chapter 9- bestfriend

444 14 1
                                    

Chapter 9>>> bestfriend

"uhmmm" ito na ba ang katapusan ko!?

Paano na si tatay?

Yung mga pangarap ko?namin ni tatay?

Paano si benji?

Sino na ang tutulong sa kanya?

Bigla ko naman naalala yung ginagawa ng mga hinoholdap sa mga palabas sa tv. Kinagat ko ang kamay na nakatakip sa bunganga ko at niyapakan ng malakas ang paa nya. Namilipit naman sya sa sakit kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na humingi ng tulong.

"AHHHH! TULONG! TULONGAN NYO PO AKO! MAGNANAKAW! HOLDAPER! KIDNAPPER! RAPIST! MANYAK! WAHHH!TULUNGAN NYO PO AKO." Sigaw ko habang tumatakbo. Hindi ko na tiningnan kung sino yung humawak sakin dahil sa ngayon mas gusto kung makalayo dito kasya makilala pa sya.

" HOY CATHY! Ang OA naman nito!" sigaw sakin ng lalaki.

"WAAH TU..." wait yung boses na yun! Parang pamilyar,parang kay...

"Lexter?" nagaalangang tanong ko sa kanya habang inaaninag ang mukha nya, malayo layo na rin kasi ang natakbo ko.

"the one and only!" sagot nya habang naglalakad papalapit sakin.

"HAYOP KA LEXTER! Pasalamat ka at wala akong sakit sa puso!" grabe ang takot ko kanina akala ko ito na nga ang last day ko.

"at bakit ka naman nandito John Lexter Comia?" nakapamewang na tanong ko sa kanya.

"ako nga dapat ang magtanong sayo nyan, anong ginagawa mo dito sa dis-oras ng gabi Catherine Reyes?" ayy shoot! Si Lance! Ano ba yan nakawala na naman sya sakin! Pero sa ngayon ang dapat kong munang problemahin ay ang idadahilan ko kay lexter.

"ahmm ano...." Anong idadahilan ko? hindi ko naman pwedeng sabihin na sinusundan ko si lance dahil sa hinala ko na sya ang nag-utos na ipapatay si benji.

"naghihintay ako ng palusot mo cathy! Pakibilisan ang pagiisip. Yung maganda ha!" lagi na lang kasi sya ang nakakahuli sakin pag may ginagawa akong kalokohan lalo na nung mga bata pa kami tapos lagi akong gumagawa ng palusot kaya alam na alam nya kung kalian ako nagsasabi ng totoo o hindi. Ganyan namin ka kilala ang isa't isa.

"taga dito kasi yung kagroupmate ko sa project namin sa humanity." Sana kagatin nya.

"wag mo akong niloloko cathy! First week pa lang ng school year, project kaagad?" shoot, oo nga no! huli na naman ako, pero hindi ko naman pwede sabihin sa kanya ang totoong dahilan.

Narinig ko naman na nagbuntong hininga si lexter ng mapansin nya na wala talaga akong balak sabihin sa kanya ang totoo.

"may boyfriend ka na ba cathy?"seryosong tanong sya sakin.

Nanlaki naman ang mata ko sa tanong nya! Seriously ako may boyfriend! Wala ngang nanliligaw sakin, boyfriend pa kaya!

"anong bang klaseng tanong yan lex!" natatawang sabi ko sa kanya. Alam naman nya na wala pang nagtangkang manligaw sakin. Hindi ko nga alam kung bakit wala din, maganda naman ako ah! Matalino din naman ako, scholar kaya to! Pero bakit wala man lang nagpaparamdam sakin.

"SAGUTIN MO NA LANG ANG TANONG KO!" nagulat naman ako sa biglang pagtaas ng boses ni lex. Bilang na bilang sa kamay ko kung ilang beses nya na ako nasigawan simula pagkabata namin at yun ay paggalit na galit na talaga sya sakin.

I am courted by a GHOST! ON-HOLDDove le storie prendono vita. Scoprilo ora