chapter 14 - sam and lance

451 7 0
                                    

Chapter 14>>> sam and lance

 

“and sam this is Catherine Reyes, MY GIRLFRIEND!” pinakilala naman ako ni lance kay sam.

“hi sam!” ngumiti naman ako kay sam at inilihad ko sa harapan nya ang isa kong kamay para makipagshake hands.

pero imbes na kunin ang kamay ko ay tinitigan nya lang yun at binalik ulit ang tingin kay lance.

“lance! kung ginagawa mo lang ito para layuan kita, sorry to disappoint you but I won’t. hindi kita titigilan hanggang sa maniwala ka sakin.” sabi nya kay lance.

“excuse me! nandito pa ang girlfriend, kung makapagsalita ka parang wala ako dito! and for your information hindi sayo umiikot ang mundo kaya wag masyadong asyuming!” para sana pa ba ang pagiging fake girlfriend ko kay lance kung hindi ko din naman papanindigan! hahah hindi ko ineexpect na kaya ko itong gawin!

“at ikaw naman! gamitin mo yang utak mo, habang maaga pa hiwalayan mo na si lance dahil ginagamit ka lang nya!” sabi nya sakin bago tumayo at iniwan kaming dalawa dito ni lance.

“Wooo! pang best actress yun cathy ha! kita mo napaalis mo si sam!” biglang sabi ni lance sakin.

“gagong lance to! pasalamat ka talaga at multo na ako dahil makakatikim ka talaga ng suntok sakin kung buhay lang ako!” galit na sabi ni benji sa tabi ko.

“ano ba yung sinasabi ni sam na ayaw mong paniwalaan?” tanongko kay lance. ilang beses kasing sinabi ni sam kanina na paniwalaan sya ni lance na nagsasabi sya ng totoo.

“ahhh… ano… uhmmm wala yun!gaya lang yun ng ibang naging kafling ko gustong makipagbalikan sakin!” hindi ako naniniwala sa kanya, alam kong may mas mabigat na kahulagan yung mga sinabi ni sam base na din sa itsura nya kanina.

at tama nga ang sinabi ni benji na may gusto din si lance kay sam. kahit ilang beses nyang itanggi na hindi nya gusto si sam na isa lang sya sa mga naging laruan nya, iba parin ang pinapakita ng mga mata nya, sa paraan ng pagtingin nya kanina kay sam makikita mo dun ang pagmamahal at nasasaktan din sya at the same time. Papaano ko na kita? ewan ko din basta naramdam ko na lang.

“bakit ganun na lang kung magmakaawa sya sayo kanina?” tanong ko ulit sa kanya.

“bakit ang dami mo din tanong? remember fake girlfriend lang kita, parang kang nagseselos na girlfriend kung makapagtanong ka ah!” girlfriend lang ba ngayon ang may karapatan na magtanong? if I know ayaw nya lang sagutin ang tanong ko kaya iniiba nya ang topic.

 

“But if you want this to be real! why not di’ba? it’s okay with me naman!” natatawang sabi nya sakin.

“hindi pa ako tanga para pumayag na maging totoong girlfriend mo!” sorry na lang sya.

I am courted by a GHOST! ON-HOLDOn viuen les histories. Descobreix ara