racer na yun na tumalo sa kanya 5 yrs ago?!" Sabi din ni Shiki na nasa driver's seat na nakatingin sa kanya mula sa mirror.

"Tss." Tanging sambit nya.

**

Hanggang pagbalik sa Pinas ng Uncrowned Royals kasama si Shineya ay lagi pa rin itong kinukulit nina Shine at Shinji. Dahil hindi pa rin ito nagsasalita tungkol sa huling sinabi ni Miyu na leader ng White Rose gang.

"Ano ba kasi yung sinabi nyang tinulungan mo raw sila noon?" Muling pangungulit ni Shinji na kumakain ng cookies na binake ni Shine mula sa mini cuisine ng kwarto ni Shineya.

"Ugh Ji! Inuubos mo na lahat oh, kukuha ka pa? Tsk! Hoy Weirdong Shineya! Wala ka ba talagang planong sagutin kami ha?"

Sabi din ni Shine na busy sa pag lalagay ng mga lulutuing cookies sa oven. Ngunit hindi kumibo si Shineya at tutok na tutok ito sa laptop nya. Naka nerdy outfit ito, bagay na bagay sa kanya ang kulay baby pink na loose shirt na may di gaanong kalakihang neck line na sakto lang din para revealing ang left shoulder nya. May malaking converse shoes na drawing sa harap. Maong na saya na hanggang talampakan at ang wedge heels nitong babagay sa shabby chick style nya.

Yung saya nya kasi ay sa waist nya nilagay na sinamahan pa ng chain belt na mukhang fashion belt na ngayon at yung loose shirt naman ay nakatack-in ng saya nya. Maluwag na fish tail braid style ang mahabang buhok sa kanang balikat. Naka thick glasses din ito.

Silang tatlo lang ang nasa loob dahil may pinapagawa si Shineya sa iba. At nagsisi tuloy sya kung bakit hindi nya sinama sa tatlo 'tong dalawa.

"You two. Leave this room now! Or else." May authority sa tono ng pananalita nya pero hindi lang ito pinansin ng dalawa. Tila wala itong naririnig na nakakatakot na boses at pinagpatuloy lang ang ginagawa.

Bumuntong hininga nalang ang dalaga at mabilis na pinulot ang ballpen na nasa gilid nya lang at hinagis sa control ng oven kaya huminto ito. Sinundan pa nya ng maliit na bola na nakita nya sa likuran at hinagis sa kanang banda nya. Tumama sa handle ng ref at nag bounce ito papunta sa tapat din ng ref kung nasaan ang gilid ng oven na may wire na naka plug in sa sucket dahilan para magplug out ito.

Tulalang sinundan ng tingin ng dalawa ang bola at saka lang nag react ng makitang masama ng nakatingin ang dalaga sa kanila. Dali dali silang kumaripas ng takbo palabas ng kwarto dala dala ang natitirang cookies na nakasilid sa medium size na bowl.

Nagbuntong hininga si Shineya at tinuon ang pansin sa laptop. May nihack syang system at naging successful naman ito dahil nakapasok sya. Kitang kita nya ang mga ginagawa ng White Rose gang. Pumunta sya agad sa control room at may kung ano anong tinipa at sumunod doon ang pagkagulantang ng tatlong babae sa loob.

Parang nag shut down bigla ang lahat ng computer nila. Pero ang totoo nyan ay unti unting lumilitaw ang isang simbolo. Hindi ito katulad ng Uncrowned Royals o ng LVP org nila. Kundi, isang racing flag na may motor sa gitna. Yun yung motor na pinakapaborito nya sa lahat, kawasaki ninja H2R na kulay purple. At yun din ang motor na ginamit nya noon.

SHINEYA I: Her Identity (BOOK 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon