Chapter 20

356 11 4
                                    

Chapter 20>>> his girlfriend

 

“PAIGE?” “MAHAL!” Sabay naming sabi ni benji.

“Mahal?” Tama ba yung narinig kong tinawag ni benji kay paige? Mahal?

“CATHY!” Napatingin naman ako sa papalapit sakin ngayon na si Paige.

“Ahmm hi!” Nahihiyang sabi ko sa kay Paige ng makalapit na sya sakin.

Pasimpleng ko namang sinilip si benji sa tabi ko na nakatitig lang kay Paige at hanggang ngayon nagugulahan parin ako bakit nya tinawag si paige na “mahal”. Hindi kaya…

“Akala ko naman kung sino ang tumawag sakin, ikaw lang pala yan sam. Buti naman at natatandaan mo pa ako.” Nakangiting sabi nya sakin. Grabe ang ganda nya talaga.

“Sa ganda mong yan pwede ba naman kitang makalimutan.” Natatawang sabi ko sa kanya.

Bigla ko namang narealize na parang ang tomboy ko naman dun sa sinabi ko. Di’ba madalas mga lalaki ang nagsasabi ng mga ganyan sa mga babae?

“Pero hindi ako tomboy ha.” Mabilis na sabi ko na ikinatawa naman nya. Nagmukha ba akong defensive? wag naman sana.

“Ano ka ba cath hindi naman yan sumagi sa isip ko. At maganda ka din naman at bolera din.” Natatawang sabi nya kaya natawa din ako lalo na dun sa part na maganda din daw ako.

 

“So parehas pala tayo maganda at bolera! Hahaha” Biro ko at sabay naman kaming tumawa. Samantalang itong si Benji ay tahimik paring nakatingin lang kay Paige.

“Bakit ka nga pala dito?” Tanong sakin ni paige na nakarecover na kami sa pagtawa.

“Ahh dinalaw ko lang yung nanay ko. Ikaw sinong dinadalaw mo dito?” Tanong ko sa naman sa kanya.

“Boyfriend ko.” Then it hit me, kaya sya tinawag kanina ni Benji na Mahal kasi endearment nilang dalawa yun ni Paige.

“Ahhh” Yun na lang ang nasabi ko.

“Sige una na ako Paige tapos ko na din naman dalawin ang nanay ko.” Pagpapaalam ko sa kanya mukhang naabala ko na kasi sya at para magka-moment na din sila ni benji kahit si benji lang ang nakakakita sa kanya.

“CATHY WAIT!” Sigaw nya sakin at binilisan nya ang kanyang paglalakad para makasabay ako.

“Actually papaalis na din ako kaya sabay na tayo sa paglabas.” Sabi nya sakin.

I am courted by a GHOST! ON-HOLDWhere stories live. Discover now