(Edited) Fifty Eight

1.8K 41 3
                                    

"What the hell happened to her?!"

"Shine!" Magkasunod na sigaw ni Shin pagkarating nya sa underground kung saan ang nagsisilbing hide out nito sa labas ng mansion. Bukod sa mumurahing bahay na matatagpuan sa isang skwater area na pansamantalang tinitirhan nya ngayong nakadisguise sya at ang bahay na matatagpuan sa isang ikslusibong subdivision kung saan namamalagi sina Mayumi at Kaname kung may mission silang gagawin, gumawa din si Shineya ng kanyang sariling hide out.

Dito nya dinadala at ginagawa ang mga importanting bagay na kakailanganin nya. Kompleto ito sa gamit at halos kulay puti ang buong pintura ng bahay. Hindi ito makikita sa labas dahil invisible ito, at tanging sya lang at ang Uncrowned Royals ang nakakaalam kung paano pasukin ito. Matatagpuan ito sa pinaka gitnang kagubatan ng Mindanao kung saan walang sinuman ang umuukupa o naninirahan kahit pa ang mga rebelde ay hindi pa nakakapunta o kailanman naligaw sa kagubatang ito.

Limang minuto lang naman ang byahe mula luzon patungo dito. Portal lang ang papasukan nila para makarating kaagad sa hideout. Ang portal na mismong si Shineya ang gumawa.

"Oh my God! Loves, don't die yet! Papakasal pa tayo-aray!" Natigil si Shinji at sinamaan ng tingin si Shiki na syang nambatok sa kanya. Walang pasabing hinawi ng binata ang nagdradramang Shinji sa hinihigaan ni Shine.

Magkasabay nilang tiningnan at ininspeksyon ni Shin ang mga sugat ni Shine at nag angat ng tingin kay Shineya na syang naka lab gown at naglalakad papalapit sa kanila.

"What happened?" Kalmanting tanong ni Hiro. Nagbuntong hininga si Shiki dahil alam na nya ang nangyayari. Na figure out na nya ng matingnan nito ang sugat ng dalaga.

"Don't worry, she's fine now unlike kanina." Ngumiti ng tipid si Shineya at kinuha ang syringe na nasa rack nito. Wala na itong karayom at may lamang pulang likido. Inabot nya ito kay Shiki na kaagad nya ring kinuha at saka lumapit sa harap ng microscope.

"Tinanggal ko na ang lason nya sa katawan. Hindi ko alam kung ano ang buong pangyayari dahil bigla lang syang nahulog sa ibabaw ng sasakyan ko habang pauwi ako."

Sabi nya rito habang tinatanggal ang suot nyang lab gown. Umupo ito sa isang tabi at kinuha ang puting pandesal na mukhang siopao pero hindi talaga ito siopao sa gilid nya. Inabot nya rin ang cylinder test tube na may kulay pink na chemical mula sa rack nito at walang anumang binuhos sa pandesal na hawak nya. Kinain nya ito at sumandal sa sandalan habang pinatong ang kanang hita sa kaliwang hita nya.

Ngumiwi sina Hiro at Shinji dahil sa nakita. Wala namang pakialam si Shin at iniiksamin pa rin ang kambal.

"It's obvious naman na nahuli sya. I told you already na wag kayong papahuli dahil alam ko ng kumikilos na sila at alam ko na ring sa oras na mahuli kayo, mamamatay na kayo. Hindi na ata sila nakatiis sa inyo at gusto na kayong patayin agad." Nag smirk pa ito at muling kumagat sa kinakain nya.

"Te-teka, pagkain ba talaga yang kinakain mo? Maayos ba yan?" Nalilitong tanong ni Shinji.

"Hindi ko 'to kakainin kung di pa to pagkain. Tsk." Umirap lang ang dalaga at muling sinubo ang panghuli. Nagbuntong hininga si Hiro at umupo sa katapat na sofa ni Shineya at pumikit.

"Masyado kasi kayong kampante. Tingnan nyo ang nangyayari sa kasama nyo. Tsk." Sabi nito matapos pagpagan ang mga kamay.

"Wala naman kasi kaming alam kung ano ang plano nila. Kaya paano namin mapaghandaan?" Ani Hiro.

"Tss. Sabi ko nga magmatyag kayo at wag papahuli. Ang bobo nyo." Tumayo na sya at naghahanap ng maiinom.

"Kahit naman kasi anong ingat ang gawin namin, may tracker kami. Kaya wala lang ding silbi ang pag-iingat namin." Ani Shinji na nakasunod lang ng tingin sa dalaga.

SHINEYA I: Her Identity (BOOK 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon