chapter 16 - Samantha's lovestory

351 5 0
                                    

Chapter 16>>> samantha’s love story

 

“LANCE! LANCE! SI SAM! TULUNGAN MO SI SAM!” pero nakatulalang nakatingin lang si lance kay sam.

“LANCE ANO BA! TULUNGAN MO KAMI DITO! DALHIN MO NA SI SAM SA HOSPITAL!” mukha namang natauhan na si lance at dadadaling binuhat si sam papuntang kotse nya.

mabilis nyang dinala si sam sa likod ng kotse nya at sinamahan ko naman si sam sa likod.

umikot si lance papuntang driver seat at binuksan naman ni benji sa upuan sa tabi nya na ikinagulat ni lance. remember ako lang ang nakakakita kay benji kaya ang tanging nakita lang ni lance ay ang pagbukas at pagsarado ng pintuan.

“ANO BA LANCE! TUTUNGANGA KA LANG BA DYAN O DADALHIN NA NATIN SA HOSPITAL SI SAM!” inilingiling na lang nya ang ulo nya at dalingdaling inaandar ang kotse.

nakarating naman kami kaagad sa hospital at dinala kaagad ni lance si sam sa emergency room.

“Ayos na ang ang pasyente masyado lang syang nastress at napagod kaya nahimatay sya pero ayos na ang mga vital signs nya, she just need enough rest to fully recover ang regain her energy.” sabi samin ng doctor pagkatapos nyang tingnan si sam.

“yung baby doc! kumusta ang baby?” nagaalalang tanong ni lance sa doctor.

“baby!? kaninong baby?” baby! OMG si sam ay buntis! at sigurado akong si lance ang ama.

“sasabihin ko sana sayo yan kanina kaso biglang nangyari to, isang buwan ng buntis si sam.” sagot sakin ni benji sa tabi ko.

“ayos lang naman ang baby, iiwas nyo na lang ang pasyente sa stress at bawal din syang mapagod dahil pakakasama ito sa kanya at sa baby.kung wala na kayong tanong uuna na ako dahil madami pa akong ibang pasyente.” sabi ni doc samin.

 

“kalian po pala sya pwedeng lumabas Doc?” tanong ko kay doc.

 

“pwede na syang lumabas ngayon pagkagising nya basta siguraduhin nyo lang na makakapagpahinga sya. sige ko yun lang ang tanong nyo aalis na ako.” mukhang madami ngang pasyente si doc at nagmamadali na talaga sya.

“sige doc mukhang madami pa ngang naghihintay sayo. salamat po ulit doc!” humingi naman ng paumanhin samin si doc dahil madami lang talaga syang kailangan gawin ngayon, pagkatapos ay umalis na sya.

 

“saan ka pupunta lance?” papalabas kasi si lance sa pintuan .

“uuwi na.” sagot nya sakin.

“ANO?” sigaw ko sa kanya.

“bingi ka ba cathy? sabi ko uuwi na ako.” binuksan na nya ang pintuan ang akmang aalis na sya ng nagsalita ulit ako na nagpatigil sa kanya.

I am courted by a GHOST! ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon