Chapter 11

415 9 4
                                    

Chapter 11>>> lance part 2

"LANCE!" sa gulat ko hindi ko sinasadsyang isigaw ang pangalan nya.

Of all the people kasi hindi ko ineexpect na si lance ang mabubunggo ko na sya ding nagligtas sakin.

"yup! At your service." Nakangiting sabi nya habang hindi parin inaalis ang kamay nya na nakabalot sakin at mukhang wala din namang syang balak tanggalin yun kaya ako na mismo ang nag-alis.

"ahhmmm thank you." Pagpapasalamat ko sa kanya sa pagsalo nya sakin. kung hindi nya yun ginawa sigurado ako na kahalikan ko na ngayon ang sahig.

"sorry miss beautiful but I don't accept thank you." Sabi nya habang hindi parin inaalis ang tinggin nya sakin.

"what?" nagthathank you na nga ako sa kanya ayaw pa nya. Abnormal ba sya?

"I said I don't accept thank you." Nakangiting sabi nya.

"kung ayaw mo edi wag mo! Bahala ka na nga dyan." Inis na sabi ko sa kanya. kahit alam ko na kailangan ko syang mas makilala pa, maghahanap na lang ako ng ibang paraan na gawin yun kasya makipagusap sa katulad nyang abnormal.

aalis na sana ako ng bigla nya akong hawakan sa baso.

"hey miss beautiful that's not what I meant, I just don't accept simple thank you." Bakit ba kasi ayaw nya na tanggapin na lang ang thank you ko para tapos na at malalate na ako sa duty ko.

"fine! Ano ang gusto mo para matanggap mo ang thank you ko?" grabe nagthathank you pa ako sa lagay na ito ha! Ano pa kaya kung nagsosorry ako sa kanya?

"ahmm how about a cup of coffee?" sa pagkakaalam ko mayaman itong lance chua na ito, bakit kailangan pa nyang magpalibre sakin ng kape kung may pera naman sya?

"Eto twenty pesos sapat na naman siguro yan para sa kape mo, ikaw na lang din ang bumili may duty pa kasi ako sa heaven's café. Sige thank you ulit!" sabi ko sa kanya at dalidaling umalis dahil late na talaga ako sa duty ko. sapat na naman siguro yung twenty pesos para sa kape nya labis pa nga yun magkano lang ba ang isang 3 in 1 o kaya kung gusto nya ng mas syosal magvending machine sya.

"hi tita D!" nakangiting bati ko kay tita D pagkadating ko sa café.

"ayiee cathy ha balita ko lumalandi ka na!" asar sakin ni paula, waitress din sa heaven's café.

"at kanino mo naman nabalitaan yan?"tanong ko sa kanya habang inaayos ko ang gamit ko.

"kay tita D." napatingin naman ako kaagad kay tita D na nakatingin din sakin ng may nakakalokong tingin.

"hindi ka man lang ba magkwekwento tungkol sa date nyo ni lex." Kaya pala ganun ang tingin sakin ni tita D.

"kaya nga tita D, share naman dyan cathy!" pagsasang-ayon ni paula kay tita D.

"ano ba kayo hindi naman yun date!" totoo naman hindi naman talaga iyon date.

"hindi daw!" ang kulit lang ni paula.

"o sya sya sya, kung ayaw magkwento hayaan na lang at magayos na kayo nadami na ang tao sa labas." Sabi ni tita D bago umalis.

"dali na cathy saan ka dinala ni cutey lexter sa date nyo kahapon?" grabe ang kulit lang sabi nang hindi date yun.

"kumain lang kami dyan sa bayan at higit sa lahat hindi DATE yun! Okay hindi DATE!" pag hindi pa naman nya naintindihan yun ewan ko na lang.

I am courted by a GHOST! ON-HOLDWhere stories live. Discover now