"Tinanggap namin ang iyong kondisyon kaya naman kailangan mo itong panindigan!" sigaw ni Madre Soledad

Tumango ako at tumayo.

"Luhod!" sigaw nito

Kaagad naman na akong lumuhod. Wala na akong magagawa pa. Kailangan kong maging matapang kundi madadamay ang aking tiya sa aking kamangmangan.

"Ilapat mo ang iyong kamay, magmadali!"

Inilapat ko ang aking mga kamay parang arms forward lang. Itinaas niya ang kaniyang patpat at alam kong tatadtarin niyang hampasin ang aking mga kamay hanggang sa magdugo ito. Ipinikit ko na lamang ang aking mga kamay at hinintay na tumama sa akin ang patpat.

Nararamdaman ko nang papatama na ito nang may narinig kaming isang sigaw mula sa kalayuan.

"Tigil!"

Napalingon ang lahat at nakita namin si Rizal na lumalakad papunta samin. Nagbigay ang mga tao ng daan upang makadaan siya. Maya-maya'y nasa harap na namin siya at matalim siyang tumingin kay Madre Soledad at sa mga opisyal.

"Hindi tamang parusahan ang isang kababaihan ng ganito, maaari kayong sampahan ng kaso!" sigaw ni Rizal

'Seriously? Nililigtas ako ni Rizal ngayon?'

Nainis si Madre Soledad at idinuro si Rizal.

"Ang lakas ng iyong loob na ako'y ipahiya, Jose! Alam mo bang hindi ka maaaring makisabat sa utos ng isang Madre?" galit na usal nito

Bago paman makapagsalita si Rizal ay may isa nanamang boses kaming narinig.

"Eh ako kaya, bawal din?"

Napalingon ako sa kanan at nasilayan ko ang kakisigan ni Nicolas. Ang kaniyang maamong mukha ay napalitan ng isang matalim na tingin sa mga opisyales. Ngunit ipinagtataka ko kung bakit gulat na gulat silang makita si Nikolas maliban kay Madre Soledad.

"At sino ka naman ginoo? Hindi mo ba alam na ang babaeng ito ay tumataliwas sa simbahan?" galit na usal ng madre

"Hindi ako natutuwa sa pananalita mo, paanong ang isang madreng katulad mo ay nagmamataas pa kaysa sa mga opisyales ng gwardya sibil?" malamig na tugon ni Nicolas

"Aba't sino ka------"

Hindi na natapos ang pagsasalita ng Madre nang bigla siyang hinawakan ng mga alagad ni Nicolas at kinaladkad paalis sa harap ko. Gulat na gulat ang aking reaksyon habang nililingon ko ang madreng kanina lang ay inaabuso ako at si tiya na kinakaladkad dahil sa utos ni Nicolas. Ang tanong, sino nga ba si Nicolas?

Agad na lumuhod ang mga opisyales maging ang heneral ng gwardya sibil kay Nicolas.

"Patawad kung nasilayan mong ganito ang sitwasyon namin ngayon, señorito Nicolas" Sabi ng heneral

Ipinanatili niyang nakaluhod ang mga ito habang pumupunta sa direksyon ng madre.

"Sino ka ba? Kapag nalaman ito ni Padre Zueco ay talagang malalagot ka hahaha" natatawang parang baliw na sambit ni Madre Soledad

Nagulat ako nang sampalin ni Nicolas ang madre nang malakas. Alam kong malakas iyon dahil rinig na rinig ang pagsalpak ng kamay ni Nicolas sa pisngi niya.

"Ako si Nicolas de Enchague, ang pangalawang anak ng gobernador-heneral ang ang tagapagmana ni Miguel de Enchague na apo ng hari ng Espaniya na si Haring Charles IV, ngayon kilala mo na ako?" nakangising wika ni Nicolas

'WHHHUUUUUTTTTT???! So means, si Nicolas ay isang tagapagmana ng gobernador-heneral at hindi lamang isang tagasilbi ko?? Waahhh kaya pala parang big deal sa mga kasama niya yung pagpaparusa ko sa kaniya ng latigo kaya siya nasugatan. Pero ngayon, nagbalik na siya. Nicholas de Enchague?? Enchague? So magkapatid sila ni Ruiz! Kase naaalala kong ang pangalan ni Ruiz ay Ruiz de Enchague. So means ulit na..... Imbis na si Ruiz ang tagapagmana ng posisyong gobernador-heneral ay si Nicholas na ang tagapagmana nito. Wahhhh, bat ganun? Why so complicated?'

"I-Imposible!" sigaw ni Madre Soledad

Humagikgik si Nicolas sa kaniya at itinuro niya ito

"Alisin niyo sa harap ko ang babaeng ito ay sabihin niyo kay Padre Zueco na ako mismo ang nagalis ng pwesto sa isa niyang Madre. Kung may reklamo siya, sa aking ama siya pumunta" utos ni Nicolas

'Ngayon ko lang nakitang ganito kalupit si Nicolas. Sa kabilang banda, nagpapasalamat ako kay Rizal dahil nauna siyang pumagitna at pumigil kay Madre Soledad na mahampas ako ng patpat. '

Lumakad ng dahan-dahan papunta sakin si Nicolas. Tumigil siya sa harap ko ay inabutan ako ng kamay. Tumingin ako sa kaniya at binigyan ako ng isang malaking ngiti. Ang mga ngiti niya ang nagbibigay sa akin ng kapayapaan sa mga nangyayari. Iniabot ko ang aking kamay sa kaniya at tinutulungan niya akong makatayo.

"Salamat, Nico" pabulong kong bigkas

Medyo namula siya dahil sa sinabi ko. Napalingon ako at nakita ko na lumuluha sa saya si tiya Cassie. Umalis muna ako sa harap ni Nicolas at tumakbo papunta sa kaniya. Niyakap naming muli ang isa't isa sa tuwa marahil hindi natuloy ang parusa sa akin.  Pagkadilat ko nang mata ko at nakita ko si Jose na nakangiti sa akin. Inialis ko ang  pagkakayakap ko kay tiya upang puntahan si Rizal para magpasalamat ngunit bigla namang dumating ang aking ama kasama sina Don Francisco at Don Guillermo.

"Victoria, anak!" Sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap ni ama. Niyakap ko siya pabalik at napaluha dahil sa pagkakataong iyon, hinahanap ko ang kalinga ng isang ama. Noong nabubuhay pa ako sa taong 2019, mas napamahal ako sa papa ko kaya sa mama ko.

Hinalikan ni ama ang aking ulo at tinapik tapik ang aking balikat.

"Salamat at ayos ka lang anak, nang mabalitaan ko ang nangyare sa'yo kaagad akong pumarito upang pigilan kung sino man ang bastardang madreng iyon na gustong parusahan ang iyong tiyahin ngunit naglakas loob ka na akuhin ang kasalanan. Ipinagmamalaki kita." saad ni ama

Natigil ang aming pagyayakapan nang sumalubong si tiya Cassie at niyakap si ama. Hinanap ko kung nasaan si Rizal para man lang makapagpasalamat ako sa kaniya ngunit bago pa man ako makaalis ay may humila sa akin. Nakita ko si Nicolas na hawak hawak ang braso ko. Agad na tumindig siya at parang hinahanda ang sarili sa pagsasalita.

"Tandaan niyo kung sino ang babaeng ito. Ang babaeng ito ay si binibining Catalina Victoria Lopez, siya ang aking mapapangasawa pagdating ng panahon kaya Kung sino man ang nais humamak sa babaeng ito ay makakalaban niyo hindi lang ako, ngunit ang buong Espaniya, maliwanag?" malakas niyang wika

Agad naman akong napanganga sa sinabi niya. Bigla kong naalala na dapat ay ipakakasal ako sa anak ng gobernador-heneral. At oo nga, napagtanto ko na rin na si Nicolas iyon at si Nicolas ang mapapangasawa ko!

'For real? Pero alam ba noon ni Catalina na si Nicolas ang gobernador-heneral? Kung alam niya na si Nicolas iyon hindi na siya maglalayas diba? Ibig sabihin ay tinago nila ang identity ni Nicolas bilang tagapagmana ng pagiging Gobernador-heneral! Waahhh bat ganun?'

Dahil sa pagiisip, napa-tulala ako at biglang gulat ko nang buhatin ako ni Nicolas.

"T-Teka, anong ginawa mo?" namumula kong tanong

"Masama sa isang binibini na maglakad sa mainit na sahig nang naka-panyapak lamang. Huwag kang mag-alala, ihahatid lamang kita sa iyong silid. Ako na ang bahala sa iyong ama at sasabihin kong nagpapahinga ka" sambit niya

Nginitian ko siya at hinayaang dalhin ako sa aking silid.

'Ngayon alam ko na kung bakit takot si ama sa ama ni Nicolas. Dahil ang ama ni Nicolas ay ang gobernador-heneral ng Pilipinas, ang pinakamataas na posisyon sa buong Pilipinas.'

Reincarnated in 1880Where stories live. Discover now