(Edited) Thirty Two

2.9K 63 6
                                    

Shine's Point if View

"You're all weak, kaya kailangan ng training."

"You're all weak, kaya kailangan ng training."

May narinig pa kaming isang familiar na boses na nagsasalita kaya sabay kaming napalingon sa likod ng babae.

"SHAI?!" Lahat kami tiingnan si Shai ng nagtataka. Anong ibig sabihin nito? Dapat masaya ako kasi walang nangyaring masams sa kanya. Pero iba e. Parang hindi ito yung Shai na kaibigan namin.

"Ano ba yan?! Nakakairita na kayo ha? Kailangan sabay sabay? Pag ako na inis, paslangin ko na talaga kayo!"

"Ano ba yan?! Nakakairita na kayo ha? Kailangan sabay sabay? Pag ako na inis, paslangin ko na talaga kayo!"

Magkasabay ulit nilang sabi. Naguguluhan na talaga ako at at the same time natatakot.

"A-anong ginawa mo kay Shai?" Tumayo na kami at papalapit na sa dalawa.

May kinapa sya sa likod ni Shai. Sa bandang batok dahilan para yumuko ito at di na muling gumalaw. Saka tumingin sa amin at ngumiti ng nakakaloko.

"Ah, ito? She's just a robot. A human robot to be exact. My human robot." Nakangiti nyang sabi animo'y proud. "So, GET THE HELL OUT OF HERE AND START THE TRAINING BEFORE I SEND YOU ALL TO HELL!" From sweet face to demon-like face. Kaya mabilis kaming lumabas ng room.

Tumawa naman ito ng malademonyong tawa dahilan para kinilabutan ako. Kaming lahat pala.

"'To naman, di mabiro. Nga pala, Jenniah Zenniah Chua but just call me Shineya. So, let's start?" Sabi nito matapos tumawa ng malademonyong tawa. Ang weirdo nya. Bukod sa pananamit, pananalita at ugali. May i-we-weirdo pa kaya to?

Shinji's Point of View

"T-teka teka teka!" Huminto si Shine habang nakataas ang dalawang kamay at pikit ang mata na binaba din nya kaagad. Huminto din kami pati ang babeng weirdo na naka pamewang habang taas noong nakatingin sa my labs Shine ko.

"Ano na namang kaartehan sa katawan yan Shine?" Tinaasan pa nya ng kilay habang hinarap ito.

"Sino ka bang baliw ka ha?! Anong kailangan nyo sa amin?" Singit ni Shin dahil mismong siya tulad ng kambal mukhang na badtrip na din.

Tahimik lamang akong nagmamasid sa paligid. Bukod kasi sa ang seksi ng kaharap namin, naguguluhan pa rin ako sa mga pangyayari.

"Tss! Ang dadaldal. Pwede bang manahimik nalang kayo at sumunod sa akin?!" Mahahalata sa tono ng boses nito na naiinis na sa dalawa. Mababa lang pala ang pasensya nito. Hindi na ako magugulat kung walang ano-ano'y sasabog ito bigla.

"No! Hindi kami sasama sayo! Wag mo kami--" Hindi natapos ang sasabihin ni Shine dahil mabilis hinagis ni Shineya ang shield na bigla lamang lumitaw sa mga kamay nito. Mabilis itong lumipad papunta sa kinaroroonan namin kaya by adrenaline rush ay kanya kanya kami ng ilag. Loko 'tong babaeng 'to ah.

Lihim akong napasulyap sa mga kasamahan ko na ngayon ay nababakasan na ng takot at gulat sa mukha. Aba, buang nalang ang hindi matatakot sa biglang atake ng isang 'to.

"One more word, and your body turns half." Seryosong sabi nito na lalong nagpabuhay ng kaba sa dibdib namin.

Muling tumalikod ang babae at tinaas ang kanang kamay. Sabay kaming napalingon sa gilid ni Hiro kung saan paikot ikot na nakalutang ang shield nang bigla itong lumipad papuntang Shineya. Saktong lumapat ito sa kamay niya at naglaho nito.

Nagtuloy-tuloy lang sya sa lakad na agad din naming sinundan. Mahirap na.

"Di bale Shin. Sundan nalang natin yung baliw na yun. Baka may makita pa tayong kasagutan."

***

Ilang beses kaming nagpaliko liko hanggang sa dumating kami sa isang maliit na kwarto. Walang laman ang buong kwarto.

"Hintayin nyo 'ko dito. Magbibihis lang ako." Tuloy tuloy lang ang lakad niya papunta sa pinakasulok.

Sinundan lang namin sya ng tingin. Nilapat ang palad sa wall at biglang naglaho ito at nagmukhang parang pintuan. Pumasok siya kasabay ang pagbalik nito sa dating itsura ng wall.

"Woah!" Makikita sa mukha ni Shiki ang pagkamangha. Kaya naman mabilis syang lumapit sa ding ding at nilapat ang mga palad. Dahil sa ginawa ay magkasunod na naglitawan ang mga iba't ibang klase ng furniture.

Sa itsura ng buong kwarto ay nagmukha na itong isang sala. Maganda ang buong kwarto. Ang medyo madilim at medyo maliit na lugar ay biglang nagliwanag at naging living room.

Umupo kami sa mahabang couch at pinagmasadan ang paligid. Kalaunan ay humiga si Hiro at pinatong ang unan sa mukha.

Tumayo ako at lumapit sa isang cabinet. May mga frame dito. Hayop talaga sa ganda at sexy ang babaeng 'yun. Kung hindi lang ito weird ay pinatos ko na.

"Ang astig ng lugar na 'to dude!" Rinig kong sabi ni Shiki.

"Dude! Ang sexy pala nung baliw na yun oh! Tengene!" Sabay pakita ko ng picture na naka short purple leather shorts at tropical purple sports bra lang na Shineya at may hawak hawak itong purple din na baril. "Laki ng boobs!"

Agad akong nakaramdam ng batok. "Ulol! Tumigil ka nga Shinji! Pinagpantasyahan mo yung weirdong yun?" Nakasimangot na sabi ni Shine at nilingon ang kanyang kambal. Sinuli ko nalang ang frame na nakita ko.

"Ano na ang gagawin natin ngayon Shin? Paano tayo makakalabas dito?" Rinig kong tanong ni Shine. May biglang nagbukas na pinto at paglingon ko, si Shiki pala na may dalang pagkain.

"Guys. Kain muna tayo." Bumalikwas ng tayo si Hiro at kumuha ng pagkain. "Sorry, yan lang nakita ko dun sa ref e." Chocolate cake kasi ang dala nya. At may juice din.

"WHAT THE HECK?! WHO DID THIS?!" Galit na sigaw ni Shineya habang nakapamewang sa gilid.

Dahan dahan akong nag-angat ng tingin. Kakalabas lang nito galing sa kwartong pinasukan. Naka lavender na thight shorts at plain lavender na fitted sando ito. May violet na belt at violet din na leather boots. Nakalugay ang kulay black na buhok na may purple high lights. May hawak hawak itong purple na cape. Sa braso at binti nito ay may pa ikes ikes na kulay black na teka. Wengya! Ang hot talaga nitong weird na 'to.

Lumapit ito sa amin at matalim na tiningnan si Shiki na ngayon ay napapalunok na. "Tss! Paki alamero."

Mabilis syang tumalikod at pumunta sa gitna. Dahan dahang winawagayway ang kanang kamay nito.

"Baliw talaga." Kumento ni Shin sabay umismid. Kinain na lamang nya ang isang slice ng cake tapos uminom ng juice.

"Pwew! Akala ko katapusan ko na."

"Ikaw naman kasi, bakit mo ba ginawa yun?" Tanong ko nang makaupo ako sa tabi nya.

"Tingnan nyo guys."

Edited

SHINEYA I: Her Identity (BOOK 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon