(Edited) Two

8.7K 174 0
                                    

Kaname's Point of View

Pagkatapos kong kunin si Shai sa bagong school nya, tuwang tuwa naman itong nagkukwento sa mga karanasan nya sa bagong paaralan. Kung paano daw sya pakikitunguhan ng mga mag-aaral. Lahat ng pangyayari boung araw naikwento na nya.

Kakaibang babae, akala mo kung anong bago. Wala naman.

"Walang training ngayon Shai. May lakad kasi kami ni Tita." Pagbibigay alam ko sa kanya nang makarating kami sa bahay.

Tuwing uwian kasi may ginagawa syang training at ngayon lang wala dahil may importanting pupuntahan kami ni Tita. Ano kaya yun?

"Ano?!" Pahisterya nyang sigaw. Animo'y isang kagulat-gulat ang narinig. "Saan kayo pupunta? Kasama ba ako dyan?" Sa pananalita palang nya halata ng nasisiyahan siya.

Umiling ako at nginitian siya ng nakakaloko. Mangiyakngiyak naman itong niyugyog ang magkabilang braso ko.

"Bakit?" Halos lumuhod na nyang sabi. Ang backpack nga nya'y nasa sahig na. Napailing ako. Ang isip bata. "Why oh why? Do I feel this way?" Nakakalokong kanta nya.

Hindi ko maiwasang mapangisi. "Tumigil ka nga. 'Pag ikaw nadatnan ni Tita na ganyan, mayayari ka na naman dun." Paalala ko sa kanya. Ayaw na ayaw kasi talaga ni Tita itong pagiging isip bata nya.

She pouted at inayos ang sarili. "Ang daya nyo talaga. Palagi nyo nalang akong iniiwan. Geh, ganyanan kayo e." Pasimpleng bulong nya na rinig na rinig ko naman.

"Tumigil ka na Shai ah, kaltukin ko yang bungo mo e." Banta ko.

Nagpeace sign naman sya at ngumiti ng malapad sabay hagikhik. "Sorry na Kuya."

Hinayaan ko nalang at dumiretso naman sya sa taas habang nagsisigaw paakyat ng hagdan.

"Detective Conan here I come!" Ang taas talaga ng energy nitong babaeng 'to.

Saktong namang dumating si Tita na kagagaling pa yata sa trabaho niya paglabas ko.

Hindi ko alam kong saan kami pupunta ni Tita. Basta ang alam ko, pupunta na kami dun sa target.

"Nga pala, kumusta na yung pinsan mo?"

Tanong ni Tita. Sya nag drive ngayon. Napahinga ako ng malalim. Buti naman at naisipan nyang humawak ng manibela . Namiss nya siguro. Lagi nalang kasing ako pinapa drive nya. May driver naman pero bawal pag kaming dalawa ang lalabas lalo na pag yung target ang pupuntahan namin.

"Ayun. As usual po. Sayang saya kasi tanggap agad sya ng mga bagong kaklase nya. Para namang may bago."

"Meron." Seryosong saad nya na ipinagtaka ko.

"Huh?"

"Merong pagbabago." Napalunok ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niya. Kapag ganito siya ka seryoso, hindi malabong tungkol na naman ito sa mga predictions nya.

"Ano naman po yun Tita?"

"Malalaman mo rin pagdating natin doon sa pupuntahan natin." Aish! Bakit di nalang sabihin.

Di nalang ako umimik sa sinabi ni Tita. Ano kayang pagbabago yun?

Ilang minuto pa, huminto na yung sasakyan. Nandito na siguro kami.

Tiningnan ko yung unahan, tapos yung paligid.

"T-teka T---

Hindi nya ako pinatapos sabay sabing...

"Nandito sa Tui Academy,  sa school ni Shai ang target natin." Seryosong pahayag niya na nakatingin lang sa labas.

"Y-you mean, schoolmate or classmate lang niya yung target?" Hindi ko akalaing dito rin pala kami babagsak. Ilang taon din ang ginugol naman.

Paano yan? Sa skwelahang ito matatagpuan ni Shai ang panibago nyang kaaway?

Mukhang nabasa naman ni Tita ang tanong ko sa aking isipan. "Not an enemy. But a protector."

A protector? Bakit? Ito na ba ang panahon?

Nahulog ako sa malalim na pag-iisip tungkol sa mga mangyayari sa kasalukuyan at hindi ko na namalayan na nagsalita ulit si Tita matapos ang mahabang katahimikan.

"Tara na, nakita ko na sila."

Huh? Saan?

"Saan po Tita at sino sila?"

Hindi sumagot si tita bagkus ngumiti lamang ito ng makahulugan.

Anong plano mo Tita?

Edited

SHINEYA I: Her Identity (BOOK 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon