(Edited) Forty Four

2.7K 48 0
                                    

Sabay silang napalingon sa babaeng trying hard magtagalog dahil masyado itong slang. "Well, anyway. Nice meeting you Uncrowned Royals."

May mga babae talagang sobrang galang pa rin kahit iba ang sitwasyon. Para lang kasing may dini-deal na business ang kaharap nila dahil sobrang pormal pa nito at naglahad pa ng kamay.

Ilang segundo pa bago nila tinanggap ang nakalahad na kamay. Muling inikot ni Shine ang mga mata at pinasadahan ng tingin ang buong paligid lalo na ang mga white rose gang. Nakangiti ang lahat sa kanila. Pati na rin ang limang babae sa harapan nila. Malayong malayo sa itsura ng mga nakasanayang gangsters.

"So, before anything else, we want you to beat us." Diretsahang tugon nito habang naglalakad na ito papunta sa mga nakahilirang sasakyan. Sumunod na rin sila.

Wala silang ideya kung anong klaseng laro ang gusto nila sa kadahilanang hindi nila masyadong pinagtuonan ng pansin ang mga 'to noon. Wala ding ibang sinabi si Shineya kung hindi iyon lamang ay ang talunin nila ang mga 'to sa racing para matalo din nila ito sa bakbakan. Kumbaga may kailangan pa silang pagdaanan at ito na nga iyon para sa totoong labanan.

"Ganito rin siguro nila tinatalo ang ibang gang no?" Paunang tanong ni Shine sa kambal nang makapili na ito ng motor. Nagkibit balikat lamang ang kausap kaya sumimangot na lamang si Shine.

"Pinagsisihan ko talaga na naging kambal pa kita."

"Don't worry. The feeling is mutual."

"Ang sungit sungit mo!"

"Masyado kang mabait."

"Para kang palaging may dalaw. Daig pa babae sa'yo!"

"Ang daldal mo."

Malakas na bumuga ng hangin si Shine sa inis. Kinakausap na nga ng matino si Shin ngunit para naman itong bingi o pipi at kung magsalita naman parang may bayad, ang tipid. Hindi naman siguro ganito lahat ng mga lalaki, hindi ba? Tulad nalang nito.

"Kawawa ka naman Shine, ako nalang kasi kausapin mo. Di kita susungitan, pramis." Nakakalokong tugon ni Shinji kay Shine na nakangiti pa sa likod nya. Ngunit nag dirty finger lang ito sa kanya na agad ding sinuway ni Shin. Kahit papaano, may pakialam naman ito sa kambal nya.

"Shine. Your a lady." Seryosong banta pa nito sa kambal na may halong galit dahil sa inakto nito. Lihim na napangiti ang iba pa dahil sa pagiging conservative ni Shin.

"Sorry, kuya." Ngayon, si Shin naman ang naasar at ngingiti ngiti na rin ngayon si Shine. Nakabawi din.

"So guys, listen." Sabay silang tumingin sa harap. Ang leader ng white rose. Ipinaliwanag nito ang mga rules tungkol sa racing at kung saan ito gaganapin.

Nasa harap nila ang malawak na gubat. Di lamang ito kalayuan sa kinaroroonan nila. Malamig ang simoy ng hangin dahil lumalim na ang gabi.

"Dyan tayo papasok." Maarteng pagkabigkas nito ang mga katagang binibitawan dahil may halong accent.

Tinuro nya ang gubat. Walang may alam sa lima kung anong meron sa loob. Hindi na rin ipinaliwanag ng leader ang itsura ng dadaanan.

"Don't worry, there will be signage in case you don't want to get lost. Before five minutes, we're all here. We'll be taking 10 laps."

At ngumiti ito sa kanila. Nanlaki ang mga mata ni Shinji. 10 laps in just 5 minutes? Kakayanin kaya nila?

"Okay, the game starts ....... NOW!"

Mabilis na binaba ng isang babae ang flag kasabay ang pagsigaw ng referee o announcer sa gilid. Isa isa naman nilang pinaharurot ang motor at tanging naiwan lamang ay alikabok.

SHINEYA I: Her Identity (BOOK 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon