chapter 18

357 6 2
                                    

Chapter 18 >>> back to zero

"cath! bakit ba ayaw mo sabihin sakin ang pinag-usapan nyo ni sammy noong isang araw?" kahapon pa nyan ako kinukulit ni benji tungkol sa girltalk namin ni sam noong isang araw.

"bakit ba gustong-gusto mong malaman! ka-lalaki mong tao, napakachismoso mo! Lalaki ka ba talaga?" tanong ko sa kanya. Tiningnan naman nya ako ng masama, mukhang natamaan ko ata ang pagkalalaki nya.

"Tinatanong pa ba yan cath! Syempre lalaki ako." galit na sabi nya sakin.

Mabilis namang nawala ang galit na iyon at napalitan ng nakakalokong ngiti.

"O baka gusto mo lang mahalikan cath? Kaya kwene-kwestyun mo ang paglalaki ko para patunayan ko sayo na totoong lalaki ako sa pamamagitan ng halik. " asar nya sakin.

"Hi-hindi no!" nauutal na sagot ko sa kanya. Feeling ko ang pula-pula ngayon ng mukha ko.

"Wag ka ng mahiya dyan cath! ano hahalikan na ba kita?" pangaasar nya ulit sakin.

"As if naman na kaya mo yung gawin! Baka nakakalimutan mo multo ka na! " balik na asar ko sa kanya. whoa... buti na lang talaga at multo na si benji! hindi pa ako ready na ibigay ang first kiss ko no! ehem, Catherine! so kung buhay si benji ngayon ibibigay mo sa kanya ang first kiss mo.

"Fine you win this time. Pero back to our topic, anong nga kasi yung pinagusapan nyo ni sammy noon isang araw at bakit sya may plane ticket papuntang Canada." nagtatakang tanong ni benji sa akin.

So disidido na talaga si sam sa pagsunod sa nanay nya sa Canada.ang tanong matutuloy kay sya!? *insert evil smile here

"at paano mo na laman yan?" tanong ko sa kanya. Nga pala naglalakad kami ngayon papuntang university. You know exercise is good to your health! Ang sabihin mo kuripot ko lang.

"Di'ba pumunta ulit ako kina sammy kahapon. Narinig ko syang kausap si tita Martha kahapon at sabi nya na susunod na daw sya sa Canada. Nakumperma ko naman iyon ng may makita akong plane ticket sa lamesa nya at ngayon ang alis nya." kwento nya sakin.

Binalik na naman nya ang tingin nya sakin at pinangliitan ako ng mga mata sabay sabing "at alam kong may alam ka sa lahat ng ito cath!"

"secret!" sa amin na lang ni sam lahat ng pinag-usapan namin noong isang araw at hindi na iyon kailangan pang malaman nitong chismosong benji.

"cath naman sabi..." naputol ang pangungulit sakin ni benji ng biglang dumating ang kinaiinisan nya.

"Nandidito ka na naman! Lalandiin ka lang nyang lance na yan cath!" inis na sabi sakin ni benji. tama kayo si lance ang ang dumating at sya lang din naman ang kilala kong kinaiinisan ni benji.

"Hi babe!" bati sakin ni lance.

"Stop calling me babe coz' I'm not your girlfriend anymore." mataray na sabi ko sa kanya. first time ko kaya itong makipagbreak sa lalaki, at kahit fake couple lang kami feel na feel ko pa din ang makipagbreak sa isa sa campus heartthrob. Hayaan nyo na ako, first timer e!

"buti naman cath at natauhan ka na!" halata naman tuwang tuwa itong katabi kong si benji.

"What? Hindi pa naman tayo lumalagpas ng one week ha?" nagtatakang tanong nya sa akin.

"Aba abusado na ang isang ito! Alin ba sa ayaw na ni cath ang hindi mo maintindihan!" galit na sabi ni benji kay lance.

"Di'ba kaya nagpapanggap akong girlfriend mo ay dahil ni sam, dahil gusto mong layuan ka na nya?" tanong ko sa kanya.

I am courted by a GHOST! ON-HOLDWhere stories live. Discover now