(Edited) Fifty Seven

1.7K 39 4
                                    

Naglalakad si Shine sa sky walk. Kagagaling nya lang sa mall. Mag isa lang sya at hindi dala ang sariling sasakyan. Dito sya dumaan para makatawid sa kabilang lane.

Isang ninja ang tumalon sa harapan nya mula sa taas. Napaatras sya sa gulat at kaagad tiningnan ang sout nito. Nagbabakasakaling makilala nya ang kasoutan, pero bigo sya. Ngunit, isa lang ang napapansin nya. Ang isang katanang nakasabit sa likod nito. May nakasabit na tela dito na may drawing ng isang skull at sa baba nito ay ang pinag ekis na katana at baril.

Napansin nyang pasimpleng kinuha ng ninja ang dalawang shuriken sa likod at mabilis na pinagbabato sa dalaga. Mabilis namang kumilos si Shine at ginawang pang harang ang dalawang bitbit nyang paper bag. Pagkaraay nag tumbling ito patalikod. Kumapit sa isang pole at inikot ang katawan para tadyakan ang kalaban. Mabilis lang ang buong pangyayari at masasabi mong malaki na talaga ang inimprove ng dalaga.

Binunot ng ninja ang katana sa likod at sinugod si Shine. Tumalon ng pagkataas taas sa ere ang dalaga para iwasan ang katana nito at nag landing ito sa likod ng ninja. Mabilis ding kumilos ang ninja at kahit di nakaharap ay nilipat nya ang katana sa kabilang kamay at patalikod at pabaliktad itong pasaksak sa dalaga.

Mabilis itong iniwasan ng dalaga at pinatid. Ngunit biglang humarap ang ninja di pa man tumama ang paa nya sa katana. Muntik pa syang masaksak kung di lang nya naangat kaagad ang katawan at pumatong sa rails ng sky walk. Kamuntik din itong ma-out of balance. Tumakbo sya at kasabay nun ang pagtakbo din ng ninja sa kanya. Swerte pa rin nya at naka sneakers lang sya ngayon.

Nagulat sya ng biglang nawala ang ninja sa gilid nya at napunta na ito sa harapan nya. Makakasalubong nya ito. Nakaramdam sya ng takot dahil na rin sa pwesto nya. Maraming sasakyan sa baba kaya pinili nyang sa sahig ng sky walk sya tumalon. Sa di inaasahang pangyayari ay tumalon din ang ninja papunta sa kanya at nakahanda na ang katana nito para saksakin sya. Nakailag sya pero nadaplisan din nito ang braso nya. Nakaramdam sya ng matinding galit kaya mabilis nyang sinugod ang ninja.

Hindi alintana ang dalawang kunai na lumilipad papunta sa gawi nya. Sinalo nya ito sa dalawang daliri lamang at mabilis binalik sa kalaban. Naharang din ito ng kalaban gamit ang katana at pinabalik na naman sa kanya ang direksyon ng dalawang kunai. Lalong nagalit si Shine dahil para lang silang naglalaro. Inilagan nya nalang ito at mabilis na tumalon sa kaliwa para iwasan ang katana na tatama sa kanya. Mabilis nyang hinawakan ang kamay na may hawak sa katana ng kalaban at tinutok ito sa leeg.

Napasinghap sya sa nakita dahil isang assassin at isang mafia ang nasa magkabilang gilid nya. Malayo ito sa lugar nila pero alam nyang sya ang target nito. Gumalaw ang kamay ng ninja at may kinuha sa gilid na isang shuriken ngunit naunahan ito ni Shine at mabilis itong kinuha at hinagis sa balang papalapit sa kanya. Limang bala pero lahat ng iyon ay nahati ng isang shuriken lamang hanggang sa baril, tumama ito sa hole ng baril sanhi ng pagtigil sa paglabas ang bala.

Inagaw nito ang katanang hawak ng ninja dahil nagbalak pa sana itong lumaban. Pinugotan nya ito ng ulo dahil sa inis at mabilis sinangga ang isa pang katana na tatama sa kanya.

Maliliksi ang mga kilos ng tatlo na halos hindi masundan ng tingin ang mga galaw nila. Puro sangga at ilag lang ang nagawa ni Shine at paminsan minsam din ay matatamaan nya ang dalawang kalaban.

Aminado syang nahihirapan syang kalabanin ang dalawa, bukod sa matatangkad at malalaki ang pangangatawan ay babae pa rin sya. Pero hindi sya papayag na matalo sya nito. Mabilis syang yumuko at pinatid ang tuhod ng assassin dahilan para ma out of balance ito. Nilingon nya ang mafia pero huli na ang lahat dahil tumama na sa mukha nya ang kamao nito.

Tumilapon sya at tumama ang likod nya sa rails. Napahiyaw sya sa sakit. Pinulot ng assassin ang katanang tumilapon at mabilis itong tumakbo papunta kay Shine. Nabigla ang dalaga at dali dali syang umayos ng tayo ngunit sa di inaasahang pangyayari ay binaril sya ng mafia sa balikat. Sa puso sana ito tatama pero nakailag sya at mabilis tumalon patalikod.

Nanlaki ang mata nang maramdaman ang hangin na humahampas sa kanyang likuran. Nahulog sya sa sky walk at mabilis din syang pinaulanan ng putok ng mafia at kasunod naman ang mga shuriken na binato ng assassin sa kanya. Hindi sya kaagad nakakilos kaya tinamaan ang hita nya ng bala. Napahiyaw sya sa sakit at mariing pumikit.

Huling narinig nya nalang ay ang pagtama ng mga matulis na bagay at ang dalawang ungol bago tumama ang likod nya sa ibabaw ng sasakyan. Napatiad na naman sya sa sakit at sapo sapo ang hita nito.

May dalawang kamay ang humawak sa balikat nya mula sa nakabukas na convertible ng kotse at mabilis syang pinasok sa loob. Tuluyan syang nahulog sa upuan nito. Nakapatong ang ulo nya sa hita ni Shineya.

"I told you, don't get caught!" May inis na bulyaw nya sa dalaga. Ngumiti lang si Shine at dinilat ang mga mata. Pagkaraay pumikit din. Pinaikot lang ni Shineya ang mga mata at muling nagsalita.

"Underground."

"Yes Master."

Boses ng isang robot ang sumagot sa kanya, mabilis umikot ang manibela kahit walang taong nag drive nito.

"Call Uncrowned Royals." Sabi nya sa phone nya na kaagad namang umilaw at may nagsalita ulit na boses robot. Pinagpatuloy nya lang ang pag gamot sa braso ng dalaga at ng matapos ay sa hita naman nito.

Napabuntong hininga sya sa nakita. At muling nilingon ang pinanggalingan ng sasakyan kung saan nahulog si Shine sa sky walk. Tiningnan nya rin ang dalagang natutulog sa hita nya. Nakatulog ito dahil sa gamot na nilagay nya sa dalawang natamong sugat.

Pinulot nya rin ang balang nilagay nya sa isang plastic na nakuha nya mula sa hita ng dalaga. Tiningnan nya ito ng maigi at kaagad nyang napansin ang itsura nito. Kinuha nya ang laptop sa harapan at binuksan. Nagtype sya ng kung ano ano at pagkaraa'y tinapat ang balang nakuha sa harap ng camera. May lumabas na kulay violet na parang iniiscan ang bala.

Maraming letra ang nagflash sa screen ng laptop at huminto lamang ng may dalawang salita ang nagflash nito.

"Poisonous Death."

Nagulat sya sa nabasa at mabilis tiningnan si Shine na nasa hita nya. Okay lang naman ang itsura nito at parang natutulog lang. Tiningnan nyang muli ang sugat sa balikat nito at nanlaki ang mata sa nakita.

Nagkulay dark violet ang sugat at parang nag swolen ito. Ganun na rin sa hita. Mabilis nyang tiningnan at dinampi ang dalawang daliri sa leeg ng dalaga at nagulat sya sa napansin. Pahinang pahina ang pulse beat nito.

"Shit!"

Edited

SHINEYA I: Her Identity (BOOK 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon