Yun ang huling pag-uusap nila ng mommy niya bago ito binawian ng buhay. Parang bombang sumabog sa kanya ang katotohanan. Bata pa lang siya madalas niya ng marinig na hindi siya totoong anak ng daddy niya  pero lagi itong itinatanggi ng mommy niya, ang sabi pa nito nainggit lang ang mga yun kaya kung ano-ano ang pinagsasasabi tungkol sa kanya. Which is totoo naman, lumaki siya na kinaiinggitan ng lahat, dating gobernador ang lolo niya ang mga magulang naman niya ay sikat sa larangan ng pagnenegosyo, lahat ng gusto niya ay nakukuha niya. Kaya ganun na lang ang sakit na naramdaman niya nang mabasa ang diary ng mommy niya kung saan nakasulat ang lahat tungkol sa pagkatao niya at lalo pa iyong nadagdagan nang bawian ng buhay ang ina dahil sa colon cancer. Gulong-gulo ang isip niya noon, pakiramdam niya hindi niya na kilala ang sarili, alin pa ba sa pagkatao niya ang hindi totoo? Ilang gabi rin siyang halos makakain at makatulog dahil sa matinding pag-iisip. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ang sabi ng mga kapatid ng mommy niya, kalimutan niya na lang kung ano ang mga nalaman niya and just move on pero pano niya magagawa iyon kung malaking bahagi ng pagkatao niya ang nawawala, kaya mabigat man sa loob na umalis ng bansa at iwan ang mga taong minamahal ay ginawa niya pa rin. Kailangan niyang gawin iyon, para sa sarili niya, sa pamilya niya, sa mga kaibigan niya at pati na rin kay Sarah. Kailangan niyang hanapin at buuin ulit ang sarili at magagawa niya lang iyon oras na makita at mahanap niya ang tunay niyang ama.

Pero hindi ito naging madali para sa kanya. Nalaman ng tito niya ang tungkol sa paghahanap niya sa tunay niyang ama at mariin nito iyong tinutulan. At upang mapigilan siya ay ikinulong siya nito sa loob ng bahay, hindi siya nito pinapayagang lumabas ng mag-isa. Pinahinto rin siya nito sa pag-aaral at itinigil nito ang pagbibigay ng sustento sa kanya. Dalawang taon rin siyang nagtiis hanggang dumating siya sa tamang edad that he has the right to make decisions on his own.

Umalis siya sa poder ng tito niya at namuhay mag-isa. Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral at paghahanap sa tunay na ama Dalawang taon din ang ginugol niya sa paghahanap dito nang aksidenteng makita ng kaklase niya ang larawan nito who happened to be her sister’s bestfriend. Sa tulong nito nakilala niya ang ama at nag-iisa niyang kapatid.

Naging madamdamin ang una nilang pagkikita-kita. Ang buong akala nito ay patay na siya gaya ng sabi ng daddy niya. Humingi ito ng tawad sa kanya at sa mommy niya. Inamin rin nito ang pagkakamali at panlolokong ginawa ngunit sa maniwala daw siya’t sa hindi totoong minahal nito ang mommy niya. Dala na rin siguro ng pangungulila at pananabik kaya mabilis niya itong napatawad. Isang taon rin syang namuhay kasama ang mga ito.

Naghahanda na siya noong bumalik ng Pilipinas ng madiagnosed ang Daddy James niya na may bone cancer, nalaman rin nila na buntis ang ate niya at sa kasamaang palad namatay ang ama ng dinadala nito ng dahil sa isang car accident.

Mabigat man sa loob niya, hindi niya itinuloy ang balak na pag-uwi sa Pilipinas. Hindi niya pwedeng iwan ang daddy at ate niya, lalo pa ngayong kailangan siya ng mga ito. Ito na lang ang pamilyang meron siya at hindi siya papayag na mawala ang mga ito sa kanya.

Naging maselan ang pagbubuntis ng kapatid. Pinayuhan na rin sila ng doktor na huwag ng ituloy ang pagbubuntis nito dahil mailalagay lang nito sa panganib ang buhay ng kapatid at napakaliit lang rin ng tsansa na mabuhay ng normal ang bata. Pero hindi pumayag ang ate niya, sa halip pinakiusapan siya nito na kung sakaling mabuhay ang bata ay ipapangalan ito sa kanya. Pumayag siya kahit na hindi niya alam ang rason kung bakit nito naisipan iyon.

Mabilis na lumipas ang pitong buwan, isinilang ng kapatid niya ang napakalusog na batang lalake. Kataka-taka na sa kabila ng mga sinabi ng Doktor at pagiging premature ay normal pa rin itong lumabas na kabaliktaran naman sa nagyari sa kapatid. Nagkaroon ito ng komplikasyon sa panganganak at wala pang 1 oras matapos maisilang ang anak ay agad din itong binawian ng buhay.

Dahil sa kalagayan ng ama kaya naiwan sa pangangalaga niya ang pamangkin. Minahal niya ito at itinuring na parang sarili niyang anak. Sinunod niya rin ang huling bilin sa kanya ng kapatid na sa kanya ipangalan ang bata. GIACOBBE RANDOLPH ANDERSON ang ibinigay niyang pangalan sa pamangkin slash ANAK.

3 years later, binawian na rin ng buhay ang Daddy niya. Pero hindi kagaya ng sa mommy at ate niya mas handa siya ng mga panahong iyon. Siguro dahil bukas ang isip niya na mangyayari ang bagay na yun at kailangan niyang magpakatatag para sa anak.

Matapos mailibing ang ama ay umuwi sila ng Pilipinas. Hinawakan niya ang kompanyang naiwan ng ina. Akala niya magiging maayos na ang lahat sa pag-uwi nilang iyon, pero hindi pa pala. 3 araw bago ang bakasyon nila sa hasyenda ay tumawag sa kanya ang bestfriend ng kapatid. Sinabi nito na hindi totoong namatay ang ama ni Cobbe sa isang car accident, sa katunayan kaya ito tumawag sa kanya ay para balaan siya dahil sinabi nito na gagawin nito ang lahat upang mabawi ang anak sa kanya.

Natigil siya  sa pagbabalik tanaw nang maramdaman niyang may humawak ng balikat niya. Tiningala niya ito at nakita niya si Nanay Linda.

“anong plano mo anak?”

“To be honest Nay, hindi ko po alam. Hindi ko naman po kasi inaasahan to eh. Mas naiintindihan ko na ngayon ang Daddy Randolph, Kung ako ngang apat na taon palang nakakasama ang anak ko, hirap na akong bitawan siya, pano pa kaya ang daddy na labing limang taon akong minahal at inalagaan. Mahal na mahal ko po si Cobbe Nay at hindi ko po alam kung kakayanin ko kung mawawala siya sakin.”Sabi niya sa garalgal na tinig. Hinaplos naman nito ang likod niya. “Pero kailangan ko pong gawin kung ano ang tama.” Umiiyak na dagdag niya.

“anong ibig mong sabihin anak?”

“pina DNA test ko po si Mike at si Cobbe, at kung totoo man po ang sinasabi niya na siya ang  totoong ama ni Cobbe.” Huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Its hard, but…”

............................

............................

............................

............................

“...I have to let him go!”

naguluhan po ba kayo last chapter???haha...sensya na po, magulo din po kasi isip ko nung mga panahon na yun...haha...sana po nasagot ko na lahat ng tanong ninyo...sensya na rin po qng medyo matagal bago mag update, very SASA lng po kc ang peg q ngayon, bc pa sa salitang bc...haha...but don't worry po mlap8 na rin po aqng mgkatym...haha...and please vote po tayo sa ASAP Pop viewers choice award...thank you po...

Right Here Waiting Ashrald Fan FictionWhere stories live. Discover now